𝑳𝑬𝑿𝑰𝑬
Nagising ako na may yumayakap sa akin. Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Paul pero lalo nya lang hinigpitan ang yakap sa akin, napa buntong hininga nalang ako at tumingala sa kisame. Hanggang sa naramdaman kong hinalik halikan nya ang ulo ko pababa sa leeg kaya bumalikwas ako nang bangon at patakbong pinasok ang banyo na walang imik at ni hindi ko man lang sya nilingon. Pagkatapos maligo lumabas ako na naka roba lamang at pagkalabas ko nang tiningnan ko si Paul nakadapa na ito at sa tingin ko tulog pa. Kaya minadali ko ang kilos ko para makaalis na ayaw kong munang tingnan ang mukha nya nahihiya ako sa nangyari gosh! Shit shit shit! Sambit nang aking isip habang nag aabang nang taxi.Nang makadating sa office nagpapasalamat ako na walang flowers sa table. Malamang wala eh nandun sa apartment mo natutulog eh"saway nang isip ko". Hindi ko namalayan ang oras 5pm na pala, kaya inayos ko muna ang mga gamit ko sa table bago uuwi.
Nsaan kaya siya? Bakit hindi nagtext? Nasa apartment pa kaya siya? Natutulog? Haays! Ano ba tong naiisip ko bakit siya? Nang may taxi na agad akong sumakay. Pagdating ko sa apartment nagpapasalamat ako na wala na sya pero may bahagi nang isip ko na bumulong na sana nandito pa. Gaga! Ano ba yang iniisip mo? Boss mo yun oy! Bigla kong na imagine ang nangyari kagabi "Gosh ano ba tong nararamdaman ko?"
Pagtapos kung kumain naghugas ako at nag ready na para matulog. Tiningnan ko ang phone ko pero walang text sa kanya? Wow ha? Nag aabang ka talaga na magtext sya? Natawa ako sa na isip ko laya minabuti ko nalang punikit para makatulog, pero kahit anong gawin ko hindi ako makatulog sa kaiisip ni Paul. Bakit kaya hindi nagparamdam ang gwapong yun? Tange ka talaga girl nuh? Malamang one night stand lang kasi ang gusto nya oy! Magising kas katotohanan na hindi ka type nun! Saway nang isip ko. Hanggangs sa makatulog.
Makalipas ang buwan wala talagang Paul na nagparamdam pero bulong bulongan sa office nasa Canada daw si Paul dun muna na daw sa isang Hotel nila doon nag lagi. Napaisip tuloy ako ayaw na siguro nya dito siguro sa nangyari? Bakit? Importante ka ba? Para iwasan? Hoy! Saway nag isip ko. Habang nakatulala- 𝑮𝒊𝒓𝒍! 𝒐𝒌𝒂𝒚 𝒌𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈?- ani Joann. Ha?- ayy Oo okay naman. 𝑴𝒖𝒌𝒉𝒂 𝒌𝒂𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒊𝒎 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒊𝒊𝒔𝒊𝒑 𝒎𝒐 𝒔𝒊𝒏𝒐 𝒃𝒂 𝒚𝒂𝒏? Wala na miss ko ang pamilya ko. Tipid kong sagot. 𝑨𝒚𝒚 𝒈𝒂𝒏𝒐𝒏 𝒃𝒂? 𝒆 𝒅𝒊 𝒖𝒎𝒖𝒘𝒊 𝒌𝒂 𝒎𝒖𝒏𝒂 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒘𝒆𝒆𝒌𝒆𝒏𝒅 𝒕𝒐𝒕𝒂𝒍 2 𝒅𝒂𝒚𝒔 𝒐𝒇𝒇 𝒃𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒕𝒂𝒚𝒐. Oo nga nuh? Plano ko palang umuwi ngayon na weekend.
Araw nang Sabado, nang makarating ako sa Batangas. Sa lungsod nang Lemery kami nakatira, pagdating ko nang bahay nandun sa labas ang bunso kong kapatid na para bang may inaabangan nang makit nya ako -𝑴𝒂! 𝑷𝒂! 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒂 𝒔𝒊 𝑨𝒕𝒆.. nabanggit ko pala kina Mama na dadating ako end of the month sa weekend kaya pala tong bunso kong makulit nag aabang sa labas, buti nalang nadalhan ko nang pasalubong tung paborito nyang cheese cake. Actually, paborito naming tatlong magkakapatid. Ako ang panganay, ang sumunod sakin ay lalaki si Jules na sa kolehiyo na at engineering ang kurso na kinukuha at ang bunso naman na si Jasel ay 1st year High School.
Nakangiting bumungad sa'kin ang aking ina nang masilayan ako na papalapit na sa gate namin. Ma saan si Papa? Tanong ko kay Mama. 𝑨𝒚𝒚 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒖𝒏 𝒔𝒂 𝒍𝒊𝒌𝒐𝒅 𝒎𝒂𝒚 𝒈𝒂𝒓𝒅𝒆𝒏 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒔𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒎𝒐𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒈𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒊𝒃𝒂𝒎𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂 𝒌𝒂𝒂𝒃𝒂𝒍𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒚𝒖𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒊𝒔𝒊𝒑 𝒏𝒂 𝒍𝒊𝒃𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏. Ganun ba Ma sige Ma kumain na muna tayo medyo nagugutom na rin ako. Tinawag nang bunso naman si Papa para makakain na, ganun din ang nasilayan ko sa kanyang mukha ang ngiting tila abot tenga. Nagkamustahan kami habang kumakain. At biglang nag tanong si Papa-𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒃𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂 𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒓𝒂𝒃𝒂𝒉𝒐 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒂𝒏𝒈𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂'𝒕𝒊𝒏.

YOU ARE READING
Maybe this time
Romance"Paul Soriano - nag-iisang anak ni Mrs Sylvia Soriano at Toby Soriano. He can get what he wants, women, money etc.. But his mom wants him to mary someone. And that someone is not the woman in his heart. Kaya ba nyang kalabanin ang kanyang ina? "Lex...