The Honest Jealous Girlafter ng outing na yon hindi na niya uli ako pinansin, mag iisang Linggo na uli niya akong tini-tiis.. feeling ko binu-butas yung dibdib ko tuwing mag kakasulubong kami sa hall way at nilalampasan niya lang ako..
bakit ba nararamdaman ko 'to?
tuwing uwian sinu-sundan ko siya, hindi ako sumasabay sa mga kapatid ko, nag co-commute ako kasi umaasa akong papansinin niya ako pag nagkaka-sabay kami sa jeep, pero tuwing sasabayan ko siya ilag na ilag siya sakin at para bang hindi niya ako naki-kita..
after ng exams mas na-feel ko yung lungkot, wala na kasi akong ibang ini-isip kundi siya nalang araw-araw..
PHONE CALL..
nag-ring ang phone ko kaya agad ako bumangon sa kama, hinanap ko yon sa bag ko at kinuha, mabilis kong sinagot nang hindi tini-tingnan kung sino ang tuma-tawag..
"Tine??" sabik na sabik na bungad ko
"Tine? No Chad, si Eureeh Anne 'to" pag papakilala ng nasa kabilang linya at agad naman ako nakaramdam ng panghi-hina
"Anne ikaw pala.. may problema ba?" seryoso at walang emosiyong usal ko
"free ka ba bukas? pwede ba tayo mag lunch out?" masayang pag-aaya niya
"baka hindi ako payagan nila Dad.." palusot ko
ewan ko ba crush na crusah ko si Anne dati pero parang wala akong gana kausapin siya ngayon..
"tumawag na ako kay Tita Andrea, pumayag na siya.. sabihan nalang daw kita.."
"ahh ganon ba?" seryoso at walang emosiyong usal ko
"yes, darating kasi sila Mommy at Daddy bukas gusto ka makita ni Mommy.."
"okay sige.. update mo nalang ako bukas.." tamad na tamad na tugon ko
binaba ko na ang tawag niya, at tila na ba-baliw na ako habang tini-titigan ang phone ko, umaasa akong may isang text na papasok don mula kay Tine hanggang sa naka-tulugan ko yon..
maaga akong nagising kinabukasan, at agad ko hinanap ang phone ko para i-check kung nag text na ba si Tine, pero wala pa din talaga..
habang tuma-tagal mas nasasaktan ako, knowing na tini-tiis niya ako..
late na ako nakarating sa lunch time namin ni Anne, pag dating ko sa mall agad ko silang hinanap, pag ka-kita nila sakin ay agad naman ako sinalubong ng yakap ni Tita Alex, Mommy ni Anne at pinsan ni Mama..
"nako Chad kamusta? ang laki mo na! Binata ka na talaga!" masayang bati niya sakin
"okay naman po Tita.." seryoso at walang emosiyong tugon ko
"ang gwapo gwapo mo naman! ikaw ang pinaka ka-mukha ng Mommy mo.."
"Salamat Tita.."
"ikaw na ba si Chadrick? ang laki mo na Iho.." masayang bati sakin ni Tito Edmon na asawa ni Tita Alex
maraming kwento si Tita Alex kaya naman pumasok na kami sa isang resto para kumain..
"dumaan kami noong nakaraan sa bahay niyo.." masayang usal ni Tita Alex
"talaga po?" seryoso at walang emosiyong tugon ko
"oo, pero nasa school ka at exams niyo daw sabi ng Dad mo, inabot ko kasi ang mga pasalubong ko sa mga kapatid mo, yung sayo ito, hiniwalay ko.." masayang usal niya at inabot sakin ang malaking paper bag
sinilip ko yon at nakita ko ang isang pair ng shoes at ilang mga branded na t-shirt, may relo pa at mga branded na pantalon..
"Tita Alex.. ang dami naman po, alin po ang akin dito?" takang usal ko

YOU ARE READING
Me and My Future Ex
Teen FictionSPG 🔥 The Forbidden Love 🔥 -Season 2 of Me and My Ex