Cinderella's POV
*Continuation...*
Matapos kong mamalengke ay dumiretso ako sa super market para sa ice cream yun kasi ang paborito nila celesty at celestia
Dumaan ako sa royal way kung saan dumadaan ang mga kalesa ng mga nasa matataas na posisyon o kasama sa pamahalaan
Tumawid na ako pero hindi ko inaasahan ang biglang pag daan ng isang kalesa ka natumba ako sa gilid
Huminto naman ang kalesang bumangga sa akin at bumaba ang naka sakay dito pero nagulat ako ng bumaba si...
Si prince Nilo
Agad-agad kong pinulot ang mga prutas, gulay, at iba pang mga pimili ko pero nagulat ako ng lumapit siya at tulungan akong kumuha
“prince Nilo hindi niyo na po ako kailangang tulungan” sabi ko habang naka yuko
Pero hindi niya ako pinakinggan at kinuha niya parin ang mga pagkain sa sahig
Nang matapos siya ay tumayo siya at inabot ang kamay para tulungan akong tumayo
Tinignan ko lamang yon at umiling
“hindi na po kailangan” sabi ko ayoko kasing may masabi ang iba sa akin at lalong lalo na kay prince Nilo baka sabihin ng iba nilaladi ko siya-- kahit hindi naman
Pero hindi niya tinanggal ang kamay niya doon kaya napilitan akong kunin ito. O.MY.GOD. ang lambot ng kamay niya kahit naka gloves pa ito
Halatang hindi gumagawa ng gawaing bahay
Pag katayo ko ay agaran kong tinanggal ang kamay ko sa kanya baka may makakakita at thanks to god dahil wala pang dumadaan dahil maaga pa. Nagulat ako ng inabot niya sa akin ang bayong na may lamang pinamili ko kaya kinuha ko sa kanya yon agad
“pasensiya na po Prince Nilo hindi na po mauulit” paumanhin ko habang nakayuko
“huwag kang mag alala ayos lang ako nga dapat ang humingi ng tawad eh” sabi niya at marahang natawa parang giggle ganon
OMO! ang gwapo ng boses niya! Parang anghel
A: bakit nakita mo na ang boses niya para maging gwapo?
Epal naman si author oh, pilosopo ka rin eh noh?!
A: hay nako ella wag kang mahulog sa kanya katulong ka lang prinsipe siya
Alam mo otor manahimik ka na pov ko to atska san galing ang ella?
A: Ella short for CinderELLA, okay?
Oo na shooo! Alis moment ko to eh
A: aysus o sige na moment mo baka mamaya malungkot kana
“Ah miss ayos ka lang?” tanong niya tumango lang ako at tumakbo
Alam kong parang naging bastos ako sa harap niya pero gusto ko na talagang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang yon
Takbo lang ako ng takbo hanggang marating ko na ang bahay
Pagka pasok ko sinalubong agad ako ng sampal, sabunot at bunganga
“Ang kapal rin ng mukha mong mag pakita sa prinsipe pag katapos mong mamili ang landi mo talaga!” bulyaw sa akin ni madam celester at sinabunutan ako
Si celestia naman kinuha ang mga pinamili ko at hinagis sa sahig habang si celesty naman ay simpal ako
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan
“mama, tama na po!” pag mamaka awa ko hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng tapang at nasabi ko ang mama
*Continue...*

BINABASA MO ANG
The Lucky Princess
FantasyLahat sila tinatawag akong maswerteng babae dahil sa ganda, talino at kabaitan kong taglay ngunit para sa akin akoy isang napaka malas na babae dahil masungit sa akin ang aking ina dahil ampon lang ako, patay na ang ama ko dahil niligtas na ako sa s...