CHAPTER 14

2 0 0
                                    


BamBam's Pov,

"That Jennie Kim, is tough. Sigurado akong 'di ka niya gusto, base sa pagtrato niya sayo kanina, halatang asiwang-asiwa siya sayo kanina, tsk,"I said, not giving Lisa any glance.

Ang mga tukmol 'naming mga kaibigan ay nandon sa baba, nag-gagag*han. At obviously kami lang ni Lisa ang naguusap, since puro biruan lang naman ang nangyari kanina.

"Suportado mo talaga ako e 'no? T*ngna kailangan i-remind ako palagi na 'di ako gusto?"She said sarcastically, earning a giggle from me.

She's attracted to Jennie Kim, she like her, or deeper than that. Baka may nakita siyang kakaiba dun, na 'di niya nakikita sa ibang babae. Lisa's unpredictable. Hard to solve, like a puzzle or a math problem. Magulo ang isip. Dati 'nung namatay ang mga magulang niya halos 'di lumabas ng kwarto, nagpapakalunod sa alak, nagsisigarilyo din siya dati. Kung sino-sino kausap sa phone. Babae't lalaki. T*ngnan buti at nagbago 'tong g*go na 'to, sarap bigwasan eh.

"Eh 'bat kayo close? Ginayuma mo? T*ngna 'di ganon pumick up ng chix,"I said jokingly. Trying not to make the atmosphere so heavy.

She sighed. "May deal kami. May deal 'yong mga magulang namin dati. Kailangan maging 'kami' dahil 'yon ang kasunduan ng nanay ko at tatay niya. Ipagpapatuloy namin ang nakaraan ng mga magulang namin. Itutuloy ang mga 'di naituloy,"She paused for a moment, "At ang deal, kapag nahulog siya sa 'kin. Kapag nagustuhan niya 'ko. Akin na siya. Akin lang. Akin. At kapag hindi, pakakawalan ko siya,"She said then glance at me.

Napatawa ako. Lisa. Seryoso 'tong g*go na 'to. Seryoso siya kay Jennie. Dahil ganon siya. Kapag nagmahal, lubos. Sobra pa sa sobra. 'Di minsan nag kulang. Mamahalin niya ang mga taong nasa paligid niya, to the point na wala ng matirang pagmamahal para sa sarili niya. Hindi ko alam kung pagiging tanga ba 'yon, ang alam ko lang katangian 'yon ni Lisa. Si Lisa 'yon.

"Confident ka naman na makukuha mo siya? Hahahahah, libre mangarap bro!"

Tiningnan niya ako ng masama, as in. Masamang masama. T*ngna. Siya pa nanakot a. "T*ngna mo ka, gusto 'mong sipain kita palabas ng kwarto ko? Tsk maghanap ka ng mabubwisit mo,"Asik niya. I internally smile.

This Lisa, was not the Lisa I've known before. Of course. People changes. She's more mature and strong. Unbeatable. Unbreakable. Indomitable.

The Lisa, before was childish. Weak. Powerless and voiceless. Powerless because she can't save herself, she save peope. But she didn't stood the chance to save herself before. Voiceless, she kept her mouth shut. She kept her cries, and unending tears, she kept her words. She remained voiceless.

Ang sarap sarap niyang upakan dati. Ang tanga tanga niya para manatiling tahimik. Para ipunin lahat ng sakit. Para hindi magsalita. Para hindi mag reklamo at mag prostesta. Inipon niya lahat ng sakit! Inako niya lahat! At ang nirason niya pa dahil mahal niya ang Tito at Tita niya! Damn that reason! Kahit sinaktan na siya at inabuso! Mahal niya! Mahal niya?! Saan niya hinugot ang pagmamahal na 'yon sa sakit? Saan?

Hindi ko talaga maintindihan ang kulugo na 'yon! Kahit kelan ang intindihin! Daming alam! Daming iniisip! Ang hirap ianalisa. Hindi ko mapigura, dahil saliwa na ata ang isip ni Lisa. Aakuin niya lahat ng sakit para 'di masaktan ang iba, 'di baleng maghirap siya basta hindi ang mga taong mahal niya.

Pero kahit 'ganon ang kulugo na 'yon. Alam kong totoo siya sa salita niya, sa mga aksyon niya. Dahil si Lisa ang taong... handang ibigay ang sarili niya sa taong mahal niya.

Kahit walang matira at maubos na siya. Kahit ma-konsuma lahat ng pagmamahal niya sa sarili niya. Basta makita niya lang ang mga taong nakapaligid sa kaniya, na nakangiti. Masaya. Kahit durog na durog na siya! Kahit 'kelan talaga ang panget na 'yon! Kaya 'di ko maiwasan mainis sa kaniya dati e, dahil.... dahil nawawalan na siya ng pakielam sa sarili niya, dahil inuubos niya na ang sarili niya, dahil sinisira niya na ang sarili niya, para lang masagip lahat ng nasasaktan, at nalulungkot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Capture The MomentsWhere stories live. Discover now