Alessia's POV
NAALIMPUNGATAN na lamang ako dahil sa mga boses na nagbubulungan. Babalewalain ko na lang sana iyon dahil gusto ko pang matulog nang naging pamilyar sa akin ang boses. Si Elijah at Stefano ang nag-uusap.
"He just looks like her, he is not her," mahinang saad ni Stefano.
"I know that, but I still want him to go with us," matigas naman na saad ni Elijah.
Do they know how to speak English? They sound so fluent like they were born with knowing the language, pero naalala ko naman na ang mga dugong bughaw, aristocrat at mga sentinels lang daw ang marunong sa ganitong salita. Ang mga mas mababa sa sentinel ay hindi tinuturuan ng salitang ito. The commoners get by enough with the local language.
Ibig sabihin, magpapanggap din ako na hindi ko sila naiintidihan dahil mas mababa pa ako sa sentinel.
"But we are traveling to see a sorcerer. It's dangerous to bring someone that young," saad ulit ni Stefano.
"Don't meddle with my decision, Stefano. I am not violating any rules. I don't have plans of becoming gay if you're thinking about that." Elijah says honestly.
"He's young."
"He will grow up in time."
"But your ma—"
"Enough, he will be leaving with us."
Tuluyan na akong nagising dahil sa sagutan na iyon. Hindi ako sigurado, pero may pakiramdam ako na ako ang pinag-uusapan nila. Naiintindihan ko sila pero wala akong makuha.
Namalayan ko pa ang sarili ko na nakatagilid ako sa lupa. Mabuti na lang at may mga damo roon at hindi ako nadumihan.
Napatingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nakatingin na din sa akin. Maliwanag na ang paligid kaya kitang-kita ko na ang mga itsura nila.
Mas gwapo ito ngayon na mas maliwag na. His skin is golden olive and his hair is straight and brownish-black na hanggang likod. With his get-up, he looks like he's of Chinese descent, but his face doesn't look Chinese at all. Ang isa naman ay may itsura, pero mas lamang si Elijah.
"Uh...magandang umaga po sa inyo," bati ko sa kanilang dalawa.
Tumango lang si Elijah at ngumiti naman sa akin si Stefano.
"May pagkain na Ales, kumain ka na," saad ni Stefano at nakita ko naman na ibinaling ni Elijah ang tingin sa paligid.
He's really not talkative, pero mas bagay naman sa kanya ang tahimik kaysa makuda.
"S-sige po. Kumain na rin po ba kayo?" tanong ko sa kanila bago ako tumayo at lumapit sa patay ng siga.
"Tapos na kami. Kaya kumain ka na at baka babalik na ang mga kasama mo," tugon nito sa akin.
"O-opo," naging sagot ko na lang.
Nakakailang lang na mukha silang matanda lang sa akin ng lima o pitong taon, pero 'yung utak ko ay sumisigaw na irespeto sila dahil mas matanda pa sila sa itsura nila.
Isda ang nakita ko na luto. Nakatuhog iyon. Siguro nanghuli sila? Malamang sa batis nila ito nakuha, kaya kumain na ako. Hindi ko nagustuhan iyon dahil masyadong matabang. Iba ang lasa ng isa sa batis kaysa dagat.
Pero kinain ko pa rin dahil ang importante ay magkalaman ang tiyan ko. Hindi ko pwedeng pairalin ang kaartehan ko rito dahil nasa gubat kami.
Natapos akong kumain at pumunta na ako sa lawa, doon sa may bukal. Kailangan kong maghilamos at magsepilyo. Mabuti na lang talaga at pinadalhan ako ng baon ni Honey. Naghilamos na ako at nagsepilyo. Pagkabalik ko naman ay nandoon pa rin silang dalawa nakaupo sa kanya-kanyang puno at nakasandal.
Napatingin naman ako sa daan patungo sa labasan. Wala pa rin ang mga kasama ko at hindi ko alam kung kailan sila babalik.
"Ales." Mabilis akong napalingon dahil sa baritonong boses na iyon. Parang may gumapang sa balat ko na hindi ko matanto kung ano, but his voice sounds so soothing and sexy. Yung tipong naririnig ko na mga boses sa YouTube na masasarap magsalita, mababa at lalaking-lalaki.
"Po?" Napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako tuwing magsasalita siya.
"Gusto kong sumama ka sa amin," diretsong saad nito na ikinakaba ko lalo.
Bakit gusto niya akong isama? May nagawa ba akong kasalanan? Alam na ba nila na babae ako kaya isasama nila ako para gawing parausan?
Mabilis akong umiling na parang nakadepende doon ang buhay ko.
"Ayaw ko po," mabilis na saad ko at tunog siguradong-sigurado ako.
Nakita ko naman ang tila pagkabahagyang tuwa sa naging reaksyon ko. Nakakatawa ba ang reaskyon ko?
