Chapter 2: Under the Clouds

79 24 18
                                    

Elica's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa mataas na hagdan at dinadama ang hangin. Sa baba ko ay tanaw ko ang isang open field kung saan madalas nagprapractice ang mga athletes ng school. Halos limampung hakbang ang taas ko sa ibaba. Tanaw ko rin ang napakagandang mga ulap na tila abot ng aking mga kamay. Tinatakpan nito ang araw kaya mas lalong presko sa pakiramdam.

So peaceful, just how I like it.

Walang masyadong pumupunta dito dahil kung hindi sa canteen ang tambayan ng mga estudyante ay sa oval. Kung may dadaan man ay iilan ilan lang. Recess namin ngayon at minabuti kong mapagisa para makapagaral. Pagkatapos purihin ang paligid ay sinumulan ko nang magbasa basa at magsolve sa papel na bitbit ko. Maaga kaming pinalabas ngayon dahil may pupuntahang meeting ang huling guro namin bago magrecess.

"Hey! Sabi ko na andito ka lang eh." May narinig akong nagsalita sa likodan ko. Lumingon ako doon at nakita ang lalaking kahapon pa bumabagabag sa aking isipan. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Pag nakukuha ko ang emosyon ng iba tao ay kung anong ano na ang nagagawa ko dahil gaya nga ng sabi sa isang librong nabasa ko, kontrolado ng emosyon mo ang magiging susunod na hakbang mo.

"Hinahanap mo ko?" Tanong ko sa kaniya. Binaba niya naman ang dala dala niyang bag at umupo sa tabi ko, walang pakielam kung nakaharang siya sa daan.

"Yeah, wala ka kasi sa canteen," ani niya habang nagpupunas ng pawis.

"Why are you looking for me?" Talikwas ang tingin ko sa mata niya.

"Who says i'm looking for you?" Tila natauhan siya sa mga nasabi niya kani-kanina lang. Kinakabahan siya at nagpapawis ang noo kahit na mahangin naman.

"Ikaw. Kakasabi mo lang kaya kanina,"simpleng sabi ko.

"Hindi, nabingi ka ata. Ang sabi ko nagkataon lang na napadaan ako dito at nakita kita," pagsisinungaling niya. He doesn't good on lying.

"Kung yan ang gusto mong paniwalaan ko," ani ko at muling tinutok ang atensyon sa librong binabasa. Di pa din siya umaalis sa pwesto niya at alam kong tinitignan niya ko.

"You like reading books huh?"  Pangaabala niya sa akin.

"Yeah, so please go. I don't want to read a book while someone's  watching me. " Wala kang mahihimigan na emosyon sa aking boses.

"You're always like that. Ikaw lang ang kilala kong tao na kahit sa halloween party ay nagbabasa ng libro," ani niya. Inalala ko ang nangyari noon. Bored na bored na ako sa party na yon kaya naglabas ako ng libro para may magawa. May attendance kasi ang party kaya obligado kang pumunta.

"Pano mo nalaman yon? Kilala mo na ko dati pa?" Takang tanong ko.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong kahapon lang kita nakilala. "

"So kung hindi kahapon kailan?" Tumingin ako sa kaniya pero wala akong maramdaman na emosyon. Kalmado lang siya at tila ineenjoy lang ang nangyayari.

"I've known you for almost 2years," ani niya na kinabigla ko.

"What? Paano? Anong alam mo sa akin? Stalker ba kita?" 

"Ganyan ka ba magtanong, wala pa ding emosyon?" Natatawang sabi niya.

"That's none of your business," ani ko sa kaniya.

"Actually ilan lang naman ang alam ko sayo. Papasok ka at exactly 11:30 in the morning, uupo ka sa last row, second seat and you'll ignore the world na parang ikaw lang ang tao sa mundo. Minsan kapag nasa mood ka, mamansin ka ng kaklase mo pero hindi rin yon nagtatagal," ani niya na parang nagkwekwento lang ng buhay niya.

