S2.C4 "Me and My Future Ex"

101 0 0
                                        


A Successful Goals

sa wakas after more than 4 years!!

welcome back Pinas!!

after ng mahabang panahon sa medschool Im finally free!! its good to be back! may 1 month Vacation ako bago tuluyan mag umpisa sa Internship ko kaya naman nag usap-usap kami ng mga kapatid ko regarding sa ospital na plano kong ipa-tayo..

pag dating na pag dating ko sa Manila agad 'ko pinuntahan yung lupa na balak ko bilhin, sakto naman na naabutan ko yung may-ari sa area kaya agad ko naka-usap ang owner non..

"Mr. Cortez, hindi po ba at matagal na tayo nag-usap regarding sa lupa? and you say yes.. remember??"

"Doctor Enríquez ang sabi ko sa kapatid mong si Drake pag-iisipan ko, dahil may isang buyer ako na mas galante at mas may magandang plano sa lupa ko.."

"wait sir, may mas gaganda pa ba sa pag papatayo ng ospital? murang pa-ospital yon para sa mga taong hindi afford ang private service.." paliwanag ko

"Im sorry Doctor Enríquez, mas gusto ko ang real estate plan na offer ng isa kong buyer"

"Mr. Cortez please, come to think about it.." paki-usap ko dito

"Doctor Enríquez, malaki ang lupa ko, sayang naman kung gagawin mong libreng pa ospital at shelter para sa mahihirap.. sayang naman ang pera mo.." mayabang na tugon nito

"Im sorry Doctor Enríquez, I have to leave now.." pag papa-alam niya

natigilan ako at hindi na siya hinabol pa, napaka selfish!! nakaka-inis!

umuwi akong galit na galit, at agad naman ako sinalubong ni Kuya Drake..

"Chad, ano? okay na ba si Mr. Cortez??" masayang usal nito

"akala ko ba umoo na siya sayo?" inis na tugon ko

"Chad.."

"Kuya naman.. alam mo kung gaano ko ka-gusto makuha ang lupang yon!!"

"eh Chad magaling ang competitor mo sa lupang yon.."

"magaling?! Bakit sino ba siya?! sino ba yon? ako ang kakausap!"

"Chad..."

"sino nga?? kakausapin ko now!"

"si Kristine Gaile Montecillo De Leon.." seryosong tugon ni Daddy at natigilan naman ako

"kakausapin mo?" natatawang tanong ni Dad

hindi ako agad naka-sagot ng malaman kong si Tine yon..

"nalaman niya na gustong gusto mo bilhin ang lupa ni Mr. Cortez, so with no reason, nag madali siyang kausapin si Mr. Cortez para mag offer ng mas malaking halaga dito.."

"Dad bakit hindi niyo sinabi agad?" nang hihinayang na tanong ko

"Anak ayaw namin ng Mommy mo na magulo ang isip mo about sa bagay na yan kaya pinili namin ilihim muna sayo.."

"Dad..." disappointed na usal ko

"Chad, marami pang lupa diyan, makaka-hanap ka din ng para sayo.." masayang usal ni Dad

"pero yon ang gusto ko, perfect para sa plano ko.."

"Chad Anak, hindi lahat ng gusto natin makukuha natin.." naka ngiting payo ni Dad

hindi na ko sumagot pa at hinayaan nalang muna..

masaya kaming nag Lunch, ngayon lang uli kami na-kumpleto, after lunch umakyat muna ako sa kwarto ko at nag-pahinga..

hindi nawala sa isip ko na si Tine ang competitor ko sa lupang pangarap ko bilhin..

"Bakit niya nagawa yon?"

Me and My Future ExWhere stories live. Discover now