Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Tale 🔸 5

16.4K 1.1K 156
                                    

Alessia's POV

BUMALIK na kami sa kampo at agad naman na nagsiga sina Klein para mag-ihaw ng ibon na napana nila.

Dahil wala naman akong ginagawa, ayaw nila akong patulungin dahil bata talaga ang tingin nila sa akin. Naglakad-lakad na lang ako sa paligid dahil may nakikita akong mga halamang gamot na tanim ni lolo sa dati namin bahay.

Marami ito roon at kumuha ako ng mga halaman na gamot sa mga sugat at lason. Mayro'n ding halaman na nakakawala ng pagkahilo. Kilala ko ang kanilang itsura at amoy pero hindi ko kilala ang kanilang mga pangalan dahil mahirap silang bigkasin, kaya ang itsura, lasa at amoy na lang ang aking palatandaan.

Marami akong nakuha at may ginseng pa akong naipon. Masarap itong pakuluan para sa tsaa at maganda rin ito sa katawan.

Nilagay ko ito sa isang lalagyan na hiniram ko mula kay Gaspar. Mayro'n din akong nakikitang mga rosemary at puno ng bayleaf kaya kumuha na din ako para isahog sa ibon na iihawin.

Bumalik na ako sa kampo at nakita ko na tinutusok na ni Kairo ang ibon at malinis na ito, walang balahibo at walang laman loob.

"Teka, lalagyan ko nito yung mga ibon," pigil ko kay Kairo dahil isasalang na sana niya ang iyon sa apoy.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Kairo sa akin.

"Pampasarap ng pagkain. Hindi ba kayo gumagamit ng ganito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kami gumagamit ng ganyan," sagot niya sa akin.

Napatangu-tango naman ako. "Maganda ito dahil bumabango ang mga lutuin. Sandali lang, ilalagay ko lang ito sa loob." Ipinasok ko na ang rosemary at bayleaf sa loob ng karne ng ibon.

Ginaya naman ako ni Kairo kahit nagtataka ito. Si Klein naman ay nanonood sa amin, kahit nagtataka ay hindi na ito nagtanong.

Isinalang na namin ang karne sa apoy. Tumulong na si Klein sa pag-iihaw. Para nilang nililitson ito. Si Gaspar naman ay abala sa mga nahuli at inaayos ang mga ito.

Isang oras ang lumipas ay naluto na rin ang karne kaya nagsikain na kami. Mabango ang karne, pero kulang sa lasa. Kung may suka o kaya ay kalamansi rito sana, pero wala akong nakita. Pero hindi na iyon mahalaga dahil ang importante, may pagkain kami at mabubusog kami.

Patuloy lang ang siga. Si Gaspar naman ay kinuha ang pluta at tumugtog ito ng musikang ngayon ko lamang narinig. Nakasandal lamang ako sa isang malaking kahoy.

Ang aking mapusyaw na buhok ay lumiliwanag dahil natatamaan ito ng ilaw mula sa apoy. Unti-unti akong inaantok pero nagigising naman ako dahil sa lamok na kumakagat sa akin kaya napapakamot ako. Wala naman sigurong dengue dito o kaya malaria. Sana wala nga dahil nakakatakot iyon.

Ilang beses na akong naiidlip at nagigising din dahil sa lamok hanggang sa nagising na lamang ako na nagkakagulo na.

Roar!

Bigla akong namutla nang makita ko ang isang pamilyar na halimaw.

"Demon," naibulong ko sa hangin. Ano ang ginagawa ng demon dito sa Wysteria? 'Wag n'yong sabihin na dito sila galing?

"Ales, magtago ka. Papatayin namin ang demon na ito!" sigaw sa akin ni Gaspar at nahintakutan akong tumayo at nagtago ako sa likod ng malaking puno.

Malaki ang demon, kagaya ng humabol sa amin ni ate bago kami naaksidente at nahulog sa bangin. Malalaki't matatalas ang sungay nito; mukha siyang kalabaw na makapal ang balahibo. Ang katawan nito na korteng tao, pero ang balat ay sa kalabaw.

Pinatamaan nila ito ng mga pana, pero tila bakal ang balat nito dahil hindi man lang ito nasusugatan.

Napahigpit ang kapit ko sa puno nang makita kong hinampas nito si Kairo at tumilapon ito sa halamanan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang alam ko sa pakikipaglaban sa isang halimaw? Baka kung tao pa ito, makakaya ko pang makipagsapakan.

Nawasak na ang aming tent at wala nang pagsidlan ang takot na nararamdaman ko. Ano ang gagawin ko? Isa lamang akong tao na napadpad sa mundo nila. Wala akong kakayahan para pigilan ang demon na ito.

Pero nagulat na lamang ako nang biglang may napakamabilis na bagay na tumarak sa demon. Umiilaw iyon at agad na bumagsak ito.

Nahilakbot ako sa aking nakita na espada iyon at umiilaw. Gumalaw iyon kahit walang may hawak! Hindi ko alam kung mas matatakot ako sa demon o sa espada.

