Elica's POVKasalukuyan akong naglalakad patungo sa kung tawagin kong tambayan ko upang makapagaral muli. Tatlong araw na ang nakalipas nang matapos ang Sportsfest at balik na naman sa normal ang klase. Sprite's team won the first place. It's quiet obvious that they will win, dahil halos lahat ng major games ay napalanunan nila. Talo din kami sa patintero at ang tanging ginawa ko na lamang ay icheer ang team nila Sprite dahil sila ang nakapasok sa last game. Natalo man ngunit nasungkit naman nila ang second place. Pumapangalawa naman ang team namin kaya hindi narin masama para sa amin.
Speaking of him, kahapon ay miske anino ni Sprite ay hindi ko nakita. Hindi siguro siya pumasok kaya naging tahimik ang buong maghapon ko. Hindi ko alam kung dadating siya mamaya o katulad kahapon ay wala ulit siya.
Nasagot ang tanong ko nang may makita akong lalaking nakaupo sa lagi naming pinepwestuhan ngunit imbes na school uniform ang soot ng lalaking nakatalikod ay pangsibilyan. Isang black longsleeves at pantalon. Narinig niya siguro ang mga yabag ng paa ko kaya tumingin siya sa akin. Hindi nga ako nagkamali dahil si Sprite nga iyon. Namumula ang ilong niya at halatang kakagaling lang sa pagiyak. Lungkot at galit ang nararamdaman niya. Iniwas ko ang mata para kumalma.
"Hey!" Bati niya sa akin siyaka umusog para makaupo ako. Umupo naman ako at nilagay ang mga libro ko sa aking hita.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Umiyak ka noh? Bakit?" Sunod sunod kong tanong. Pinunasan niya naman ang mata at inayos ang sarili. May kinuha siya sa likod niya, yung lunch box.
"Okay lang ako. I bought you sandwich again, baka magutom ka kakaaral," sabi niya at siya na mismo ang umiiwas ng tingin.
"Anong problema mo? May hindi ka sinasabi. Bakit wala ka kahapon?" Makulit ko na namang tanong.
"Wala, okay lang talaga ako. Dinalhan lang talaga kita ng makakakain," sabi niya at iniwas ang mukha sa akin. He really isn't good on lying.
"Tsk. Di ko kakainin yan kung hindi mo sasabihin. Makikinig naman ako," sabi ko. Iniwas niya muli ang tingin sa akin at tumingin sa harapan namin. Kagat niya pa ang labi at pinipigilang umiyak.
"M-my f-father d-died y-yesterday..." Pigil pa ding luha niyang sabi. Natulala naman ako sa kaniya.
Bakit andito pa siya at hinatidan pa ako ng pagkain eh mas kailangan siya ng pamilya niya sa kanila?
I became speechless at the moment. I didn't know what to do or what to say. Katahimikan ang naghari sa amin. Tanging ang huni ng ibon, pagaspas ng mga dahon sa puno, mga tawanan ng mga estudyante mula sa malayo ang maririnig mo.
"Cry, walang masama sa pagiyak Sprite," sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti, ngiting puno ng sakit. Hindi ko alam kung paano pa siya nakakatayo at nakakaharap sa tao sa sitwasyon niya, dahil nung minsang mamatay ang lola ko nung bata ako ay halos puro iyak lang ang ginawa ko. Pakiramdam ko'y pinagsuklaban na ako ng langit at lupa, dahil nawala ang lola ko na halos ang turing sa akin ay higit pa sa anak niya.
"Crying is for weak," wika niya. Napakabigat ng pakiramdam niya na sa sobrang bigat ay halos lamunin na rin ng lungkot ang puso ko. Kahit namumuo na ang luha niya ay pinipigilan niya itong pumatak.
"No, crying is for those who've been strong for too long," ani ko at hinawakan ang kabilang parte ng ulo niya para isandal sa balikat ko.
"Diyan ka umiyak, kung ayaw mong makita ko. Cry on my shoulders," ani ko. Muli ay katahimikan na naman ang naghari sa amin hanggang sa unti unti ay narinig ko siyang humikbi.
"H-he d-died b-because o-of m-me..." Nagulat man ay hindi ako nagsalita. He needs someone to be with.
"Nagkasagutan kami bago siya atakihin sa puso," puno ng sakit ang boses niya. Naguunahan na rin ang mga luha sa pagpatak sa kaniyang muka.
"N-nagsisi a-ako at sinagot sagot ko pa siya. It's all my fault."
"It's not. Wag mong sisihin ang sarili mo Sprite."
"No. Kasalanan ko kung bakit siya namatay," sabi niya. Hinarap ko ang mukha niya sa akin at tinitigan ang mga mata niya. Ito na siguro ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa tanang buhay ko.
"Hindi Sprite. Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa iniisip mong yan," kagat ang labi kong sabi. Nagulat man sa biglang pagyakap at pagsubsob ng mukha niya sa balikat ko ay nagawa ko siyang yakapin pabalik.
"I-i f-fucking hate myself for being so weak!" Damang dama ko sa bawat salita niya ang magkakahalong emosyon, galit, sakit at pait. Sobra siyang nasasaktan ngunit kinukubli lang niya sa loob niya. Totoo nga marahil na sa dalawang kasarian ang lalaki ang pinakanasasaktan dahil imbis na sabihin sa kakilala o kaibigan ay kinulubli lang nila sa sariling kalooban.
Nanatili kaming magkayakap hanggang sa may makita akong pares ng high heels na tumigil sa tapat namin. Binitawan ko ang yakap at sabay kaming napatingin sa babae. Maputi, matangos ang ilong at may asul na kulay ng mata. Babaeng sigurado akong kaedad lang namin. She looks gorgeous on her off-shoulder fitted black dress.
"Sprite, we need to go." Nagulat ako dahil kilala at tinawag nito ang ngalan ni Sprite. Tumayo naman si Sprite at pinagpag at pinunasan ang sarili.
"Kailangan ko nang umalis Eli, excuse ako sa klase ng one week kaya matagal tagal tayong di magkikita. Alagaan mo ang sarili mo ah," sabi niya at tila mas iniisip pa ang kalagayan ko kesa sa kaniya. Hinawakan niya ang ulo ko at marahang hinalikan ang noo na nagpapikit sa akin. Matagal iyon at tila pinagaan ang aking manhid na pakiramdam.
"I'll go for now," ani niya habang nakatingin sa mukha ko. Tumalikod siya sa akin at sinabayan sa paglalakad ang babae na kanina pa masama ang tingin sa akin. Nakakunot ang mga noo nito at tila makikita mo sa mata niya ang nagaalab na apoy.
Nang mawala sila sa paningin ko ay dali dali akong tumakbo. Hindi ko na namalayan ang oras at marahil ay late na ako sa klase. Dumagdag pa sa isipin ko ang kung anong maaring gawin ng terror naming teacher sa akin. Mabilis akong tumakbo at halos wala ng pake sa kung sinong mababangga. Sumilip ako sa pintuan at lumaki ang mata mg makitang nagdadasal na sila. Pinatapos ko muna ang pagdadasal nila pati na rin ang pagbabatian nila bago kumatok.
"And why are you late Ms. Angelica?" Striktong tanong niya. Napatingin din sa pwesto ko ang mga kaklase ko at halata sa kanila ang takot para sa akin. Lumapit siya sa akin at pinapasok ako sa loob ng classroom ngunit hindi niya akong hinayaang magtungo sa upuan ko. Tinignan niya ako mula sa maikli kong buhok, patungo pababa, hanggang sa makarating ang mga titig niya sa paanan ko.
"Akala ko ikaw ang pinakamabait na estudyante dito, mukhang nagkakamali ako..." Ani niya siyaka muling naglakad sa harapan at tumingin sa class secretary namin.
"Record her name on cutting classes and give her a cutting slip. You'll be standing there hanggang sa matapos ang two periods ko," ani niya. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa pwesto ni Francis na nagaalala sa akin. Gaya nga ng sinabi ng teacher namin ay halos dalawang oras ako nakatayo kaya ng makaupo ako ay tila napakasarap sa pakiramdam.
"Maldita talaga yong teacher na yon noh? Ikaw naman laging tinatawag," wika ni Francis habang naglalakad kami papauwi. Sasabay daw siya sa akin dahil hindi makakasundo ang service niya.
"Ok lang yon, para magtuto ako."
"Anghel naman pala, bakit ka ba kasi nalate?" Tanong niya.
"Wala, di ko lang namalayan ang oras," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung gusto ba ni Sprite na sabihin ko to sa iba kaya ititikom ko nalang ang bibig ko.
"Magdala ka kasi ng relo bakla, sige dito na ko. Ingat ka sa daan," wika niya dahil maiiba na siya ng direksyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sinalampak ang katawan sa kama pagkadating na pagkadating. Maliit at karsya lang para sa aming dalawang magkapatid ang kwarto namin. May tagisang maliit na kama at table na pumapagitna sa amin. May sarili din kaming banyo dito sa loob.
Nang matapos makapagpahinga ay biglang pumasok sa isipan ko na magsulat. Nais kong totohanin ang sinabi ko kay Sprite na magsusulat ako ng kwento. Naglabas ako ng papel at ballpen upang simulan na ang pagsusulat.
Ang unang pagtatagpo.
Hindi ko na namalayang habang nagsusulat ay dinalaw na ako ng antok.
꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
YOU ARE READING
I Can Feel Other's Feelings ON-HOLD
Teen FictionAngelica or also known as Elica suffers from a rare condition called mirror-touch synaesthesia that makes her able to physically and emotionally feel what others around her are feeling. In her sixteen years of existence, she avoided interacting on...