Cinderella's POV
*Continuation...*
“wag mo akong iyakan jan Cinderella!” sigaw ni Donya Celester
Bumalik na sila sa loob ng sala kaya itinuloy ko na ang dapat kong gawin
****
Pag katapos ng lahat ng gawain ko ay pumunta na ako ng basement para matulog
*mouse sound*
Nakarinig ako ng daga sa maliit na butas sa gilid ng karton na hinihigaan ko
Tinignan ko ang daga. Mukhang nagugutom na siya kaya bumaba ako at kinuha ang tira-tirang pagkain na hindi ko na kain kanina
At umakyat muli. Nakita ko ang daga na inaamoy ang higaan ko karton kaya inilapag ko sa gilid niya ang pagkain
Kumain na siya at halos maubos na niya ang nasa platito. siguro talagang hindi siya pinakain ng ilang araw o buwan
****
Pagka gising ko ng umaga ay dumiretso ako sa palikuran dito sa loob ng basementNatagpuan ko ito nong nag linis ako kahapon ng bahay kaya hindi ko na kailangan pang lumabas para maligo
Kinuha ko ang toth brush na nag iisa lamang
Ito ang ginagamit naming lahat at ang tubig lang ang colgate namin
Ayaw naman kasi nila kaming pag gastusan sa mga gamit namin sa loob ng mansion eh
Umakyat na ako sa taas upang umpisahan ang pag lilinis ng bahay hindi na ako naligo dahil mamamaho din naman ako pag katapos kong mag linis
Apat na beses sa isang linggo kung maligo lang ako dahil ang bill namin sa tubig ay bawas din sa sweldo namin
Madilim pa pag labas ko ng basement siguro tulog pa sila kaya habang tulog pa sila sisimulan ko ng mag linis
5 a.m ako laging nagigising para mas maaga akong matapos sa trabaho
Habang nag wawalis biglang bumukas ang mga kwarto nila at bihis na bihis
“Cinderella pupunta kami sa practice sa gaganapin na pag diriwang sa pag balik ng prinsipe ng espanya kaya pag butihin mo ang pag lilinis” sabi ni donya celester
“yeah, at linisin mo na rin ang kwarto namin gusto ko yung linis na linis at walang spider web ha” maarteng sabi ni señorita celesty
“at linisin mo na rin ang bintana at mga salamin dahil gagamitin ko ang salamin sa kwarto mamaya at gusto ko makinis yon” sabi ni señorita celestia
“opo, donya at señorita's” sabi ko.at nag bow
Tumaas naman ang kanang kilay ni donya celester pero agad rin yon nawala ng makita niya ang orasan
“sige na, mauuna na kami babalik din kami at wala ng stocks ng pagkain kaya mamalengke ka mamaya o grocery” sabi ni Donya celester tumango lamang ako at umalis na sila
Ni-ready ko na ang bayong na gagamitin para sa pamimilhin ko sa palengke
Mas maganda kasi sa palengke makakamura pa ng bilihin kesa naman sa mga grocery ang mamahal
Bumaba na ako ng tricycle at pumasok sa eskenita papuntang palengke
“ate, magkano po ang isang pirasong galunggong?” isa lang ang bibilin kong isda para sa akin pera ko naman ang pambili ko eh
Ayaw kasi nila ng isda gusto nila pang sosyal na pag kain eh wala akong alam na sosyal na pagkain kaya adobo nalang ang iluluto ko
“kay gandang babae oh. Bakit isa lang?” nag tatakang tanong ni aleng tindera
“para sa akin lang naman po eh” nahihiyang sabi ko
“osige libre na yan isa lang naman eh” sabi ni ale kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti
“salamat ale” sabi ko at umalis
Bibihira nalang ang may ganun kabait kaya kinuha ko na bawal mag sayang ng grasiya noh
*Continue...*

BINABASA MO ANG
The Lucky Princess
FantasyLahat sila tinatawag akong maswerteng babae dahil sa ganda, talino at kabaitan kong taglay ngunit para sa akin akoy isang napaka malas na babae dahil masungit sa akin ang aking ina dahil ampon lang ako, patay na ang ama ko dahil niligtas na ako sa s...