Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Tale 🔸 7

15.8K 1.1K 202
                                    

Alessia's POV

NAKASAKAY ako sa kabayo ngayon ni Elijah. Nasa likuran niya ako at mahigpit akong nakakapit dahil natatakot akong mahulog. Ito ang kauna-unahan kong pagkakataon na nakasakay sa isang kabayo.

Sapilitan pa akong pinasakay kanina dahil ayaw ko talagang sumakay. Natatakot ako at masyadong mataas ang kabayo. Ang apakan nito ay halos hindi ko na maabot.

Sapilitan naman akong hinila ni Elijah na parang magaan na unan lamang ako at namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasakay na ako sa likuran niya.

Sabi niya, hindi kami pwedeng maglakad dahil nagmamadali daw kaming makapunta sa Caracass. Hindi na ako nagprotesta, pero mahigpit ang kapit ko kay Elijah dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako kung malilingat lang ako.

Pansin ko ang tatag ng kanyang katawan, ramdam ko iyon. Ang nakakapagtataka lang ay kung bakit mabango pa rin ito. Kung naglalakbay ang mga ito, sigurado akong hindi pa naliligo ang mga ito, kaya paanong mabago pa rin ito?

Pero iisipin ko pa ba iyon kung bakit siya mabango? Hindi na iyon importante. Tinandaan ko na lamang ang aming dinaanan. Magiging madali lamang ito sa akin dahil sanay kami sa direksyon at angulo.

Mabilis ang pagpapatakbo ng kabayo at walang nagsasalita. May mga nakikita akong mga iilan na usa na tumitingin sa amin habang dumadaan kami.

"Malapit na tayo," saad ni Stefano na nauuna sa amin.

Mas lalo naman binilisan ni Elijah ang pagpapatakbo ng kabayo. Napansin ko na lang ang pagdilim ng paligid. Para itong naging gabi na sigurado ako na tanghaling tapat pa ngayon. Napatingala ako at nakita ang dahilan ng pagdilim, ang makakapal na itim na ulap.

Ramdam mo rin ang tila mala yelong lamig ng paligid at mga tunog ng uwak at paniki. Nakaramdam ako ng pangamba at takot. This looks like the movies, tapos may halimaw na biglang lilitaw at aatake.

Nakikita ko rin ang mga itsura ng puno na walang dahon at nakakatakot ang mga itsura nito. Parang ano man sandali ay biglang gagalaw na lang ito at magkakaroon ng nakakatakot na mukha.

"'Wag kang matakot. Nasa loob na tayo ng dimensyon ng salamangkero," untag naman sa akin ni Elijah. Mukhang naramdaman nito ang aking takot.

"O-oo," naging sagot ko na lang sa kanya, pero natatakot pa rin ako. Bakit ba kasi napadpad ako sa mundo nila? Bakit hindi na lang sa ibang parte ng Pilipinas?

Ilang sandali pa ay huminto na ang pagtakbo ng kabayo.

"Nandito na tayo," dinig kong saad ni Stefano.

Mabilis na bumaba silang dalawa sa kabayo. Ako naman ay naiwan sa ibabaw dahil hindi ako marunong bumaba.

Mabilis naman na hinawakan ni Elijah ang magkabilang bewang ko at ibinaba niya ako. Lagi itong nakakunot-noo pero unti-unti na akong nasasanay na ganoon talaga siya.

Kakaiba talaga sa mundong ito. Alagang-alaga nila ang sa tingin nila ay bata pa. Paano na lang kaya ang baby pa?

"Dito ka lang. Hindi ka pwedeng pumasok sa kamalig ng salamangkero," utos ni Elijah sa akin.

"Pero—"

"Hindi maaari. Dito ka lang," mariin na utos nito sa akin.

Wala akong nagawa. Gusto kong pumasok para makita ang matandang salamangkero pero hindi nila ako pinayagan. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kung makikita ko siya. Hindi naman ako pwedeng magtanong kung paanong makakabalik ako sa mundo ng mga tao. Hindi ko masisigurado ang kaligtasan oras na malaman nila na isa akong tao.

"S-sige po," sagot ko at dumikit ako sa kabayo dahil natatakot ako.

"Babalik kami kaagad. 'Wag kang aalis kahit na anong mangyari," utos naman ni Stefano.

Tahimik si Elijah at matiim itong nakatitig sa akin na tila isa akong mahirap na bagay na pinipigura niya. Nakita ko ang pangangalit ng mga panga niya bago niya ako tinalikuran at naglakad na sila papunta sa kamalig, kung saan nakatira ang salamangkero.

Naiwan ako ditong nag-iisa at kasama lamang ang dalawang kabayo. Napakapit ako sa renda nang may narinig akong alulong sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung mag-sisisi akong sumama, pero wala na akong magagawa dahil kagustuhan ko din ito.

