PART 7

10 0 0
                                        

Lexie
I woke up early, so I decided to prepare breakfast. Para sa paraan na ganito ma appreciate ni Paul ang pagiging wife material ko. Wow!ha? Assuming ghurl!? Sambit ng isip ko".

Pero sa totoo lang, I can imagine myself having kids with him but sad to say alam kong wala lang ako kay Paul, empleyado lang na parausan. Hindi ko rin naman kasi maiwasan na hindi mag assume kasi feel ko rin naman na he cares for me.

Simpleng agahan lang inihanda ko, nagluto ako ng fried rice at sunny side up lang. Habang nagtitimpla ako nang gatas para sa sarili narinig ko na may mga yabag na papalapit at alam kong si Paul iyon. At hindi ako nagkamali, pero nang lingunin ko siya ay nakabihis na ito at parang may lakad. Wala naman trabaho ngayon kasi Sabado. So hindi ko naiwasang magtanong. Saan ang punta mo? Ba't bihis bihis ka?

"Ngayon kasi ang dating ni Mommy, kailangan kasi dapat bago pa siya dumating sa mansyon ay nandun na ako. "

Ahh ganun ba. Kain ka muna bago ka umalis. Aya ko sa kanya.

"Wag na sa mansyon na ako kakain 'pag ganito kasi sabay-sabay kami kakain pag nandito si Mommy at meron din kasi kaming bisita na kasama niya ang Ninang ko at ang anak nito. Sige alis na ako Lex, wag kang mag alala maya maya andito na rin si Manang."

Okay. Sagot ko sa kanya." Alam kong wala akong karapatan ma disappoint pero parang sumama ang pakiramdam kong isipin na effort pa naman akong magluto pero hindi naman pala niya kakainin.

Alas sais na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Paul. Ilang beses na akong nag text pero ni isa walang reply. Alam ko naman na nandun siya sa bahay nila pero hindi ako mapakali. Wala rin akong magawa dito sa condo ni Paul kaya napag desisyonan kong pumuntang mall para mag libang.
At dun nalang sa labas maghapunan.

Pagdating ko sa Mall pumunta akong department store titingin sana ako nang mga damit para sa pagbubuntis ko kasi for sure lalaki tong tiyan ko at hindi na magkasya yung pambahay ko na damit. Pero papasok pa lang ako sa dept store, nagulat ako nang makita ko si Paul na may babaeng katabi at hawak hawak ang kanyang braso at may isang hindi masyadong katandaang ginang siguro naaa lates 50's na ito. Nagtama ang mga mata namin Paul, at nababasa ko sa mga mata nito ang gulat na makita rin ako. Kaya para maalis ang awkwardness ako na ang unang bumati kasi halata na sa pagtitinhinan namin na magkakilala kami. "Paul nandito ka pala"

"Ah Oo, sinamahan ko si Mama at ang fiancé ko para bumili nang ilang damit." Sagot ni Paul. Parang pini piraso ang aking puso sa narinig na salitang fiancé.

"Sino siya Paul? Ani ng ina nito." Ahh eh si Lexie po Ma isa sa mga emplyado natin sa Hotel.

"Ganun ba? E ba't kong makatawag sayo ng Paul e parang close kayo? Walang galang sa boss! Sambat ng ina ni Paul. "Ayy pasensya na po nagulat lang po ako Maam hindi ko kasi akalain na makikit ko si Sir dito. Sagot ko."

"Nice to meet you Lexie- sambat ng fiancé ni Paul. Nginitan ko lang siya at nagpaalam na aalis. Halatang mukhang mabait ang fiancé ni Paul, maganda rin ito at mukhang hindi basta basta ang estado sa buhay. Kaya wala na talaga akong pag asa kay Paul. Pero kung sa height at hubog ng katawan, lamang ako sa babaeng yun at maganda rin naman ako at matalino pa!"Eh ang tanong gusto ka ba niya?' Reklamo ng isip ko. Hindi ko maiwasang e replay sa utak ko ang pagpapakilala sa akin ni Paul bilang isang empleyado as expected hindi naman talaga niya ako ipapakilala na "Ma, empleyado natin na buntis ko! Hahaha nakakatawa naman isipin" ito ang napapala sa isang babaeng marupok.

Nawalan na ako ng ganang mag ikot-ikot para tumingin ng damit kaya napag desisyonan kong kakain nalang at uuwi pagktapos para makapagpahinga.

Pagdating sa condo bigla akong nalungkot, naiisip ko na naman si Paul, alam kong hindi yun uuwi ngayon. Paano na ako ngayon at ang baby ko? Wala ba siyang kumpletong pamilya na makagisanan niya sa paglaki? Hindi ko talaga maiwasang isipin na "sana hindi nalang ako nagpadala sa tukso at pang-aakit ni Paul. "Pwede ba tumigil ka na sa kakaisp? Ma stress ka oy bawal sa buntis yan" sambat ng isip ko.

Hating gabi na, pero hindi pa rin ako makatulog. Akmang susubukan ko na sanang pumikit ng may kumatok sa kwarto. "Si Paul? Bakit ang gabi na at anong kailangan niya?" Kaya bumangon ako at binuksan ang pintoan.

"Ahm Lex, pwede ba tayong mag-usap? Anito.
Oo naman, bakit anong pag-uusapan natin?
"Tayo. Alam ko naman na hindi pwedeng hindi ko ma explain sayo about kanina. Bumuntong hininga ito bago nakapagsalita ulit. "Lex, malinaw naman sayo diba na kaya kita pinapatuloy dito dahil sa buntis ka?" Alam kong malaki tong hihingin kong pabor sayo pero pwede bang wag mong sabihin na ako ang ama niyan? Hindi ko pa kasi alam kong paano to sasabihin kay mommy alam kong masasaktan ko siya." Wow ang sakit isipin na walang halaga na masaktan ako. Sambat ng isip ko. Huwag kang mag-alala Paul walang makakaalam nito. Yun lang ang nasagot ko sa kanya.

"Salamat Lex. Anito" at nagpaalam na si Paul na matulog, habang ako naiwang tulala sa mga sinabi niya.

Napabuntong hininga akong humiga sa kama. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiisip sa mga sinabi ni Paul.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe this timeWhere stories live. Discover now