"Alergic ka sa cucumber dahil minsan ka nang dinala ng mga kaklase mo sa clinic dahil kumain ka non. Ang dami pa ngang sumama sayo para lang makatakas sa lesson. Mahilig ka din sa black, black ang lahat ng gamit mo including hoodies, bags, hairclips and anything you wear tuwing hindi tayo pinagsosoot ng school uniform. You didn't like putting liptints and any accessories except sa kwintas na soot soot mo na may crescent moon na design. Consistent honor student ka din and running for valedictorian. Favorite mo din pala ang cookies and cream na flavor ng ice cream, dahil tuwing pupunta ka sa canteen once a week, ay ayon lang ang nakikita kong lagi mong binibili," sabi niya. Tumigil muna siya para kumuha ng hininga.

"Di mo rin pinapansin ang lunch box na laging nakapwesto dito na may lamang sandwich na lagi kong nilalagay sa pwestong inuupan ko mismo. Napapansin ko kasing hindi ka kumakain tuwing recess at nagaaral ka lang. That's bad for your health. Lagi mo ding pinagmamasdan ang mga ulap bago magsimulang magaral. Naalala mo nung sportsfest last last year? Nagkasugat ka non pero di mo pinansin. Naglagay pa nga ako ng vetadine at cotton sa tabi ng bag mo, kasi akala ko gagamitin mo yon pero hindi. Tas yung umuulan tas wala kang dalang payong naglalakad ka pauwi sa bahay nyo, may lalaking nagpahiram sayo ng payong, ako yun. Napagalitan pa nga ako ng Mom ko kasi umuwi akong basa kahit na hindi naman dapat ako mabasa dahil nakasasakyan ako." Napakamot pa siya sa ulo niya nung binabanggit ang huling mga salita.

"Onti lang yon para sayo? Eh halos kinwento mo na yung buong buhay ko," ani ko at binigyan siya ng nakakadudang tingin.

"Yeah. Ewan ko din bakit kita laging pinagmamasdan. I just found myself stalking you. Maybe stalker mo nga ako but not in a bad way," sabi niya at may kinuha sa likod niya.

Isang lunchbox na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Here. I bought you sandwiches and  yakult para naman kumain ka, and this time you will not ignore it dahil kung hindi mo to kakainin, isasalpak ko to sa bunganga mo," pananakot niya sa akin habang binubuksan iyon. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at kumuha ng isa. Ganon rin ang ginawa niya. Pinagbuksan niya pa ako ng yakult at inabot sa akin.

"Cheers." Masayang sabi niya. Napangiti din ako sa ginawa niya at sinabayan iyon.

"Cheers stalker," natatawang sambit ko. Natulala naman siya sa akin.

"Hoy ano? Natulala ka diyan?" Tanong ko. Winawagway ko pa ang kamay ko sa harapan niya.

"I love your smile," ani niya na tila wala pa din aa sarili. Tumawa nalang ako at tumingin ulit sa mga ulap na nasa harapan namin.

"Di ka love ng smile ko," sabi ko bago uminom ng yakult.

"Ang sarap nitong sandwich. Ikaw gumawa?" Nakangiti kong tanong.

"Oo lagi kita ginagawan niyan, di mo lang kinakain. Di mo kasi pinapansin," may halong pagtatampo ang boses niya.

"Ngayon, lagi ko na kakainin stalker. " Sabi ko at masayang kumain, nakalimutan na kaya ako pumunta dito ay para magaral. Pagkatapos ko kumain ay kinuha ko ang kamay niya at tumingin sa relo.

"Kailangan ko na pala pumasok. Malalate na ko," sabi ko at nagmadaling nagayos. Nakatayo na ko ng may pumasok na tanong sa akin.

"Gusto mo ba ko?" Biglang sabi ko. Tumawa naman siya at tumayo. Pinagpag ang sarili at tinignan ako.

"Anong sagot ba ang gusto mo? Should I say the truth or should I lie?" May pilyong ngiting sabi niya.

"Lie to me this time. " .

"You're nothing special," wika niya habang nakatingin sa akin ng diretso. Nagulat naman ako at hindi makagalaw.

"Go na! Malalate ka na diba," sabi niya at tinulak tulak ako. Sinunod ko nalang ang gusto niya at nagmadaling lumakad. Narinig ko pa siyang tumatawa bago ko siya iwan.

꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

I Can Feel Other's Feelings ON-HOLDWhere stories live. Discover now