15

227 7 0
                                    

ATASHA



I was waiting for my kambal to come up here. Actually, excuse ko lang ‘yung pagod ako. Because, I wanted them to have a quality time para mag-kamustahan. Well, sana mag-work.


So, I texted Andres instead. Kasi hindi ako puwedeng bumaba, hindi din ako puwedeng mag-salita because they all know that I was sleeping. Magta-type sana ako but someone knocks on the door.


I don’t know if I can say na, “open it” it might be my Mom, it might be my Dad. Ba’t kasi ayun pa ‘yung ginawa kong excuse? Ang hirap naman nito.


“It’s me, Andres.” Sabe naman ni Andres. Na medyo malakas but hindi rinig sa baba. Loud enough para marinig ko siya.


“It’s open, you idiot.” Sabe ko sa text and hoping that he’s holding his phone. Dahan-dahan namang bumukas ang pinto and I guess, hawak-hawak niya ang phone niya. Buti na lang hindi ako pinahirapan nitong mokong na ‘to.


“So, what’s the catch?” Sabe ni Andres at umupo naman sa kama ko.


“Alam mo ba habang nag-o-order kayo ni Mom, we had a deep talk. Well, kinda deep talk.” Sabi ko naman sa kanya.


“Ano namang klaseng deep talk?” Sabe naman ni Andres sa akin. Teka nga, kapatid ko ba ‘to? Bakit ang slow? Charrrot.


“About Mom and Dad!” I exclaimed. Ang slow kasi ng Kuya ko, eh.


“Putol-putol ka kasi mag-kuwento, Sis.” He laughed while looking at my facial expressions. Well, siguro nga talaga ganito ‘yung attitude ko talaga kapag naninibago at walang tulog.


“Tinanong ko siya kung bakit up to now, hindi siya nag-bo-boyfriend or even naghahanap ng partner. Kasi nga ang tagal na din since the last relationship of her. Eh, kahit nasa States kami, since sikat dito si Mom sa Pilipinas, I asked her about things like that. So, sabi niya, kuntento na daw siya sa atin. Ang pinaka-importante naman daw sa pagiging babae ay ang magkaanak which is Dad gave it to him. Tapos, tinanong ko siya kung mahal niya pa ba si Dad, hindi siya makasagot. Naka-ilang tanong ako sa kanya about Dad, wala siyang masagot. And then nu’ng mga ilang minutes na hindi siya makasagot or maka-imik at sasagot na sana siya, bigla kayong sumulpot.”


“So, wrong timing kami?” Tinitigan ko si Andres nang masama pagkasabi niya ng ganyan at sabay binatukan.


“Aray!” Sabay hawak sa kanyang ulo.


“Hindi ka na ba talaga matinong kausap?” Sabe ko naman sa kanya. Nakakairita kasi, eh. This is for Mom and Dad.


“Tash, seriously, what are you doing?” Sabe naman niya at mukhang this time, seryoso na siya.


“Nothing. Gusto ko na lang ihinto ‘yung pag-asa ko. Gusto ko na lang ihinto na balang araw, mabubuo pa tayong muli. Ang hirap kasi, eh. Ang sakit sakit na. Mag-stay ulit kami dito for just a month. And after that, what’s next? Magkakahiwalay tayo and hihiling na naman ako na sana araw-araw Holiday para makasama ko kayo.” I couldn’t contain the tears anymore. So, I just burst out to my Twin. Alam ko, maiintindihan niya ako.


“Hirap na din ako, Tash. Pero, ayaw kong makialam sa relasyon nila. Don’t worry, we’ll try to convince Dad to stay here. Para kahit papaano, we will be complete. How about that, Tash?” He was trying to comfort me. It was kinda effective. Knowing Kuya, alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko. It’s just that, kailangan niya lang maging matatag kasi ako ‘yung nanghihina ng loob.


“Knowing Dad, Twin. He won’t agree on this kind of set up.” Sabi ko naman sa kanya at wala nang nasabe si Andres. Tuluyan na lang din kaming umiyak.


Tama naman kami, ‘di ba? Twins should be together? Pero, bakit? Bakit sa dinami-dami ng kailangang mag-hiwalay kami pa?


