Chapter 1: Her Simple Life
Elica's POV"I want you all to write an essay about your vacation," ani ng adviser namin na nagdulot ng kaingayan sa buong classroom.
"Ms. naman, kakapasok palang essay na. " Ms. Betpolo our adviser and english teacher, is a freshman teacher who acts like a teenager kaya kinakaya kaya lang siya ng mga kaklase ko.
"Kaya nga kayo pumasok eh. Ikaw talaga Crasi, lagi kang nakareklamo," sabi niya at lumapit kay Crasi. Crasi just smile at her awkwardly.
"500 words lang naman, hindi counted ang 'and' 'is' and other words. You have an hour to do it," sabi niya at umupo na sa harapan. Naglabas na ako ng yellow paper para makapagsimula na.
"Pengeng papel Elica."
"Ako den."
"Kami den ni Briena," Wala na akong nagawa kung di bigyan sila, sana pala ay hindi na muna ako naglabas pa ng papel dahil mauubos lamang ito.
"Ang bait mo talaga Elica syaka ang ganda pa. Penge din ako," panguuto sa akin ni Francis, my gay seatmate. Binigyan ko nalang siya at tahimik na nagsulat. Hindi muna ako nagbilang ng words dahil papahirapan ko lang ang sarili ko, hindi din naman bibilangin ng teacher. Kailangan mo lang pagmukhaing mahaba ang sulat mo.
"Ang bait mo sana kaso ang sungit mo," pagaabala niya sa akin. Ayaw ko siyang tignan dahil mahahawa ako sa emosyon niya at tiyak na wala kaming matatapos na essay.
"Ms. Top 1, bingi ka ba? I'm here, nabubuhay ako baka hindi ka aware," sabi niya at kinakaway kaway ang kamay sa aking mukha.
"Can you please focus on your paper?" Sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya.
"Ayaw ko nga, ilang years na tayo magkakaklase pero ni minsan hindi mo pa ako pinapansin." Pagrereklamo niya. Isa kaming scholar sa isang pribadong eskwelahan at mula noong unang taon palang namin ng highschool ay kami na ang magkakasama. Pang gabi ang klase namin samantalang pangumaga naman ang mga estudyanteng nagbabayad ng tuition fee. Wala na din kaming angal dahil maganda ang paaralang ito at kilala, may sarili kaming classroom at may dalawa pang aircon.
"Punta muna ako sa faculty. Aayusin ko lang ang mga gamit ko don. Mayor, ikaw na ang bahala dito ah. " Mayor ang tawag namin sa class president at Vice Mayor naman sa vice president ng klase. Minsan na akong ninominate ng mga kaklase ko sa posisyon ng Mayor pero hindi ako pumayag at pinilit na palitan nalang. Tumingin pa ako sa kaklase kong gustong maging Mayor para makuha ko ang emosyon niya at makatanggi ako. Pagkaalis ni Ms. Betpolo ay nagingay na ang mga kaklase ko. Kaniya kaniyang labasan ng mga phone para makapaglaro ng Ml o kaya magsearch ng essay sa google ang karamihan. Ilan ilan na lang ang matiyaga pading nagsusulat.
"Anong favorite mong kulay?" Habang ang iba ay matiyagang nagsusulat ang katabi ko naman ay matiyagang nangungulit sa akin.
"Red? Yellow? Pink? Hmm...Baka black halos lahat ng gamit mo black eh," ani pa niya.
"Magsulat ka nalang," sabi ko habang pinagpapatuloy padin ang pagsusulat.
"Ang ganda mo sana kaso hindi ka ngumingiti. May tinga ka siguro no?" Tanong niya habang iniikot ikot ang buhok ko.
"Wala akong tinga. Iba na lang ang daldalin mo. "
"Ayoko, ikaw nalang ang hindi plastik sa mga tao dito. Siguro nga kung hahangin ng malakas lahat kami tatangayin ikaw busy pa din at nagsusulat," sabi niya. He lessen his voice while saying those words. Kahit hindi ko siya pinapansin ay patuloy lang siya sa pagsasalita. He even told his whole Christmas vacation to me.
"Pass your papers now." Nagulat kami sa pagpasok ni Ms. Betpolo. Half of the class finished the essay while others don't. Madami sa nagpasa ay pawang search lang ang ginawa siyaka sinulat sa papel.
YOU ARE READING
I Can Feel Other's Feelings ON-HOLD
Fiksi RemajaAngelica or also known as Elica suffers from a rare condition called mirror-touch synaesthesia that makes her able to physically and emotionally feel what others around her are feeling. In her sixteen years of existence, she avoided interacting on...