Pero napatingin na lamang ako nang may lumabas na dalawang lalaking nakakimono rin at mahahaba ang kanilang mga buhok. Hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha dahil nasa madilim sila na parte.

"Anong ginagawa n'yo dito?" matigas na tanong ng lalaking medyo kaliitan kaysa isa. Mas maikli ang buhok nito kaysa sa lalaking hindi nagsasalita.

"N-nangangaso po kami, mahal na sentinel," sagot ni Gaspar at mabilis silang lumuhod.

Mga sentinel? Valerian Sentinel ba ang tinutukoy nila? Pero wala na akong maisip na iba kundi iyon. Bakit nandito sila sa lugar na ito ng ganitong oras? Rumuronda din ba sila dito?

Napatingin naman ako sa lalaking hindi nagsasalita. Iminuwestra niya ang kanyang kamay at biglang nahablot naman ang espada kahit hindi nito hinawakan at lumipad ito patungo sa kamay niya. Nahawakan niya kaagad ang handle at ibinalik niya ito sa lalagyan sa may gilid niya.

Napamura na ako sa aking isipan dahil sa nakikita ko. What kind of sorcery is this? Pero sa mundong ito na may demon, kaharian at mga imortal, hindi na dapat ako magtaka. Ang mga kababalaghan na para sa akin ay normal lang sa kanila.

Naalala ko naman bigla si Kairo kaya mabilis akong tumakbo para puntahan ang kinabagsakan nito. Agad ko siyang natagpuan na umuungol at tila may bali ito sa katawan.

"Ales?!" nag-aalalang tawag sa akin ni Gaspar. "Pasensya na kayo, may kasama kaming bata. May kasama kami na tumilapon at pinuntahan niya," dinig kong hingi ng paumanhin niya sa mga panauhin.

"Gaspar, may bali siya!" sigaw ko kay Gaspar.

Hindi ko kayang buhatin si Kairo dahil mas malaki siya kaysa sa akin. Agad na dumating si Gaspar at Klein. Kitang-kita ang pamumutla ng dalawa at agad nilang kinarga si Kairo pabalik sa kampo.

Sumunod ako sa kanila at hindi ko mapigilan ang mag-alala. Agad na inihiga nila si Kairo at umungol ito.

"Masakit, may bali ang tagiliran ko," nasasaktan na saad ni Kairo.

"Dalhin na natin siya sa ospital!" hindi ko mapigilan na utas dahil natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa kanya.

"Dadalhin namin siya, pero kailangan na may maiwan dito. Klein, maiwan ka na dito. Isasama ko na si—"

"Gaspar, hindi mo kayang buhatin si Kairo ng mag-isa," tutol ni Klein.

Napalunok naman ako. "Ako na lang ang magpapaiwan dito—"

"Hindi maaari, Ales. Hindi ko itataya ang kaligtasan mo rito lalo na ang biglaang pag-atake ng yama rito." Ramdam ko ang bagsik sa kanyang boses. Para siyang isang ama.

"Pero..." Hindi ko na naituloy dahil nakita ko sa kanyang mga mata na hindi ko na mababago ang kanyang isipan.

"Pwede n'yo siyang iwan dito. Hindi kami aalis hanggang bukas," biglang saad naman ng lalaki kanina na hindi ko pa kilala sa pangalan.

"Mahal na sentinel, hindi n'yo po ito kailangan gawin. Isa lang po kaming hamak na—"

"Lumakad na kayo. Dito kami magpapalipas ng gabi at maghihintay sa inyo bukas. 'Wag n'yong isipin na isa kayong abala dahil trabaho namin na siguruhin ang kaligtasan n'yo," may paninindigan na saad nito. Kahanga-hanga.

Walang nagawa si Gaspar kundi ang pumayag. Tumingin si Gaspar sa akin.

"Ales, mag-ingat ka. 'Wag kang malikot dito," paalala niya sa akin. Gusto ko naman mapakamot sa batok dahil sobrang bata ang tingin nila sa akin pero wala akong magagawa. They are a thousand years old, while I am just twenty.

"S-sige po," tugon ko sa kanya.

Nakita ko na binuhat nila ulit si Kairo at magsimula na silang tumahak sa daan palabas ng kagubatan. Naiwan naman ako kasama ang dalawang sentinel.

Tahimik akong nakayuko at tumingin ako sa puno kung saan ako kanina umiidlip. Tila nawala lahat ng antok ko dahil sa mga pangyayari kanina. Pumanhik na lamang ako sa puno, umupo ako sa damuhan at sumandal.

Nakita ko ang dalawang sentinel ngayon na nakatayo at parehong nakatingin sa akin. Ngayon na nakikita ko sila nang malapitan, napagtanto ko na mas matangkad pala sila kesa kina Gaspar. Based on my calculations, the guy with long hair and a frowning face is about six feet and five inches, while the other is around six feet and three inches.

Magaling ako sa pagtansya dahil na rin sa kursong natapos ko.

"Ales ang pangalan mo?" kumpirma sa akin ng mas maliit na sentinel habang ang mas matangkad ay halos tunawin na ako sa kanyang mga titig na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Oho," sagot ko sa kanya.

