Chapter 2:

7 3 0
                                        

Cinderella's POV

*Continuation...*

Nag hugas ako ng plato at inipon lahat ng tira-tirang pagkain at kinain yon

Ito lahat ng kinakain naming mga kasambahay hindi namin magawang mag reklamo dahil katulong lang kami dito at walang karapatang mag reklamo

Pag katapos kong kumain ay nilinisan ko ang platong ginamit ko at nanuod ng tv sa sala

"nandito tayo ngayon kung saan masasaksihan ang pag lakad sa red carpet ni prince Nilo ang prinsipe ng espanya" sabi ng reporter at itinutok ang camera sa red carpet

Siya si Prince Nilo ang prinsipe ng espanya pangarap kong mag lakad ng red carpet kasama siya ngunit napaka imposible

Ini-interview na ngayon si prince nilo tungkol sa gagawing party dahil sa pag dating niya dito sa village namin

"Prince Nilo kelan gaganapin ang sinasabi mong welcome party dito sa espanya?" tanong ng isang reporter kay prince nilo

"sa setyembre 29, 6:30 ng gabi" sabi ni prince nilo

Napa ka ganda ng kanyang boses siguro kung sa personal ko siyang makakausap mas maganda ang kanyang boses

Crush na crush ko siya simula nung nakaraang taon ng maging prinsipe siya

"hindi lang pagsasalo ang magaganap dahil kung sino ang may magandang gown ay siyang hihiranging magiging prinsesa ng espanya " sabi niya

So, ibig sabihin kung sino ang may pinaka magandang suot ay siyang magiging mapapangasawa niya?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non sila doya celester at ang mga señorita

Tumayo ako at pumunta sa kanila para i welcome sila

“magandang hapon donya celester, señorita celestia at señorita celesty” bati ko sa kanila subalit ginilid lang nila ako at dire-diretsong pumunta ng sala at umupo roon

“na nonood ka pala ng balita?” sarcastic na tanong ni donya celester

“subalit hindi ka makakarating doon dahil mag lilinis ka ng buong bahay” sabi pa niya

“at mas lalong hindi ka makakapunta doon dahil wala ka namang magandang kasuotan baka mapag kamalan ka pang isang katulong nila duon” sabi ni señorita celestia at tinanggal ang suot niyang heels at ibinato sa akin ginaya rin siya ng kanyang kapatid at ni donya celester

“kumuha ka ng maliit na timba at lagyan mo ng maligamgam na tubig at linisan ang aming mga paa” sabi ni donya celester at tumawa katulad nila señorita celesty

Kumuha ako ng tubig sa bathtub at kumuha ng maligamgam na tubig

Pumunta ako sa sala at ibinigay kay donya celester ang timba na may lamang tubig

Sinagi niya lang yon dahilan para maligo ako ng tubig tumawa lang sila ng mala demonyo

Kinuha ko ang nalag lag na timba at nilag yan ulit ng tubig

Hindi na ako nag palit ng damit dahil baka mapagalitan akong mabagal

Pumunta ulit ako sa sala at nilinisan ang kanilang paa

“pag katapos mong linisan ang aming paa ay mag luto ka na ng hapunan” mataray na sabi ni donya celester

“opo, donya celester” sabi ko at bumalik sa kusina para itapon ang tubig ng biglang may nag buhos sa akin ng tubig na pinaggamitan ng paa

Lumingon ako sa gumawa non at nakita sila donya celester at ang dalawang señorita na tumatawa

Hindi ko na rin mapigilan ang lumuha sa mga ginagawa nila sa akin

*Continue...*

The Lucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon