"Challenge"

7 2 0
                                    


Read at your own risk.

Paalala, may saltik ang author.

-----

"Ano babe? Ready kana?" Tanong ni chezca kay Erin

"Opo :(" malungkot namang sagot ni erin.

Mag hahating gabi na at nag chachat pa ang dalawa.

"Huwag kana malungkot, makakaya mo 'yan okay?" Sagot muli ni Chezca
sa kasintahan.

"Basta, mag log out kana ah tapos matulog na tayo :)" Ani ni Erin sa dalaga. 

"Your Challenge starts Now"
Huling chat ni Chezca kay erin at sabay na nag log out at natulog ang dalawa.

***Flashback***

*School

"Oy babe, may naisip akong challenge" masayang sabi ni chezca sa boyfriend.

Hindi ito pinapansin ni erin dahil tutok na tutok eto sa paglalaro ng mobile legends.

"Oy babe. Pansinin mo naman ako" muling sabi ni chezca.

Tatayo na sana ito mula sa pag kakaupo pero napigilan na siya ni erin.

"Babe naman, alam mo namang nag lalaro ako eh. Sige na, maupo kana ulit. Ano ba yun sasabihin mo?" May halong pag lalambing na sambit ng binata.

"Eh may naisip akong challenge" mahihimigan ang tuwa sa boses ng dalaga.

Tango lamang ang sinagot ni erin hudyat na ipag patuloy ni chezca ang pag uusap.

"Ganito babe. Kapag Lunes, Martes at Byernes. Hindi tayo mag uusap" sambit ni chezca na siya namang kinagulat ni erin.

Napatitig ang binata sa dalaga.

"Anong kalokohan nanaman ba ito, chezca?" sabi ni erin.

"Para naman hindi boring yung relationship natin. Ayaw mo non? May thrill. Pwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin sa mga araw na yon. Tatawagin ko yung Free Days Without Chezca" Sagot ng dalaga.

"Hindi ako papayag sa kagustuhan mo chezca" Bumaling na ulit si erin sa pag lalaro.

"Pero babe, challenge na din yung sa relationship natin. Kung makakaya ba natin na wala ang isa't-isa. Malay mo, mawala na ako sa buhay mo. Edi kapag sa challenge na'to, masasanay kana habang nandito pa ako" nakangiti ngunit may lungkot na sambit ni Chezca.

Muli siyang tiningnan ng kasintahan at hinawakan ang mag kabilang pisngi.

"Chezca, kahit anong mangyari di ko hahayaang mawala ka sa buhay ko. Yang challenge challenge na 'yan? Ginagawa mo lang oppurtunity para makahanap ka ng iba" sambit ng binata.

Hinampas naman siya ng mahina ng dalaga.

"Oy erin. Ikaw lang. Alam na alam mo yan" sabay irap ni chezca.

Natawa naman ang binata sa inasal ng dalaga at hinalikan ito sa noo.

"Sige na nga, pero siguraduhin mo lang talagang wala kang mahahanap na iba ah" sagot ng binata at natuwa naman ang dalaga.

***Reality***

*Kinabukasan

Maagang nagising si Chezca at agad na binuksan ang Messenger. Walang message si Erin sa kaniya.

"Oo nga pala, lunes na ngayon. Yung challenge"

Agad namang nag ayos si chezca dahil papasok pa ito sa school. Kaklase niya si Erin, mukhang mahihirapan sila sa challenge na ito.

Mga Likha ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon