PART 5

5 0 0
                                    

𝑳𝒆𝒙𝒊𝒆
Mula nang makabalik na kami sa Maynila dalawang araw ang nakalipas, ramdam kong hindi na gaya nang dati si Paul akala ko pa naman may something syang nararamdam para sa akin, malamig na rin ang pakikitungo nya gaya lamang kahapon alam kong nakikita nya ako sa labas nang Hotel pero hindi man lang sya nag offer nang sakay dumaan ang lang sasakyan nya sa harapan ko na parang hangin. Siguri ganun talaga katawan lang ang habol nya at parausan lang ako. Nakakalungkot man isipin pero yun ang totoo, sino ba naman ako? Empleyado lang naman ako at siya ay boss ko. Haaaay! Ano ba yan! Ba't ba nag-iisip ako nang ganito. Aaarggh! Kasi gusto mo sya! Saway nang isip ko. Hindi dapat itigil ko na to alam kong wala akong pag-asa sa mga ganito wala na kasi sira na ako, napakarupok ko kaaing babae para magpadala sa mga bagay bagay.

....
𝑷𝒂𝒖𝒍
Oh! Bro! Mag-isa ka nasaan ang side chic mo? Ani William, habang umiinom nang alak sa baso nyang hawak. Nasa bar kami ngayon at ganito kami every Friday night galawang flyday..
Side chic2 ka dyan hindi oy! Tapos na ako dun, isa pa empleyado ko yun hindi yun magugustogan ni Mommy. Alam mo naman si Mommy mas gusto nya yung anak nang kaibigan nya para sa akin.

Ganun? Pero ikaw gusto mo ba? Sambat ni Jason
Sino? -𝑷𝒂𝒖𝒍
Anong sino? E di yung anak nang kaibigan nang mommy mo. Ulol! Ani William.
At nagtawanan ang mga baliw kung kaibigan.

Habang nagmamaneho ako pauwi hindi ko maiwasan na maisip si Lexie hindi ko alam bakit parati ko syang naiisip. First time in my life na ganito ako sa isang babae kung tutuisin marami na akong babae na ikinama at ni isa hindi ko niyaya na maulit kaming mag sex pero iba si Lexie hina hanap-hanap sya nang sistema ko pero hindi ito pwede kaya habang maaga pa kailangan kong labanan tong nararamdam ko.

Ilang araw din nag ko cross ang landas namin sa Hotel pero hindi ko sya pinapansin para na rin hindi pa lumalim ang pagsasama namin kasi nasa punto na talaga ako na habang araw araw ko syang nakakasama ay yung feeling na hindi ko na gusto na maghiwalay pa kami. Ayaw ko nito at hindi ko to gusto! Tama hindi ko sya gusto.

Hindi ko namalayan huminto pala ang sasakyan ko sa tapat nang apartment ni Lexie. Shit! Ano ba to ba't ba nandito ako?! Kaya pinaandar ko agad ang sasakyan at pumunta sa Hotel at dun muna ako magpapalipas nang gabi. Akmang lalabas na ako sa sasakyan nang ma aninag ko ang babaeng palabas sa Hotel. What the hell? Sino yang kasama nya? Alam kong hindi yan empleyado dito kasi hindi ko namumukhaan at may pa halik-halik pa talaga sa noo ni Lexie ha. Putik! Ano ba tong nararamdaman ko bakit ba gusto kung sugurin ang lalaking humalik sa noo ni Lexi? Arrrg! Kaya hinintay ko nalang na makaalis sila bago ako lalabas, pero ang lalaki ang unang umalis at sumakay sa taxi. Iniwan nya si Lexie? Anong klasing lalaking yun.

Kaya nag desisyon akong lumabas sa sasakyan at bahala na lalapitan ko si Lexie. Pero nang makababa ako sakto namang nakasakay na ito nang taxi. Bwesit! Ang malas naman talaga oh! Kaya tumungo nalang ako papasok sa Hotel para makatulog na at marami pa akong aasikasuhin sa opisina bukas.

Maybe this timeWhere stories live. Discover now