Sinikap ko na huwag gumawa ng ingay kahit na may iilan akong nakikitang mga dilaw na mata sa kadiliman. Kung anu-ano na ang pumapasok sa imahenasyon ko dahil doon.

Nanindig naman ang balahibo ko nang makarinig ako ng isang iyak ng kagaya ng tuta. Para itong nasasaktan.

Grr...

Narinig ko ang ungol ng isang mabagsik na aso...sana aso nga lang ang naririnig ko at hindi mas malala pa.

Pero ang piping dasal ko ay hindi tinupad. Nakita ko ang isang tuta na umaatras, bahag ang buntot at umiika ito. Kulay itim ang tuta at sa harap nito ay naglalakad pasulong ang isang puting lobo na may asul na mga mata. Malaki ito at pakiramdam ko ay lalapain nito ang maliit na tuta—o mas tamang tawagin na wolf pup.

Biglang dinambahan ng malaking lobo ang maliit na itim na tuta at pumalahaw ang iyak nito. Naghalo ang takot at awa ko sa aking nakikita kaya hindi ako nagdalawang isip tumakbo patungo doon. Nahagip ko naman ang isang malaking kahoy na pwedeng ipamalo at agad ko iyong inihampas sa malaking lobo at tumama iyon sa kanyang ulo.

"Alis!" taboy ko rito at inambahan ko na naman na ihahampas sa kanya ang kahoy kaya umatras ang lobo. Pero kitang-kita ko ang kanyang matutulis na pangil.

Grr...

Umungol pa rin ang tuta at humakbang ako pasulong habang iwinawasiwas ko ang kahoy, kaya mas lalong napaatras ang lobo hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa dilim. Medyo nakakapagtataka lang din na agad itong umatras nang hindi man lang lumalaban.

Agad na napalingon ako at nakita ko ang itim na tuta na umuungol sa sakit at nahihirapan itong tumayo. Lumapit ako sa kanya pero agad naman itong umungol na tila natatakot sa akin.

"Shh...it's okay. I'm not gonna hurt you," bulong ko rito pero alam ko naman na hindi niya ako maiintindihan.

Pero hindi ko maipaliwanag ng hinayaan niya akong hawakan siya. Hinimas ko ang ulo niya at nakita ko na napapapikit siya. Ngayon ay nagtatalo ang isipan ko kung iiwan ko ba siya dito, samantalang may lobo na nakaabang at papatayin siya o dadalhin ko siya at aalagaan.

Pero nanaig ang awa ko kaya binitbit ko siya. Maliit lamang siya, para pang tatlong buwan na tuta. Hindi ko alam kung bakit siya inaaway ng lobong iyon. Ang alam ko ay hindi sinasaktan ng mga lobo ang mga maliliit.

Naglakad ako palapit sa kabayo at naramdaman ko naman na hindi mapakali ang kabayo dahil sa dala-dala ko. I know that other animals don't like the presence of other animals, especially wolves. They are one of the most dangerous predators in the jungle, kaya naiintindihan ko ang reaksyon ng mga kabayo. They feel threatened.

"Kalma lang kayo, baby pa itong lobo na ito," saad ko sa mga kabayo kahit hindi naman ako nila maintindihan.

Narinig ko lang ang mga hininga nila at umurong naman sila. Hindi ko alam pero bakit parang naiintindihan ako ng mga hayop? Siguro ganito sa mundong ito, nakakaintindi ang hayop ng salita nila.

Agad na inilapag ko ang tuta sa lupa at nilabas ko ang mga halamang gamot para sa kanyang sugat sa binti. Mabilis akong kumuha ng bato at dinikdik iyon.

Agad kong nilagyan ng halamang dinikdik ang sugat niya para matigil ang pagdurugo at gumaling. Nilagyan ko naman ng benda ang paa niya, tira sa ginamit ko kay Elijah kagabi. Naging maayos naman ang pagkakalagay ko at naging kalmado na rin ang paghinga ng tuta.

Kinarga ko na ulit iyon na parang bata at natutulog ito ngayon sa aking bisig.

Tumanaw ako sa kamalig at nakita ko na lumabas si Stefano at sumunod naman si Elijah. Nakita ko na parehong nakakunot ang mga noo nila, tila may malaking problema.

Agad na nakalapit sila sa akin at dumako naman ang tingin nila sa bisig ko.

"Paanong na sa iyo 'yan?" Nakita ko ang pagkaalarma sa mukha ni Stefano. Bumunot siya ng kanyang espada kaya mabilis akong napaatras.

"Anong gagawin mo?!" Pakiramdam ko ay para akong ina na prinotektahan ang anak. Parang may sumiklab sa akin dahil sa pagkakatutok ng espada ni Stefano sa tuta na ngayon ay natutulog.

"Ales, bitawan mo ang halimaw na 'yan!" galit na saad ni Stefano sa akin.

Anong halimaw? Halimaw ba ang tingin niya sa lobo? Nasisiraan ba siya ng bait?

