Read at your own risk.Paalala, may saltik ang author.
-----
"Babe, hindi kaba talaga makakapunta?" Tanong nanaman ng boyfriend ko. Pang ilang beses na niyang tanong sakin yan ngayong araw, Gaganapin na kasi ang Grand Ball ng aming paaralan.
"Oo nga kasi babe. Ang kulit mo" Nakita ko naman na nalungkot ang expression ng mukha niya, kaya hinalikan ko na lang siya para mapawi yon.
"Pwede naman tayo mag video call eh" Tapos binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"I love you, corazon" Sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you too, jared" sagot ko naman dito.
----
"Oh class, mag ready na for tomorrow. Yung Ticket huwag kakalimutan kuhain sa office. And huwag kakalimutan ang maskara. That's all, Class Dismissed."
Paalala ng adviser namin bago lumabas ng room.Nakakaramdam nanaman ako ng lungkot, bakit kasi hindi ako makakasali, bakit kasi kailangang ako pa ang sumadya sa probinsya ni mama para kuhain yung mga papeles niya, bakit kailangan pang itapat sa araw mismo ng Grand Ball.
Hindi ko tuloy maisasayaw si Jared sa gabing yon.
Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na ng room. Uuwi na lang ako, may klase pa si Jared, itetext ko na lang siya.
--- Bahay
Bago pa man ako makapasok ng gate..
Oh. Bakit parang ang daming tao sa loob.
"Miss Corazon, pasok na po kayo. Hinihintay na po kayo ni Madam" ani ng isang babae sa'kin.
'Huh?' Hindi ko maintindihan. Bakit nandito si mama?
Wala naman akong magagawa, so pumasok na lang ako. At nakita ko si mama at si tita helen, ang fashion designer na kaibigan ni mama.
"Oh, iha. Nandito kana pala. Halika at susukatan kana" sambit ni tita at agad na lumapit sa akin ang mga tauhan niya para masukatan na.
Tiningnan ko si mama na may pag tatanong.
Nginitian lang niya ako.
"Ma, hindi mo naman sinabing kailangan pa pala akong sukatan ng susuotin para lang kuhain yung mga papeles mo, ano?"
Natawa naman si Tita helen, at ganoon na nga rin si mama.
"Sinong nagsabi sayong para doon yang pag susukat mo? Inutusan ko na ang pinsan mo. Alam ko naman anak, na gustong gusto mo sumali sa ball niyo. So ayan. Haha" sambit ni mama.
Maiiyak iyak na akong yumakap kay mama.
"Salamat ma" ani ko.
--- kinabukasan
Maaga akong nagising dahil na eexcite ako. Ngayon din kasi dadalhin yung gown na susuotin ko, ang bilis talaga kapag kay tita helen.
Naisipan kong huwag na lang sabihin kay jared na a-attend ako, para masurprise siya. Tiyak, matutuwa 'yon kapag nakita niya ako mamayang gabi.
"Anak, Maligo kana. Pupunta tayong mall" sabi ni mama at agad ko naman siyang sinunod.
--- mall
"Hindi kaba susunduin ng boyfriend mo, cora?" Tanong ni mama habang naglalakad kami papuntang salon.
"Ah eh, ma. Hindi po niya alam na pupunta ako. Isusurprise ko siya hehe" sagot ko.
Hindi naman na sumagot si mama kaya nag patuloy na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Mga Likha ni Maria
De TodoWritten in Tagalog. Compilation of my One Shots and Short Stories Hope you Enjoy.. Lavelaaats 🌷❤ @MsSeenY