"Curfew"

12 3 0
                                    


Read at your own risk.

Paalala, may saltik ang author.

-----

Alas Syete na ng Gabi at katatapos lang namin kumain ni mama ng Hapunan.

"Pilar, Bumili ka nga muna ng Balot. Para mamaya kapag nagutom tayo, may kainin ulit tayo" utos ni mama at inabot sa'kin ang Isang Daang Pera.

Lumabas na ako at tahimik na nag lalakad. Wala na gaanong tao dahil nga sa malapit na ang curfew.

Nang tingnan ko ang oras ay 7:30 na agad, nag taka ako dahil sa bilis nito. Parang saktong alas siyete lang noong lumabas ako.

Natunton ko na ang tindahan ng balot ngunit sarado.

"Saan na ako bibili neto?" Tanong ko sa sarili.

Medyo malayo ang bahay, at iniisip ko na baka magalit naman sa'kin si mama kung uuwi akong walang dala nang inuutos niya.

Naglakad pa ako, nag babaka sakaling may makitang pwesto kung saan may nag titinda ng balot.

"Balot! Balot kayo diyan!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.

Hindi ko matanaw kung nasaan siya kaya sinundan ko ang boses.

"Balot! Balot Balot kayo diyan. Mainit init pa" rinig kong muling sigaw nya pero pahina na ng pahina.

Binilisan ko ang lakad upang matunton siya.

"Ayon!"

"Manooong! Pabili po!" Sigaw ko sa kaniya. Pero tuloy parin siya sa pag lakad na tila'y hindi niya ako narinig.

"Manong, teka lang po!" Sigaw kong muli at siya namang tigil niya.

Tumigil siya ng lakad ngunit hindi siya lumilingon.

"Manong, magkano po?" Tanong ko sa kaniya nang ako'y makalapit.

Nanatili lamang siyang nakatayo habang bitbit ang basket ng balot, ngunit hindi siya lumilingon.

Ngayon ko lang napansin na sobrang dilim na pala ng lugar na ito, hindi ko na namalayan dahil sa pag sunod sa kaniya.

"M--Manong?" nauutal kong sabi.

Unti unti siyang lumingon sa akin.

Tila ba'y para akong binuhusan ng napakalamig na tubig at siya namang pag tayo ng lahat nang balahibo ko sa katawan ng makita ko ang itsura ng Lalaki.

Wala siyang mukha ngunit may malawak na ngiti ang naroroon sa kaniya. Tanging... Bibig lamang ang nakikita ko.

"Oh? Bibili ka ba ng balot, iha?" Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makasigaw, hindi ako makagalaw.

Unti unti siyang lumalapit sa akin, kitang kita ko ang bawat galaw niya.

Nakakatakot.... Tanging isang napakalawak na ngiti lamang ang nakikita ko sa mukha niya, walang mata, walang ilong, o kahit na anong parte ng mukha... Tanging bibig lang.

Hahawakan na niya ako ng biglang...

"Tulong! Tulongan niyo po ako!" Tanging naisigaw ko na lang, nagpapasalamat na may lumabas din sa aking bibig.

"Iha. Iha. Gising! Anong nangyayari sa'yo?" Boses ng isang lalaki.

"Hala pare anong nangyayari diyan? Iniengkanto na yata 'yan?"

Iminulat ko ang mata ko.

Panaginip lang ba iyon? Ngunit sino 'tong mga lalaking 'to? Bakit ako nandito?

"Tubig Jeff!" Ani muli ng isang lalaki.

At inabutan ako ng tubig.

"Nakita ka namin iha, doon sa may bakanteng lote ng mga Ermilla. Ano bang ginagawa mo doon? Alas Otso na at Curfew na, hindi kana dapat lumalabas" paliwanag ng lalaki...

Ah, ngayon ko lang napansin ang uniporme nilang suot. Sila pala ang tanod na rumoronda tuwing curfew na.

"Ah. May hinahanap lang po kasi ako. Sige po, salamat po. Uuwi na po ako"

Tumayo na ako sa mahabang upuan na hinigaan ko kanina at akmang lalabas na ako ng pinto ay tinawag akong muli.

"Teka iha." Malalim na boses ang nadinig ko. Para bang boses na sa tingin ko'y nang galing pa sa ilalim ng lupa, nangilabot ako.

Unti unti akong lumingon.

Nakita ko ang Apat na tanod na nakaharap sa pwesto ko. Gaya ng nag titinda ng balot, nakita ko ang mga itsura nila. Walang mata, ilong, o kahit anong parte ng mukha. Isang malawak na ngiti lamang, tanging bibig lang.

Sa takot ay tuluyan na akong tumakbo palabas. Napansin kong sinusundan nila ako, nagtataka na nasusundan nila ako ngunit wala silang paningin. Tuloy lang ako sa pag takbo, ngunit masyado silang mabilis at nahablot ako ng isa.

"Mama! Mama!" Sigaw ko at umiiyak na.

"Pilar! Hoy! Gumising ka. Anong nangyayari sa'yong bata ka?"

Panaginip ba ulit 'yon?

"Mama!" Hagulgol ko.

"Ayan. Hindi ba, sinabi ko sa'yo. Bawal matulog ang katatapos lang kumain! Pinabibili kita ng balot, tapos nandito kana pala sa kwarto mo at natutulog. Hala sige, bumangon kana diyan at bumili ka. Mag aalas otso na, aabutan kana ng curfew" sambit ni mama.

Tiningnan ko ang orasan, 7:30 na.

Bumangon na ako, di alintana ang naging panaginip. Panaginip lamang yun, at hindi totoo, kumbinsi ko sa sarili.

Nasa mismong gate na ako ng bahay ng marinig ko ang nag titinda ng balot.

Nanlamig ako at hindi makagalaw, unti unti siyang dumaan sa harap ko. May malawak na ngiting binigay sa'kin.

Mga Likha ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon