The Revelationsmabilis na lumipas ang mga araw..
college na kami pareho ni Tine, Engineering ang kurso na kinuha niya, at dahil malayo ang pina-pasukan niya kumuha siya ng dorm na malapit sa University nila, paano ba naman kasi laging late kung gumising..
Habang ako naman kumuha ng kursong Physical Therapy, pang pre-med ko, gusto ko ituloy ang pangarap ko na maging isang Doctor balang araw...
dahil sa malayo ang pina-pasukan weekends nalang kami nag kikita, minsan nga hindi pa.. hindi pa din kasi kami okay sa Daddy ko at ayaw din niya akong ipakilala pa sa Daddy niya..
ine-enjoy muna namin yung bawat araw na mag kasama kami, tutal alam naman namin na mas malalim na sa pagiging mag-kaibigan ang turing namin sa isa't-isa..
pero hindi kami, hindi niya ako boyfriend, hindi ko din naman siya girlfriend..
basta mahalaga kami sa isa't-isa..
Sabado ngayon, kaya naman maaga ako umalis at bumiyahe papunta sa dorm niya, mamamasyal kami at susunduin ko na din siya, every Saturday kasi siya umuuwi sa bahay nila, Monday ng umaga naman ang balik niya sa dorm..
pag dating ko ay agad kami umalis para mamasyal, iniwan niya muna ang bag niya sa dorm at kailangan namin balikan yon bago umuwi, dinner na kami naka balik sa dorm niya, kaya naman sinama niya ako sa kainan malapit doon, umorder siya ng ihaw ihaw, isaw, BBQ, Betamax!
hhmmmm!! ang sarap ng mga 'yon! ganito madalas ang bonding time namin, foodtrip!!
gabi na, at delikado na para umuwi pa siya..
"Tine hindi ka ba uuwi?" takang usal ko
"hmmm? late na nga eh.." tugon niya habang ngumu-nguya
"lika na.. kunin na natin yung bag mo.."
"hmmm? hindi na.. dito na tayo matulog.."
"ano?" takang tugon ko
"dito na tayo matulog.." pag-uulit niya
"ano bang.." natigilan ako ng biglang umulan
at dahil open area ang kina-kainan namin agad kami tumayo para sumilong muna, niki-siksik kami sa malaking payong na nasa ihawan, ang tagal tumila ng ulan at nakita kong naba-basa na siya sa tina-tayuan niya kaya naman hinila ko siya palapit sakin at pinalit ko ang sarili ko sa pwesto niya..
naka-harap ako sakanya para likod ko nalang ang mabasa ng ulan..
siksikan kaming mga estudyante don, pilit siya sini-siksik ng iba kaya naman nilapit ko siya sakin at niyakap, para hindi siya masiko ng mga nasa tabi niya..
"gabi na, delikado na din para sayo na umuwi pa.. sa dorm ko nalang ikaw mag-pahinga, itatabi nalang kita.." mahinang usal niya sakin habang magka-lapit kami sa isa-t-isa
"hindi pwede..." pag-tanggi ko
"kasi gabi na, delikado kung uuwi ka pa..."
"hindi pwede maaga ako bukas.."
"maaga kita gigisingin.." pag-pipilit niya
"ano ka ba? saan mo naman ako patu-tulugin??"
"ayy oo nga pala, hindi kasing ganda ng kama ko dito ang kama mo, at hindi kasing lambot at laki..." sarkastikong paliwanag niya
"anong pinag-sasabi mo?? hindi yon ang punto ko... ibig ko sabihin, sa dorm mo ako patu-tulugin?? paano yon? 'di ba bawal mga lalaki don??" paliwanag ko
"hindi naman.. bisita naman kita, at mag-papanggap kang pinsan ko.."
"sus, ayaw mo nang nag-sisinungaling pero ngayon tinu-turuan mo 'ko.." pang-aasar ko

YOU ARE READING
Me and My Future Ex
Teen FictionSPG 🔥 The Forbidden Love 🔥 -Season 2 of Me and My Ex