"Ilang taon ka na?"

"Bente po."

Nagulat pa ito. "Ganoon ka kabata? I can't believe this."

"Siguro po, kumpara sa edad n'yo na isang libo ay bata pa ako. Pero kung normal akong tao, nasa wastong edad na po ako," sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sumagot samantalang ang iba nga hinahayaan ko lang.

"Pero hindi ka tao, binibini—"

"Lalaki po ako," putol ko sa kanya. Pero kinabahan ako dahil doon.

Nakita ko naman ang gulat sa kanilang mukha. Mas gulat ang lalaking tahimik, parang may bagay itong hindi matanggap.

"Siguradong lalaki ka?" Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita ang lalaking mas mahaba ang buhok. Ngayon lang din ako nagkataon na masilayan ang mukha niya dahil tumama doon ang sinag ng apoy.

Napakahandang mukha nito. Hindi iyong tipo na mapagkamamalan mo na babae. Lalaking-lalaki ito, kahit mahaba ang buhok. Ang kanyang mga mata na tila nakapaloob ang kalawakan ay kumikinang. Halatang malaki ang katawan nito kahit balot ito sa suot na itim na kimono.

"O-opo." Napalunok ako. Sana maniwala sila. Natatakot ako na kapag nalaman nila na babae ako ay kukunin nila ako at gawing parausan ng mga opisyales.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pareho silang nagkatinginan na sila lang din ang nagkakaintindihan. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tinginan nilang iyon kaya nanahimik lang din ako.

"Your—Elijah!" Nagulat naman ang mas maliit dahil biglang natumba ang lalaking tinawag niyang Elijah. Ang ganda ng pangalan niya, nasa bibliya.

"I'm okay. Maliit lang na sugat." Pilit na tumayo si Elijah at lumapit ito sa isang puno para sumandal. Malapit lang iyon sa akin. "Stefano, maghanap ka ng halamang gamot para tumigil ang sakit at pagdurugo ng sugat ko," utos niya rito.

Stefano pala ang pangalan ng isa. Ang gaganda ng mga pangalan nila, pero bago pa nakaalis si Stefano, ay tumayo na ako.

"Mayro'n po akong mga halamang gamot dito," sabay lahad ko sa box na hiniram ko kay Gaspar.

Napatingin naman doon si Stefano at inilipat niya sa akin ang tingin.

"Marunong kang manggamot?" tanong nito sa akin.

"May alam lang po," sagot ko sa kanya. Hindi naman ako sigurado kung marunong ako. Itinuro lang naman ito ni lolo sa akin at hindi ko naman ito ina-apply sa mga nasusugatan doon sa kabilang mundo.

"Pwede mo bang gamutin ang k-kasama ko?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay naiilang si Stefano kay Elijah. Hindi ko makita ang dahilan pero 'yun ang nakikita ko.

"S-sige po," sagot ko sa kanya kaya lumapit na ako kay Elijah.

Nakatitig pa rin si Elijah sa akin. Napatingin naman ako sa katawan niya na balot pa rin ng damit niya. Hindi ko alam kung paano sabihin o itanong kung nasaan ang sugat niya.

Pero mukhang nabasa na nito ang iniisip ko dahil nakita ko na basta hinubad na lang nito ang pang-itaas at lumaylay iyon pababa.

Agad na tumambad sa akin ang mabato nitong katawan. Wala itong balahibo sa dibdib, pero hitik na hitik ito sa laman, lalo na sa tiyan niya na mukhang lagpas anim ang abs.

Ipinilig ko naman ang ulo ko dahil imbes na ang sugat ang tingnan ko ay ang paperpektuhan ng katawan nito ang inatupag ko.

Tumingin na ako sa kanyang sugat sa tagiliran. Hindi naman iyon kalaliman kaya mabilis itong gagaling.

"Hindi malalim ang sugat n'yo, Ginoong Elijah. Sandali lang, ipagdidikdik ko kayo ng halamang gamot," turan ko sa kanya at inilabas ko na ang mga kailangan ko.

Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin nila sa aking dalawa. Nagdikdik na ako ng halaman na kailangan ko para tumigil ang pagdurugo at sakit. Mabilis ko iyon na ginawa at agad ko itong ipinahid sa kanyang sugat.

Mabilis naman na umalalay si Stefano at ibinigay niya sa akin ang isang tela na pambalot sa sugat. Halos mapayakap na ako sa katawan ni Elijah dahil ipinaikot ko sa likod nito ang tela upang ma-wrap ko ang kanyang sugat. Ilang ulit yun na nangyari pero wala akong narinig na reklamo.

"Tapos na po," usal ko sa kanya at inayos ko na ang gamit.

"Salamat," maikling turan sa akin ni Elijah. "Magpahinga ka na."

Tumayo naman ako. "Sige po. Magandang gabi po sa inyo." Bumalik na ako sa puno at sumandal para makatulog na ako.

©️charmaineglorymae

Immortal's Tale |Immortal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon