Chapter 3: Walk

68 23 22
                                    


Elica's POV

"Class, settle down. I have a very important announcement." Utos ni Ms. Betpolo. Lahat ay nagsiayos ng upo at nakinig sa sasabihin niya.

"Matutuloy na ang sportsfest niyo," pagkasabing pagkasabi niya non ay naghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa. Dati pa dapat iyon naganap ngunit nagtuloy tuloy kasi ang walang pasok kaya plinano nilang sa ibang buwan nalang gawin. Hindi din nila maisabay sa December ang Sportsfest dahil nagkaroon ng bagong partner ang school at sila ang kailangan ientertain ng heads.

"Isa sa pa sa good news is hindi nyo na kailangan pang bumili ulit ng t-shirts nyo dahil yung last year shirts nalang ang sosootin nyo," masayang sabi ni Ms. Betpolo. Nakita ko namang tila gumaan ang loob ni Crita or Tata kung tawagin ng mga kaklase ko. Si Tata ay may mahabang buhok na laging nakatirintas, mapayat na katawan at pang morenang kulay. Isa kasi siya sa talagang hirap sa buhay pero masipag magaral. Karamihan kasi sa mga kinukuhang scholar ay yung mga afford pumasok sa paaralan at may maayos na  trabaho ang mga magulang.

"Katulad last year, sa larong pinoy kayo." Halo halong emosyon ang mararamdaman mo, ang iba ay masaya samantalang ang iba ang malungkot.

"Oo nga pala," sabi niya at may hinanap.

"Elica, hindi ka na pala pwede sumali sa mind games. Kahit gusto nang team leader niyo na ikaw ay isali ay nagapila ang ibang TL at sinabing iba naman daw ang isali doon," sabi niya. Tumango lang ako at nagpatuloy na siya sa pagsasalita.

"Jungle ulit ang name nyo since Green ang color ng t-shirt nyo last year," sabi niya habang may hinahanap na papel sa table niya.

"May pagpipilian diyan ng mga larong pinoy. Just write your full name gaya ng dati. Okay? Padala nalang yan kay Ms. Medida, siya ang TL nyo," sabi niya at umupo.

"Anong sasalihan mo ngayon? Bawal ka na sa mind games," ani ni Francis.

"Kung anong meron pa sa slot. " I simply replied. Umokay nalang siya at kumuha ng notebook para magdrawing. Ilang minuto kong hinintay ang form at nakitang iilang games na lang ang bakante. Sinulat ko ang pangalan ko sa sack race at patintero dahil ayon lang ang alam kong laruin.It's either 2  minor games ang sasilihan mo or tagisang major and minor. Since sa larong pinoy lang kami nakaassign ay no choice kami kung hindi dalawang minor amg salihan namin.  Mula first year highschool ako ay laging sa mind games , gusto ko mang doon muli ay hindi na pwede.

"Sa agawang base nalang ako at saka san pa ba pwede?" Nilibot ni Francis ang mata niya at naghanap pa ng pwedeng salihan.

"Ito patintero," sabi niya at sinulat doon ang buo niyang pangalan atsyaka ipinasa sa katabi niya.

"Bakla magkakampi tayo sa patintero," sabi niya habang hinahampas hampas ako.

"Okay," sagot ko at tinuon nalang amg atensyon sa harap. Pumipikit pikit ang aking mata dala ng kawalan ng tulog. Di kasi maalis sa utak ko ang nangyari kahapon. Ilang beses kong pinilit ang sarili ko makatulog pero hindi ko magawa, kaya kanina pa ako inaasar ng katabi ko.

"Di daw makakarating si Maestra. " Sigaw ng isa kong kaklase pagkapasok niya. Muli ay naghiyawan ang mga kaklase ko at kaniya kaniya nang labasan ng phone. Ginamit ko na ang time na walang klase para makaiglip.

"Pagising nalang ako paguwian na," inaantok kong sabi. Ayun na kasi nag huling klase namin para sa ngayong araw pero sadyang hindi ko na mapigil ang antok. Unti unti ay nakatulog na ako.

~

"Wag nalang kaya natin gisingin?" Narinig kong wika ni Francis.

"Baliw ka, baka magalit yan sa atin," narinig kong sabi ni Giden. Isa sa mga pasaway kong kaklase.

I Can Feel Other's Feelings ON-HOLDWhere stories live. Discover now