"Wala akong gagawing masama sa iyo, kung 'yan ang iniisip mo. Gusto kong sumama ka sa amin bilang manggagamot. Bata ka pa pero alam mo na ang paggagamot. Matutulungan mo kami sa paglalakbay, sasahuran din kita buwan-buwan. Makakatulong ka sa pamilya mo," paliwanag nito sa akin at base sa tunog ay nakaka-enganyo iyon.
Pero kahit ganoon ay hindi ko mapigilan na hindi magduda o kabahan. They are just random people, they are totally strangers at hindi ko alam kung pakitang tao lang ito.
"B-bakit ako? Marami p-po d'yan na mas magaling po. Kaunti lang din po ang kaalaman ko sa pangagamot," utal na saad ko. Nanatili akong nakaupo. Wala naman silang ginagawa upang mas matakot pa ako.
"Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang isang tulad mo. Magiging maganda ang kinabukasan mo sa larangan ng medisina. Nakikita ko ang iyong potensyal," sagot ni Elijah sa akin. Nanatiling kalmado ang itsura niya.
"S-saan ba kayo pupunta, bakit nandito kayo?" tanong ko dahil isang malaking katanungan pa rin sa akin kung bakit nandito sila sa pusod ng kagubatan.
"Ito ang pinakamabilis na rota patungong Caracass. Hinahanap namin ang isang salamangkero," sagot ni Stefano sa akin at tinapunan niya ng tingin si Elijah na tila nanghihingi ng permiso.
"Salamangkero?" Like a sorcerer?
"Oo, may gusto kaming malaman sa kanya," sagot ni Stefano at tuluyan nang nanahimik si Elijah na tila walang pakialam sa mundo.
"Ano ang kaya niyang gawin?" Pataas nang pataas ang kuryosidad ko, pero hindi ko talaga inakala na may salamangkero dito. Sa labas ng mundong ito, mangkukulam ang tawag sa kanila.
"Sabi nila kaya niyang magsumpa, magpagaling ng ano man karamdaman, at kaya niyang tumawid sa mundong ito at sa labas. Kaya kakaiba daw ang itsura nila, ang mga salamangkero lang ang tumatanda dahil nakakatawid sila sa mundo ng mga imortal sa mundo ng mga mortal," kwento ni Stefano sa akin.
Tumahip naman ang dibdib ko. May salamangkero sa Caracass na nakakatawid sa mundo ng mga tao at imortal? Ngayon, lahat ng pag-aalinlangan ko ay nawala. Kailangan kong sumama sa kanila para matagpuan ang salamangkero para makauwi ako. Hindi naman ako sigurado kung nandito nga ang kapatid ko. Maaaring hindi siya kasamang inanod dito.
"S-sasama ako sa inyo," saad ko sa kanila.
Napalingon naman ngayon si Elijah sa akin at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero agad iyong itinago sa pamamagitan ng blankong tingin sa akin.
"Bakit nagbago ang isipan mo?" tanong ni Elijah sa akin.
I should lie. They must not know that I am going with them with an ulterior motive. I am only going with them because of the sorcerer who can bring me back to the mortal world.
"N-naisip ko na maganda ang alok n'yo sa akin at marami akong matututunan," sagot ko sa kanya. I can't believe that I can lie to this man with a straight face.
Hindi ngumiti si Elijah. May pakiramdam ako na mahal masyado ang kanyang ngiti kaya hindi ito basta-bastang ngingiti para sa mabababaw na dahilan.
"Mabuti. Hintayin na lang natin ang kasama mo para makapagpaalam ka," saad naman ni Elijah at tumayo na ito para mag-ayos.
"Mabuti at nakapagdesisyon ka na sumama. Gusto talaga ni Elijah na sumama ka para matuto ka sa larangan ng medisina," nakangiting turan sa akin ni Stefano. Bigla naming nanlamig ang itsura ni Stefano sa 'di ko malaman na dahilan. Para itong matatae. "Ah, para makatulong ka rin sa pamilya mo dahil malaki ang sahod ng mga manggagamot." Napakamot pa ito at napatingin kay Elijah na tila kinakabahan.
Ngumiti naman ako. "Makakatulong nga po. Wala naman po akong trabaho dahil bata pa po ako. Ayaw nila akong tumulong, kaya siguro ito na ang pagkakataon ko."
"Nandito na sila," usal naman ni Stefano at tumayo na din siya habang nakatingin sa daan mula sa labasan.
Mabilis din akong napatayo at agad na nanghaba ang leeg ko sa pagtingin kung saan sila. Nakita ko kaagad si Gaspar na naglalakad patungo sa amin, siya lang mag-isa. Siguro ay nandoon si Klein sa hospital nakabantay kay Kairo.
"Gaspar! Kumusta na si Kairo?" salubong ko at agad iyon tinanong, pero malakas ang pakiramdam ko na okay lang siya.