“But Tash, we still need to try. Malay mo naman, ‘di ba? Or I’ll try to force Mom na mag-stay na lang din sa US. Since, nandu’n ang Mommy niya and family niya.” Sabe naman ni Andres sa akin. Napanatag ang loob ko knowing that My Twin was exerting an effort para somehow, maging mag-kasama kami.


“Andres, I’m not asking them to come back in each other’s arms. As you’ve said, relasyon na nila ‘yun. We don’t have to intercede. I want them as well na sila ang umayos ng issue nila. Kasi kung pipilitin natin, hindi pa rin sincere ‘yun sa loob nila. What I’m asking is to stay here kung nasaan ka. Kung nasaan kayo. Kahit mag-kaiba tayo ng inuuwian, at least, alam kong mapupuntahan kita anytime. At least, alam kong mako-contact kita as easy as I could. Or I could have a sleepover. That’s all I’m asking. Wala nang iba.”


Sabe ko naman na tuluyan nang umiyak. Andres on the other hand is crying as well. We all know that we’re both clingy to each other and to our parents. Kaya naman nag-yakapan lang kami and we comforted each other.





-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*




THIRD PERSON


Agnes is in the kitchen and has decided to eat something, biglaan kasi siyang nag-crave sa spam which her comfort food with garlic rice. Nakita naman niya si Jerry ay nasa lamesa reading news paper.


“Kanina ka pa?” She asked. She admitted, it still feels a little bit awkward. Hindi niya alam kung bakit. Probably because they still have unfinished business.


“Yeah.” Sabe naman niya while reading newspaper.


“You want coffee?” She asked and tumango lang si Jerry as a response. Hindi niya din alam kung bakit cold ang pakikitungo ni Jerry. Siguro rin dahil hindi sila sanay na mag-kasama sa iisang bahay.


“Here’s your coffee.” Sabi naman ni Agnes at nilapag niya na ang kape sa side ni Jerry at siya naman umupo sa katapat ni Jerry para kumain.


“Thank you.” He said plainly at binaba ang newspaper at sinimulang tignan si Agnes.


“So, ano daw ang gusto ng mga anak mo sa birthday party nila?” Tanong niya kay Jerry na nakatingin lang sa kanya.


“Well, nu’ng nakausap ko silang dalawa, gusto ko nga sana na andu’n ka. Kaso, hindi na daw makapaghintay ang dalawa. Para naman daw mapanatag ako. They just want to have a Jollibee Kids party. Since, ito daw ‘yung first time nilang magce-celebrate ng birthday together. They want to have a Teens party na parang pang-kids.” At laking gulat naman ni Agnes nang marinig ang gusto ng kambal.


“Sure sila? Baka naman nagbibiro lang ‘yung dalawang ‘yun?” Paninigurado naman ni Agnes kay Jerry


“We can ask them if nag-aalangan ka.” Sabe naman ni Jerry kay Agnes.


“Talagang nag-aalangan ako. Ang weirdo naman kasi ng gusto ng anak mo. Parang ikaw.” Sabay tawa at umakyat na sila sa taas.




-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*




AGNES



Sobrang weird naman if we’re gonna throw a Jollibee party for my Twins? Or should I say to our Twins? Pang-bata lang naman kasi ‘yun. I mean, ewan ko. Siguro nga, madami lang alaala ang magbabalik kaya ayaw ko doon sa Jollibee.


“Mom, Dad, bakit po?” Tanong naman ni Atasha sa aming dalawa ng tatay niya dahil kumatok ito sa kuwarto nilang dalawa.


“Puwede ba kaming pumasok? I need to talk to the both of you.” Sabe ko naman sa kambal. At nakita ko namang nag-eye to eye contact ang dalawa. Ito na ba ang tinatawag nilang Twin Telepathy?


“Come in, Mom and Dad.” Sabe naman ni Andres at pumunta na kaming apat sa kama nila para mag-usap ng masinsinan. Nakaupo lang kaming apat doon sa kama nila.


“Ano kasi, remember what you told me what you want for your birthday? Confused ang Mama niyo.” Sabi naman ni Jerry sa akin. Well, there’s nothing wrong with celebrating your birthday sa Jollibee. Pero, ang dami kasing maaalala doon sa birthday party na ‘yun.


“Mom, we just wanted to feel that we’re kids and we’re complete again. That is why we have decided to eat wherein the family bonds. And that is Jollibee. I know, it sounds crazy. Pero, gusto ko po talagang maramdaman na buo at kumpleto tayo once in awhile. Mom, Dad, I really want to stay kung nasaan kayo ni Andres. Twins should be together, hindi ko po hinihingi na magkabalikan kayong dalawa. Pero, ang gusto ko lang po ‘yung nakakaya ko kayong yakapin everyday, ‘yung nakakausap ko kayo physically, nararamdaman ko kayo physically. Mahirap, Mom and Dad.”


Sabe naman ni Atasha at nag-simula nang umiyak which Andres causes to be teary eyed too. Pero, kailangan niyang maging matatag para kay Atasha. Jerry and I on the other hand, nagkatitigan lang for that matter. We don’t know what to do. Hindi din namin alam na ganito ang magiging apekto ng hiwalayan namin sa mga bata.


“Okay, anak. We’ll throw a party.” Lumuhod ako para maging kapantay ko si Atasha at pinunasan ko ang luha niya. “For the second question, you Dad and I will talk about it. I’ll do everything that makes my princess happy.” Hinalikan ko sa noo si Atasha at niyakap naman niya naman ako.


“Thank you, Mommy. I love you so so much.” Sabe naman ni Atasha habang naghihikbi pa.


“Shhh. I love you, more.” Hinalikan ko sa noo si Atasha. “ you go back to sleep, sorry guys for disturbing you.” Hinalikan ko sila pareho sa cheeks.





-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*


JERRY


I was looking at my mag-iina sweet moments at hindi ko mapigilang umiyak at mag-tanong. Bakit? Bakit ko ba nagawa ‘yung mga bagay na ‘yun? Edi sana hindi nahihirapan mga anak ko ngayon. Pero, wala na. Huli na ang lahat. Masaya na siya. Masaya na SILA.


“Good night mga anak” Sabe ko sa mga anak ko at hinalikan ko din sila pareho sa cheeks.


Sabay naman silang pumunta sa kanya-kanyang kama nila para humiga at matulog.


Kami naman ni Agnes, sabay naman kaming pumunta sa baba at hindi na inistorbo ang kambal. Alam naming nagba-bonding ang dalawa kaya pinabayaan na muna namin sila.


“Can we talk?” Sabe naman ni Agnes sa akin at napalingon ako sa kanya. Kinakabahan ako. Para sa amin ba? Closure? Tumango lang ako sa kanya at bilang response.
“Naaawa ako sa mga bata, Nadadamay sila sa unfinished business nating dalawa.” Sabe naman ni Agnes sa akin at ramdam ko ‘yung sinseridad sa puso niya.


“Ako din naman, Agnes. Naaawa ako sa dalawa. Hindi naman kasi dapat sila madamay dito.” Sabe ko naman sa kanya. Is she begging me to stay? Asa ka pa, Morales!


“Are you willing to stay? Besides, hindi naman nila hinihiling na magkabalikan tayo. Ang hinihiling naman nila eh ‘yung kaya nating mag-sama. Hindi ‘yung ilang months ang lilipas bago sila mag-sama. Tama naman si Atasha, Twins should be together.”


“Agnes, hindi ganun kadali.” Sabe ko naman sa kanya. Sa totoo lang, kaya ayaw ko mag-stay dito dahil hindi ko kayang tignan na hanggang dito na lang kami ni Agnes.


“Pag-isipan mo ‘to, Jerry. I’m not doing this because of you. Dahil alam kong may GF ka na. Ang umiiral sa akin ang pagiging nanay ko ngayon. Ang hirap lang kasing isipin na wala akong magawa para lang mapasaya ko ang anak natin. Kaya, I have to do something. Sooner, magkakaroon na ‘yan ng sariling pamilya and they’ll settle down. Gusto kong iparanas sa mga bata na mag-kasama sila. Kahit dito pa kayo tumira ng girlfriend mo, Jerry. Ayos lang sa akin. Ang mahalaga, mapasaya ko sila.”


Sabe naman niya and I can feel kung gaano niya kamahal ang anak namin. Wala akong nagawa kung hindi yumakap lang sa kanya as a sign of a comfort.

At Naulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon