4:00

43 13 0
                                    

Pag dating ng umaga, naramdaman ko na may pumasok ng kwarto ko.






Mabigat ang mata ko dahil panigurado'y namamaga ito. Sinilip ko mula sa kumot ko kung sino ang pumasok pero isa lang naman ang ineexpect kong papasok doon.





At tama nga ang hinala ko nang makita ko si Chloe na papasok sa loob ng kuwarto ng nakangiti.





Hindi maganda ang pakiramdam ko at hilong hilo ako kanina pa simula ng minulat ko ang mga mata ko. Ramdam ko rin na mainit init ang mukha ko at sinisipon ako. Mukhang nilalaglagnat yata ako. At mukhang mataas 'to dahil ramdam na ramdam ko ang tibok sa utak ko.





"Gising na!!! Aleeeeexx!!" Sigaw naman ni Chloe. Lalong sumakit ang ulo ko sa sigaw niya kaya't dumapa ako upang wala akong makitang liwanag bago tinakpan ang tenga gamit ang dalawang kamay.





"Uyy! Ba't hindi mo ako pinapansinnnnn?" Tanong nito bago umupo sa may kama ko.





Kailangan ko pa paglutuan si Chloe ng breakfast. Sasabihin ko nalang sakaniya na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.





Tumayo nalang ako ng hindi siya pinapansin bago siya nginitian.





Pumasok ako ng cr at naghilamos nalang. Napahawak ako sa lababo ng maramdaman ko ang lubos na pagkahilo pero ininda ko nalang 'yon at pinalamig ang ulo ko gamit ang malamig na tubig.





Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Tinitignan kung namamaga ba ang mga mata ko. Hindi naman sobra parang puyat lang. Lulusutan ko nalang si Chloe mamaya kung mapapansin niya.





Ayoko. Hindi pa ako handa.





Umalis na ako ng cr bago bumaba . As usual ay nakita kong nakaupo na sa may dining table si Chloe at nagseselpon.





Dumiretso na ako ng kusina at nagsimula nang magluto. Napag desisyunan ko nalang gawan ng french toast si Chloe para hindi na ako matagal nakatayo dahil feeling ko babagsak ako. Alam kong mag aalala 'to sakin kaya kailangan ko mag ingat dahil papasok din 'to.





Ginawan ko na rin ng gatas si Chloe dahil mahilig siya dito. Sinisiguro kong 'wag magsalita at ubuhin dahil ayokong makuha ni Chloe ang sakit ko. Mahirap na baka sabihan ako na hindi ko inaalagaan 'tong batang 'to.





Inihanda ko na ang pagkain namin sa may table at umupo na ko sa tapat niya.





Kinuha ko ang hati ko sa pagkain namin at dahan-dahan na kumain. May sinasabi si Chloe tungkol sa birthday niya bukas. Kung anong gagawin niya at sino iimbitahan niya.





Tumatango lang ako bilang sagot sa mga sinasabi niya.





"If it makes you happy Chlo." sagot ko sakaniya na naging dahilan kung bakit lumapad ang ngiti ni Chloe.





Nang matapos na kami kumain ay nagsabi ako sakaniya na hindi ako makakapasok ngayon kasi masama ang pakiramdam ko. Nagalala siya ngunit sinabihan ko nalang siya na wag mag alala at mawawala rin naman 'to pag nagpahinga ako.





Umalis na ng bahay si Chloe ng may pagaalanganin sa mukha. Nginitian ko nalang siya para malaman niya na okay lang ako at kaya ko.


Tumango nalang siya at tuluyan nang umalis. Kinandado ko na ang front door bago nagtungo sa may kusina at naghugas ng plato. Nang tapos na ako mag ayos ay naghanap ako ng biogesic sa medicine cabinet namin.





Through The RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon