Chapter 12

1.1K 84 2
                                    

XYRA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA


H

indi ko namumukhaan kung sino ang lalaking ito kahit na ba kitang kita ang mukha niya mula sa kulay kahel at napupunding ilaw.

Bago lang siya sa paningin ko,at ito na nga ba ang sinasabi ko,nandito na kami sa Punishment Room at ngayon ay mararanasan ko na kung ano ang ginagawa kay Nikee dito.

"S-sino ka?N-Nasaan si Nikee?"lakas loob kong sambit.

"Nasa kapahamakan ka na nga,inaalala mo pa ang iba."umiiling na sambit niya habang papalapit sa akin dala ang lumalagatik na latigo,susme!Ano nanamang kamalasan ito!

Pilit akong nagpumiglas pero may lubid na nakatali sa magkabilaan kong kamay at paa kaya naman nanatili akong naka upo.

Napangiwi ako dahil sa namumula na ang kamay ko at nangangati dulot ng lubid,kung pilit akong magpupumiglas maaring malaslas ang pulso ko o kaya naman masugatan ang paa ko.

Napaluha ako at iniisip ko ngayon kung ano ang kalagayan ni Nikee.

"N-nasaan si Nikee?A-anong ginawa nyo sa kanya?"tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

Ngumisi lang siya at inilapit ang mukha sa akin kaya napasinghap ako.

"Wag kang mag alala,kami muna ang pumalit sa Red Venom na magbantay dito sa Punishment Room dahil may imi-meet daw silang tao."napapikit ako dahil tinanggal niya ang salamin ko at napakalapit ng mukha niya.

At ano naman ang konek ng pinagsasabi niya sa tanong ko?

"Kami ang top 2 na grupo, karibal ng mga Red Venom,at ang isa sa miyembro namin ang nagbabantay sa kaibigan mo,may gusto sa kanya yon kaya naman wag kang mag alala."sambit niya at ramdam ko ang malamig niyang hininga na tumatama sa aking mukha.

Dumistansya siya ng kaunti kaya naman naimulat ko ang mga mata ko pero kahit ganon ay mas lalong lumabo ang aking paningin at tanging bulto nalang niya ang nakikita ko.

"Haiisst,kung nandito ang mga Red Venom,baka kanina ka pa duguan pati nadin ang kaibigan mo,kaya naman pasalamat ka sa amin."despite sa kanyang sinabi mula sa seryosong boses ay napalitan ito ng sigla at naramdaman ko na umupo siya sa harap ko at nilapit nanaman ang mukha.

Naghintay ako ng ilang minuto na hindi siya iniimik dahil nanatili siyang nakatitig sa akin habang nakangiti.

"H-hindi mo ba ako sasaktan?"tanong ko sa kanya dahil ang pagkaka alam ko,lahat ng napupunta dito sa Punishment Room ay napaparusahan.

"Nope,hindi kita sasaktan."sambit niya ng nakangiti habang umiiling na para bang bata habang pinagmamasdan ako.

Kung kanina ay nakakatakot siya at seryoso,ngayon naman ay umaasta siya na para bang bata.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon