Chapter 1:
Cinderella's POV
“ano pang tinutunganga mo jan cinderella? Maglinis ka na ng lamesa!” sigaw sa akin ni donya Celester ang nanay-nanayan ko ayaw niyang tinatawag ko siyang mama kasi ampon lang daw ako
Nag simula na akong mag linis ng lamesa para hindi na muling masigawan ito lagi ang ginagawa ko kapag ka gising ko mag aayos at mag susuot ng bigay nilang sira sirang damit
Cinderella ang pinangalan sa akin ni papa dahil paborito ko ang cinderella na lagi niyang kine-kwento sa akin bago matulog
Mayaman sila papa kaya malaki ang bahay pero hindi ako kasali sa pamilya nila katulad ng sinabi ni donya Celester sa akin
“Cinderella linisin mo na rin ang sapatos namin ni celesty para sa gagawing pag pupulong mamaya” sabi naman ni señorita celestia ang panganay na anak ni donya celester si celesty ang pangalawang anak ni donya celester at ang bunsong lalaki ay namatay dahil sa sakit na cancer
“opo, señorita celestia” sagot ko at nilinisan ang basahan na ginamit ko sa lamesa at nag tungo sa sapatusan at nilinisan ang high heels nila na gagamitin mamaya
Lahat ng kasambahay dito may ginagawa ngunit pinag bakasyon sila ni donya celester at ako ang pumalit sa kanila kaya lahat ng gawain ay ako ang gumagawa
“tapos na ba yan?” tanong ni señorita celesty
“isang pares ng sapatos nalang po” sabi ko at pumunta sa isang pares ng sapatos
“bilisan mo nga kay bagal bagal!” bulyaw niya sa akin at sinipa ako bago umalis
Lagi nila akong sinisigawan at sinasaktan kaya nasanay na ako
nakakatawang isipin na parang nasa buhay ako ni cinderella sa binabasa kong libro dahil nag karoon din siya ng masusungit na madrasta at kapatid
“señorita celesty tapos na po” sabi ko ng makapunta ako sa salas
Nanonood kasi sila ng tv
“mabuti naman ikaw ng bahal dito at pag may nawala ditong gamit lagot ka sa akin!” napayuko ako sa sigaw ni donya celester
Sa matagal na panahon nasanay narin akong pagsalitaan ng masasama
Hindi ko nga alam kung bakit ganyan sila sa akin eh siguro sinisisi nila ako sa pag kamatay ni papa
Pero kahit hindi mangyari yon galit parin sila sa akin dahil sa una palang ayaw na nila sa akin
Nang makalabas sila ng bahay ay nag linis ako ng buong bahay pati narin ang mga silid nila at ang hihigaan ko mamayang gabi
Sana talaga dumating si fairy god mother na tutulong kay cinderella pero hindi mangyayari yon dahil hindi nag eexist sa mundo ang mga magic
At kathang isip lang yon dati nga nag sisisigaw pa ako sa bintana at tinatawag si fairy god mother kahit alam ko namang imposible
Minsan nga nagtangka pa akong mag pakamatay pero bigla kong narinig ang boses ni papa non kaya hindi ko tinuloy
Mahal na mahal ko si papa dahil siya lang ang tumanggap sa akin
hindi ko alam kung bakit ako tinapon ng totoong magulang ko sa tambakan ng basurahan eh siguro katulad siya nila Donya celester
na masungit nasaan na kaya siya ngayon? Sabi ni papa na 4 months old ako nung nakita nila ako
Nag babakasakali akong hinahanap din ako ng totoo kong nanay pero imposible yon dahil tinapon niya nga ako sa basurahan diba?
Ibig sabihin basura lang ako katulad ng turing sa akin ni donya celester...
... Pero sana hindi
*Continue...*

BINABASA MO ANG
The Lucky Princess
FantasyLahat sila tinatawag akong maswerteng babae dahil sa ganda, talino at kabaitan kong taglay ngunit para sa akin akoy isang napaka malas na babae dahil masungit sa akin ang aking ina dahil ampon lang ako, patay na ang ama ko dahil niligtas na ako sa s...