Chapter II:
@Hotel
Claire's POV:
Agad naman kaming sinalubong ni Kristy sa mismong entrance ng event.
"Mabuti naman at nakarating agad kayo" sabi niya matapos ang pag beso.
"Hindi paba kami late? Haha." Tanong ko.
"Hindi pa naman Sissy. Iyan na ba ang boyfriend mo?" Ani niya at baling kay Ash.
Tumango ako at pinakilala sa kaniya.
Pumasok na kami sa loob kasabay ang ilan pang mga bisita.
"Hey Ash. Nandito ka rin pala pare." Dinig kong tawag ng isang matangkad at maputing lalaki. Nakipag fist bomb ito kay Ash at pinagpaalam na kung pwede ay hiramin muna niya ang boyfriend ko. Natawa pa nga ako dahil sa biro niyang mambababae muna daw sila.
Pinakilala muna ni Ash na kaibigan niya ito, pumayag naman ako at sinabing kasama ko naman si Kristy."Halika Claire. Ipapakilala kita sa may Birthday" pag aya ni Kristy sa'kin.
Tumungo naman kami kung nasaan naroon ang Birthday Celebrant at nadtnan naming inaayusan pa ito.
"Kelly, Si Claire nga pala. Kaibigan ko at kasama ko sa trabaho" at nag beso beso naman kami matapos ang pagpapakilala ni Kristy.
"Happy Birthday, Kelly" bati ko at nagbigay ng matamis na ngiti.
Sinuklian naman niya iyon ng pasasalamat at matapos ang ilang kamustahan ay iniwan na namin siya sa loob upang makapag ayos pa siya.
"Oy Sissy. Nga pala ha, ang gwapo ng Boyfriend mo ah" sambit ni Kristy.
Nasabi ko na bang bakla si Kristy? Ngayon alam niyo na.
"Nako mag iingat ka diyan ha." Ani niya habang pabalik kami sa nakaatas saming table.
"Bakit naman Kristy? Mabait naman si Ash"
"Mabait? Eh mukhang lapitin ng chicks oh. Mukhang babaero, mukhang sasaktan ka lang Sissy." Pagpatuloy pa niya. Nakita ko naman na naka upo na si Ash sa table na para sa amin.
'Yan? Mukhang manloloko? Eh sobrang bait niyan.
"Ano kaba Kristy, sobrang tagal na naming magka-relasyon ni Ash. Halos mag lilimang taon na pero kahit kailan ay hindi man lang niya ako niloko" pag tatanggol ko.
"Okay Sissy. Sabi mo." Huli niyang sabi at naupo na kami.
Mga ilang minuto rin ay nag simula na ang Event. Pinakilala ang Birthday Celebrant pati na ang pamilya. Marami ang kamag-anak na binigyan ng pagkakataon na bumati at ihatid ang kanilang mensahe. Marami din ang nag abot ng regalo.
Matapos ang pagkilala at pagpapasalamat ay sinabi na ng emcee na mag enjoy na ang lahat sa party. Kumain na rin kaming lahat habang ang tugtugin ay nakaka indak.
Marami na rin ang mga nag sasayaw at nang biglang tumugtog ang sweet at love song ay doon nag tayuan ang mga mag kasintahan.
Naglahad naman ng kamay sa'kin si Ash bilang pag aya niya sa akin sumayaw. Tinanggap ko naman iyon at nag simula na kaming sumabay sa tugtog.
"Ang ganda mo ngayon, hon." Ani nito sa gitna ng aming pag sasayaw.
"Ngayon lang ba ako gumanda sa paningin mo? Haha." Pabiro kong tanong.
"Syempre ay araw araw kang maganda sa paningin ko. Hon naman eh" sabay na kamin natawa at niyakap ang isa't isa.
Matapos ay tinitigan ko siya. Masasabi kong sobrang mahal ko ang taong 'to at hindi ko na yata kaya ang mawala siya sa buhay ko.
Natapos ang Celebration at nagpaalam na kami pareho kay Kristy at Kelly pati na rin sa iba pang bisitang naroon.
Pakiramdam ko tuloy naging mahaba ang byahe dahil sa pagod.
Hinatid na ako ni Ash sa condo at nag paalam na rin siyang uuwi.
Nag shower ako saglit at matapos magbihis ay tiningnan ko muna ang cellphone dahil may nag txt doon, si Ash.
"I love you, hon. Goodnight and sweetdreams with me."
Matapos basahin ay agad na rin naman akong nakatulog dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
Mga Likha ni Maria
SonstigesWritten in Tagalog. Compilation of my One Shots and Short Stories Hope you Enjoy.. Lavelaaats 🌷❤ @MsSeenY