"Hindi siya halimaw! Hindi mo ba nakikita na sugatan siya? Muntik na siyang patayin ng kapwa lobo na mas matanda pa sa kanya!" sigaw ko sa kanya. Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil sa inaakto niya. Bakit siya ganoon sa isang walang kalaban-laban na tuta?

"Hindi mo alam kung ano 'yan hawak mo? Ales, isa iyang necromancer! Kahit ang mga halimaw ay iniiwasan iyan! Bitawan mo 'yan Ales, papatayin ko iyan hangga't bata pa iyan! Dahil oras na malaki na iyan, manganganib tayong lahat!" parang kulog na saad sa akin ni Stefano.

Hindi ko binitawan ang tuta. "Hindi. nagmamakaawa ako, 'wag mo siyang sasaktan. Palalakihin ko siya, tuturuan na huwag manakit ng mga imortal," mahinang saad ko at tumulo na ang luha ko. Naiintindihan ko na natatakot sila, pero isa lang itong batang lobo na walang kalaban-laban!

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ales? Papatayin ka niyan paglaki—"

"Enough!" dumagundong ang boses ni Elijah na nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Stefano. "Pwede mo 'yan alagaan, pero oras na magiging banta 'yan sa kaligtasan mo, ako mismo ang papatay sa kanya," malamig na saad ni Elijah at kitang-kita ko kung paanong nagyukom ang mga palad nito.

Lumuluhang tumango ako. Gagawin ko ang lahat para hindi makapanakit ang tutang ito. Ang liyon at tigre nga na mababangis na hayop, umaamo kapag inalagaan ng tao, ang lobo pa kaya?

"S-salamat," naisaad ko at mas lalo kong inilapit sa aking dibdib ang tuta.

"Tara na, lalabas na tayo dito," turan ni Elijah.

Nakita ko na hindi sang-ayon si Stefano sa desisyon ni Elijah pero hindi ito nagsalita. Galit ang itsura nitong sumakay sa kabayo.

Ang akala ko na sasakay si Elijah ay hindi nangyari. Nahigit ko na lang ang aking hininga nang hinawakan niya ang bewang ko at walang kahirap-hirap na isinakay ako sa likod ng kabayo. Sumampa naman siya kasunod sa akin, kaya nandito ako sa kanyang harap at nakakulong sa kanyang bisig na parehong nakahawak sa renda.

Mahigpit kong hinawakan ang tuta ng nagsimula nang tumakbo ito. Napapasandal ako sa katawan ni Elijah dahil na rin sa bilis ng takbo ng kabayo. Natatakot din akong mahulog. Naghintay ako ng reklamo, pero wala akong narinig.

Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa nakalabas kami sa teritoryo ng salamangkero. Mga ilang minutong paglalakbay ay nakarinig naman kami ng tunog ng batis.

"Hihinto tayo para kumain," saad naman ni Elijah.

Lumiko kami at pumatungo sa sinasabi nitong batis. Hindi nagtagal ay natanaw ko na nga ang tahimik na batis. Malawak iyon at sobrang linaw na nakikita ko kahit ang sahig nito na maraming bato.

May iilan din na isdang lumalangoy. Alam ko na manghuhuli na naman sila ng isda para sa tanghalian na kung tutuusin ay huli na.

Bumaba na si Elijah at agad naman niya akong ibinaba mula sa kabayo.

"Salamat," saad ko. Nakasanayan ko na ngayon ang kanyang presensya kahit pa mukha siyang masungit.

Tiningnan ko naman ang tuta kong tulog ngayon. Itim na itim nga ito, walang halong kahit anong kulay ng kanyang balahibo. Pero sobrang maamo ang mukha nito, kaya paano nila maaatim na paslangin ito?

Masama naman ang tingin ni Stefano sa tuta kaya sinimangutan ko ito at lumayo sa kanya. Natatakot ako na baka oras na bitawan ko ang tuta ay agad itong papatayin ni Stefano.

"Hindi mo kailangan akong simangutan, totoy. Wala akong gagawin d'yan sa alaga mo," dinig ko naman saad ni Stefano na tila inaasar ako.

Hindi ako naniwala dahil iba naman ang kanyang tingin. Hindi na ako nagsalita at umupo na lang ako malapit sa malaking bato na may damuhan.

Inipalag ko ang tuta—teka, ano ba ang ipapangalan ko sa kanya? Blackie? Dark? Ang pangit naman, masyadong common.

"Sushi?" Bigla na lang itong nagmulat ng mata at dinilaan ang kamay ko. Namilog naman ang mga mata ko, gusto niya ang Sushi na pangalan? Sigurado akong hindi niya alam na pagkain iyon. "Sige, Sushi na ang pangalan mo ngayon," Kahit weird pakinggan okay lang.

Nilaro-laro ko na lang si Sushi kahit hindi pa ito nakakabangon nang maigi dahil sa kanyang sugat sa binti.

©️charmaineglorymae

Immortal's Tale |Immortal Series One|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon