"Second Chance" .3

4 2 0
                                    

Chapter III:

Claire's POV:

*Kinabukasan*

Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Kristy. Day-off namin ngayon at nagpapasama siyang mag Grocery dahil dadating daw ang boyfriend niyang foreigner at kailangan niyang mag ayos.

Agad din naman akong naligo at bumyahe patungo sa sinabi niyang Mall.

@Mall

"Oh Kristy, Saan ba muna tayo?" Kita ko nga naman ang awra ng baklang 'to. Daig pa ang babae kung manamit eh. Haha.

"Kumain muna tayo sissy, hindi pa ako kumain" yaya nito.

"Ako din sissy. Dito na agad ako dumiretso haha. Let's eat. Baka mamayat ka haha."

Dumiretso na kami sa isang Fast Food Chain at kumain. Agad din naman kaming natapos kumain kasabay ng kwentuhan namin tungkol sa nangyari sa Event.

"Restroom muna ako sissy" pagpapaalam niya. Tumango naman ako bilang tugon.

Nag text din sa'kin kanina lang si Ash, sa bahay lang daw muna siya ngayon dahil walang naka assign na trabaho sa  kaniya ngayong araw. Alam naman niyang day-off ko din at sa bahay lang din ako pero hindi ko pala nasabi sa kaniyang sinamahan ko si Kristy ngayon. Mamaya na lang.

Busy naman ako sa pag kain ng ice cream nang bigla akong mapalingon sa labas. Nakita ko si Ash. Nung una ay hindi ako naniniwala na siya iyon dahil sinabi niya sa'kin na nasa bahay lang daw siya at wala namang pupuntahan. Hindi ako makapaniwala, pero talagang boyfriend ko iyong nakikita ko.
At hindi siya nag iisa, may kasama siya. Teka, si Grace yun. Yung minsang naikwento niya yung ex niya noong high school. Hindi ako pwedeng mag kamali, si Grace yun.

Hindi ako nag isip ng kung ano, winaglit ko sa isipan iyong isiping iyon. Tatawagan ko sana si Ash pero sumulpot na sa harap ko si Kristy.

"Sissy, Halika na. Kailangan nating mag madali. Nakababa na ng airport si Camir, magbyabyahe na 'yon. Tayo'y gomorabels na. Oh teka, bakit parang nakakita ka ng multo?" Lumingon naman ulit ako sa kinaroroonan nila kanina pero wala na sila doon.

Mamaya ko na lang tatanungin si Ash tungkol doon.

Mabilis lang ang naging pamimili at pag papa ayos ng sarili ni Kristy.

"Salamat Claire ah. Imbis na si Ash ang kasama mo, naabala pa kita" paumanhin niya.

"Nako sissy, ayos lang yon. Tsaka mas okay nga yung hindi kami gaanong nag kikita at nag sasama ni Ash para mamiss naman namin isa't isa" sagot ko dito.

"Hay sissy. Sinasabi ko, mag ingat ka diyan sa Boyfriend mo. Baka mamaya, ibang babae na pala sinasamahan niyan" pabirong sabi ni Kristy at nanlamig ako.

"Hehe, may tiwala naman sa Boyfriend ko sissy. Mahal na mahal ako non noh" sagot ko dito, kahit sa totoo lang ay hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko gayong wala pang sagot sa nakita ko kanina.

Matapos mag paalam sa isa't isa ay agad naman na kaming sumakay pareho para umuwi.

Naisip ko namang sa bahay nila Ash ako dumiretso.

"Manong paki baba na lang po ako dito" nag bayad na ako at agad bumaba ng taxi.

Dumiretso ako sa isang convenient store at bumili ng condom... Joke. Bumili muna ako ng meryenda, alas tres na ng hapon, at oo ganoon kami katagal ni Kristy mag Mall.

Nag doorbell naman ako at si Ash ang bumungad sakin. Gulat ang nakita kong ekspresyon ng mukha niya. Pero binalewala ko lang yun at hinalikan siya

"Surprise hon. Haha. Nag dala ako ng meryenda. Namiss kita eh."

Pumasok naman ako sa loob, at walang kakaiba.

"Nasaan ka pala kanina hon?" Tanong ko sa kaniya. Nasa kitchen kami at hinahanda niya 'yong meryenda.

"Ah- nandito lang ako sa bahay hon" sagot nito.

"Uhmm. Nag Mall nga pala kami kanina ni Kristy. Sinamahan kong mag Grocery at mag paayos, dumating na yung boyfriend niyang foreigner haha. " Binuksan ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig sa pitcher.
Naramdaman ko naman ang yakap niya mula sa likod ko.

"Hon naman eh.." Irit ko, kinikilig ako sa yakap niya. Amoy ko ang matamis niyang amoy, ang paborito kong amoy sa lahat.

"Namiss din kita" hinalikan niya ako sa tenga.

"Hep hep hep. Kain muna tayo haha" kumuha na ako ng baso at nag salin ng tubig.

"Wait lang Hon ah, may kukunin lang ako sa kwarto" pagpapaalam niya at iniwan ako sa kitchen.

Nakailang subo na ako nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nandoon sa may ibabaw ng tauban ng plato.

Unregistered number, sinagot ko naman agad para sabihin sanang wrong number siya. Pero naunahan ako ng nasa kabilang linya.

"Hi Love. Nag enjoy ako kanina, kumain kana diyan ah. Thank you sa pag sama mo, sobrang boring kasi sa bahay eh. Pero sana next time, sa bahay mo na  lang tayo---" naputol ang sasabihin niya dahil sumabat na ako.

"Sino 'to?"

"Oh. Claire. How are you? Nandiyan ka pala sa bahay ni Ash, kaya ayaw niyang pumunta ako diyan." Sabi niya na may malanding tono.

"I said, who.is.this!?" Tanong ko muli na may diin na tono.

"Dont you know me? Its me. Grace. Your boyfriend's--" pinutol ko na ang linya at binaba ang cellphone.

Sakto namang bumaba si Ash.

"Nag uusap pa rin kayo ni Grace? What the heck, Ash. Hindi pala ako nag kamali sa nakita ko kanina. Ano yun? May tayo habang may kayo? Kailan pa? Kailan pa Ash?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Mag papaliwanag ako Claire" ani niya.

"All this time Ash, akala ko hindi mo ako kayang lokohin. Pero ano yun? Ex mo na yun Ash! Ex mo na at dapat kapag nakaraan na ay nakaraan na!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Mas masaya ako sa kaniya Claire" sagot muli niya sa akin.

"Masaya? Ha! Masaya? Bakit? Hindi kaba masaya sa akin? Ano yang pinapakita mo sakin? Hindi kapa ba masaya sa lagay na 'yan?" Pinipigilan ko ang mga luhang nag babadya ng tumulo kanina pa.

"Listen to me. Ayokong saktan ka claire"

"Pero ginagawa mo na ngayon!"

"Claire. Alam kong mahal na mahal mo ako, at mahal din kita. Pero iba yung saya kapag kay Grace" paliwanag pa niyang muli.

"Sige ngayon. Mamili ka. Mamili ka Ash." Nilakasan ko ang loob ko sa desisyon kong sabihin iyon.

All this time, akala ko hindi niya ako magagawang lokohin. Akala ko mahal niya ako ng sobra, hindi pa pala siya marunong makuntento. Binalikan pa niya ang babaeng sinuka na niya noon.

"I'm so sorry, claire. Pero mas masaya ako kay Grace" sagot niya.

Sinampal ko siya at agad lumabas ng bahay niya. Nag simula nang mag unahan sa pag tulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko kaya ito. Parang kahapon lang ay masaya pa kami, parang kanina lang ang masaya pa kami.

Kaya pala nag lambing kanina, ay dahil sa ginawa niyang yun. Fvck you Ash but i love you so much.

Pumara ako ng taxi at umuwi na sa condo ko.

Mga Likha ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon