Chapter 7: Bitch

47 15 4
                                    

Chapter 7:  Bitch

Elica's POV

"Hay salamat! May makakasama na din ako sa pagpunta sa canteen," pagpapasalamat ni Francis. Francis speaks like a gay and acted like a boy, kaya hindi narin ako nagtataka kung madaming na namang pupuntang babae sa classroom namin sa Valentine's day. Inayos ko muna ang gamit ko bago tuluyang maglakad patungo sa canteen.

"Hindi ko ata nakikita si Sprite na umaaligid aligid sayo bakla," ani ni Francis. Katulad nga ng sabi ni Sprite ay wala siya nung isang buong linggo. Hindi ako umimik at pinagpatuloy lang ang paglalakad at hinayaan lang siyang dumaldal.

"Bakit ba ang daming gwapo sa mundo?" Tanong niya ng mahagip ng mata ang isang lalaking estudyante ng regular. Madali mo lamg malalaman kung regular at scholar ang estudyante dahil magkaiba ang uniform namin. Brown ang kulay ng pants ng lalaki kapag regular at black naman kapag scholar. Isang brown na dress na abot hanggang tuhod naman ang soot ng mga babaeng regular samantalang puting normal na polong may logo ng paaralan at black na palda ang amin. May belt na sinusoot ang mga babaeng regular para maging presentable tignan.

Pagdating namin sa canteen ay ilan ilan lang ang bumibili, marahil dahil sa ibang canteen nila napagisiping bumili. Katulad ng nakasanayan bumili ako ng cornetto na cookies and cream. Sabay kaming nagtungo sa lamesa at pinili ang pinakamalapit. Kakaonti lang ang tao dito kumpara nung last akong pumunta. Nakaharap ako sa bilihan ng canteen at nasa harapan ko naman si Francis na panay ang kwento.

"Ako talaga naasar ako kay Renald..." Tukoy niya sa kaklase naming lalaki.

"Lagi ba namang sumisigaw ng andyan na si Ms, eh di ako naman tong si uto uto tumakbo na agad sa upuan ko tas biglang sabing biro lang, ang sarap niyang rambulin," ramdam mo ang inis sa kaniya. Nakakunot pa ang noo niya habang kumakain ng turon. Ako naman ang napakunot ng ulo ng makita kong galit na lumalakad patungo sa direksyon ko ang babaeng tumawag kay Sprite last week. Ang natural na anghel niyang mukha ay ngayo'y tila nagiging demonyo dahil sa nagaapoy niyang mga mata. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko at mariing hinawakan ang braso. Gulat at napatayo si Francis sa nakita ngunit sinenyasan ko siyang wag nang makigulo. Binigyan ko naman ng tingin ang babaeng nasa tabi ko.

"Stay. Away. To. My. Sprite..." Ani niya sa may madiing tono. Hinayaan kong makuha ko ang galit sa kalooban niya. Huminga ako ng malalim at matiin siyang tinignan.

"Hindi ko hinahawakan yang sprite mo,"wika ko at pinasadahan ng tingin ang sprite na softdrinks na nakalapag na ngayon sa lamesa. Tila nabanas siya at mas hinigpitan pa ang kapit sa akin.

Di ako nasasaktan, sinayang mo lang effort mo.

"Pilosopo..." Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay sinagot ko na siya.

"Nagsasabi lang ng totoo," wika ko na mas kinainis niya.

"At may gana ka pang sumagot sa akin ha?" She closed her other hand in anger.

"At bakit naman hindi ako sasagot?" Ani ko. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahang sasagot ako muli.

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak dahilan para mahulog ang bangkuan kasabay ko. Tumama ang ulo ko sa batuhan. Napapikit ako ng mariin sa impact ng pagtama kahit na wala akong sakit na nararamdaman. Walang gana akong tumayo at hinarap siya. Malaki ang mga mata niya akong hinarap habang nakatingin sa likodan ko. Napatingin ako kay Francis na nangingilid ang mga luha.

"E-elica," nanginginig niyang ani at tinuro ang likudan ko. Nagtaka naman ako at napalingon sa likodan ko. Bahagya akong nakapihit sa kanan kaya malayang natitignan nila ang likodan ko.   Hinila ko ang uniform ko na siyang tinititigan nila. Ang paghila ko dito ay sapat lang upang makita ang dugo dito. Tila tumigil ang lahat ng hawakan ko ang ulo ko at tumambad sa lahat ng tao na nanonood sa away na sinumulan ng babaeng ito ang kamay kong punong puno ng dugo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Can Feel Other's Feelings ON-HOLDWhere stories live. Discover now