Ngumiti naman ito sa akin. "Okay lang siya. Nakalimutan mo yata na imortal tayo." Tinuktukan pa ako nito sa ulo kaya napahawak naman ako doon. "Hindi ka ba naging malikot dito?"
Ngumuso ako at umiling. "Hindi naman po," sagot ko sa kanya.
Bumuntonghininga naman si Gaspar. "Pasensya na talaga kung kailangan kitang iwan dito kagabi."
Ngumiti naman ako. "Okay lang po iyon. Mababait naman ang mga sentinels."
Naging hudyat iyon para dumako ang tingin niya kina Elijah at Stefano.
"Magandang umaga sa inyo," bati ni Gaspar at yumukod siya bilang pagbigay pugay sa mga ito.
Tumango lamang ang dalawa at hindi na nagsalita. Gusto kong sabihin ngayon kay Gaspar na hindi ako uuwi sa bayan, dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi ako papayagan ni Honey na sumama kina Elijah.
"Gaspar, nais kong sumama sa kanilang paglalakbay," saad ko sa kanya upang mapahinto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Ano?"
"Sasama ako sa kanila."
Mas lalong kumunot ang noo nito. "Bakit?"
"Gusto kong paglawigin ang kaalaman ko sa pangagamot," sagot ko sa kanya. Iyon naman ang dahilan kung bakit gusto nila akong isama.
"Ales, masyado ka pang bata para sa bagay na iyan. Makakapaghintay pa iyan, mga tatlong daan taon at pwede mo na 'yan gawin," sagot niya sa akin at napangiwi naman ako.
Sigurado akong hindi na ako buhay sa panahon na iyon. Hindi ako kagaya nila na isang imortal.
"Pero gusto ko na ngayon, Gaspar. Sasama ako sa kanila, pakisabi na lang kay Honey—"
"Hindi ka uuwi para ipaalam sa tiyahin mo? Ales, 'wag kang maging iresponsable. Responsibilidad ko ang kaligtasan mo dahil ako ang nagsama sa iyo dito. Responsibilidad mo na iuwi kita sa inyo," matigas na saad ni Gaspar sa akin at ayaw niyang pumayag.
"Kung iniisip mo ang kaligtasan niya, huwag kang mag-aalala dahil responsibilidad namin na protektahan ang isang bata," singit naman ni Stefano.
Hindi lumingon si Gaspar kay Stefano. "Ales, pag-isipan mo itong mabuti. Hindi ito basta-bastang desisyon na gagawin mo."
"Sigurado ako, Gaspar. Desidido akong sumama sa kanila," matatag na sagot ko sa kanya.
Napabuntonghininga naman si Gaspar at lumapit ito sa akin. "Kung 'yan ang desisyon mo ay wala akong magagawa. Pero kailangan magbigay ka ng sulat sa tiyahin mo, dahil baka mapatay niya ako nang wala sa oras dahil pinabayaan kitang sumama sa mga sentinels," sumusukong saad ni Gaspar sa akin.
Naging malawak naman ang aking ngiti dahil pumayag na rin siya sa wakas.
"May papel ako dito at panulat," saad naman ni Stefano at inilabas nito mula sa bag nito ang isang papel at panulat—a very medieval type of pen that has a black feather and an inker.
Agad na lumapit ako at kinuha iyon. Hindi ako sanay na gumamit sa ganitong panulat pero maayos pa rin naman akong nakapagsulat.
Honey,
Nais kong iparating sa iyo ang aking desisyon. Sasama ako sa mga sentinels upang hanapin ang sarili ko. Gusto ko ring matutong manggamot na tanging sila ang makakatulong sa akin. Sana ay 'wag mong sisihin si Gaspar sa naging desisyon ko. Tutol siya dito, pero ito ang gusto ko at gustong gawin. Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin. Babalik ako balang araw upang bisitahin kayo ni Falix.
Hanggang dito na lang.
Ales.
Agad na natuyo ang tinta doon sa papel kaya nirolyo ko iyon at kumuha ako ng maliit na lubid para itali sa papel.
Tumayo na ako at lumapit kay Gaspar. "Ito na ang sulat na gusto kong ibigay kay t-tiya. Maiintindihan niya ako, Gaspar," sagot ko sa kanya.
Bumuntonghininga naman siya bago iyon tinanggap. "Alam kong hindi kita mapipigilan, Ales. Pero sana mag-ingat ka at magpakabait ka habang kasama mo ang mga sentinels. Kung gusto mong umuwi, bukas ang Samona para sa iyo." At niyakap niya ako na parang isang anak.
"Salamat po, Gaspar," tugon ko sa kanya bago kami nagkahiwalay.©️charmaineglorymae
BINABASA MO ANG
Immortal's Tale |Immortal Series One|
Fantasy|COMPLETED| Once upon a time, in a land hidden where immortals exist, Alessia Condor was killed as Lady Elena, the woman destined to marry the king of Valeria. Reincarnated in modern Philippines, Alessia finds herself again in the world she doesn't...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte