S2.C1 "Me and My Future Ex"

966 6 0
                                    


The Cold Numb Boy

"Im Chad, 15 years old, obviously Senior high, hilig ko? mag-basa ng mga may sense na libro, specially Science books. Hobby? matulog pag walang pasok.." seryoso at walang emosiyong pakilala ko (first day of school) sa sarili ko sa harap ng mga ka-klase ko

"Okay Mr. Enríquez thank you, ah---wait... how are you related to Mr. Matteo Ralph Ezekiel Enríquez?" pag tataka ng Teacher ko na bago sa School na 'to

"My Father.." tipid na tugon ko at agad naman nag-lingunan ang mga ka-klase ko

well Im used to it, 4 years ko na silang ka-klase at sa loob ng apat na taon ganon ang reaksyon nila tuwing mag papakilala ako at sasabihin kong Tatay ko si Mr. Matteo Ralph Ezekiel Enríquez, si Dad lang naman kasi ang Owner ng High School Building na pina-pasukan namin kaya kilalang kilala siya at si Mommy..

after class lagi akong nag mamadali mag lakad papunta sa Parking, nagagalit kasi si Kuya Drake pag nali-late ako lumabas ng klase, sabay sabay kasi kami umu-uwi.. si Kuya Drake ang nag mamaneho ng kotse.. katabi lang ng school ko ang University na pina-pasukan niya na pagma may-ari din ng Parents namin.

Minsan pag late ako luma-labas hindi ko na naaabutan si Kuya Drake kaya kay Kuya Drew nalang ang nag papasundo kasi late ang labas niya sa klase niya at may sarili din siyang sasakyan..ako yung klase ng tao na kapag nasa school aral lang bihira ako makipag usap kaya naman wala akong maituturing na kaibigan sa klase, pero lagi akong Honorable student, madalas Top 1, kung hindi man Top 2..maaga ako pumasok Monday kasi, may Flag Ceremony.. agad akong pumila sa linya ng section namin..

"Hi Chad!!" usal ng ka-klase ko nilingon ko siya pero hindi ko pinansin

"ahhh Im Tine! kapatid mo si Drake diba?" masayang tanong niya at tumango lang ako

"ang suplado mo naman.." natatawang usal niya pero hindi pa din ako kumibo

"alam mo kasi yung Kuya Drake mo? crush na crush ko, pwede mo ba akong tulungan?" pangungulit niya pero tiningnan ko lang siya at hindi nag-salita

nag umpisa na ang Flag Ceremony kaya naman natigilan siya sa kadaldalan niya.. kababaeng tao neto nag oopen ng feelings, nakaka-turn off ang ganon.. after non akala ko titigilan na niya ako..

"Chad!!" tawag niya sakin habang nag lalakad kami sa hallway papunta ng room

hindi ko siya pina-pansin o nililingon man lang, ayoko ng makulit..

"Chad.. grabe ka naman! hiningal mo ko ha!" bungad niya sakin ng maabutan niya ako sa classroom

agad siyang umupo sa upuan na nasa harap ko

"Chad sige na.. Birthday ko kasi next month, gusto ko sana imbitahin ang Kuya mo para maging Escort ko"

"debut mo?" seryoso at walang emosiyong tanong ko

"hindi..." naka ngiting tugon niya

"bakit Escort?" seryoso at walang emosiyong tanong ko uli

"Sweet Sixteen yon Chad!! kaya may cotillion!!" masayang usal niya

"Tss.. ang cotillion para lang sa nagde-debut" mas seryoso at walang emosiyong usal ko

"ehhh gusto ko may cotillion! tsaka pumayag na Parents ko.. Dali na.." pangungulit niya

"mag sasayang lang ng pera ang mga magulang mo" seryoso at walang emosiyong usal ko

"Chad sige na.. ngayon lang naman ako naki-usap sayo.." pag papa awa niya

"Ni hindi nga kita kilala eh.." seryoso at walang emosiyong usal ko

"Paano mo ako maki-kilala? simula noong Kinder tayo seryoso at tahimik ka na! hanggang ngayon, mas naging suplado ka pa nga! ewan ko ba ang layo ng personality ng Kuya mo sayo noh!!"

Me and My Future ExWhere stories live. Discover now