Chapter 50

844 45 4
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

XYRA/AMBER

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway, papunta sa kanya kanyang mga classroom.Ang ingay namin sa totoo lang at pare parehong nagtatawanan kahit nasa gitna ng mga taong nagpapatayan.

Natigilan lang kami at agad kong sinitsitan si Luna na at Gelly na napalakas ang tawa at tumahimik naman sila.

May naririnig kasi akong mga bulungan,hindi tungkol samin kundi sa ibang topic that piqued my interest.

"Hey,nasaan si Gia?Kanina ko pa hinahanap."

"Hindi ko din nga alam pero kanina pa namin siya hinahanap at hanggang ngayon ay hindi namin alam kung saan napadpad."

"Pati si Clare nawawala."

"Hindi naman sila lumabas kaninang gabi,right?"

"Naku,hinding hindi talaga,duwag ang mga yun eh."

Nilibot namin ang aming paningin sa paligid at halos lahat ng mga estudyante ay nagtatanungan kung nasaan ba si ganito at ganyan,nagkatinginan kaming lima dahil sa pagtataka.

"Baka naman lumabas sila ng Bloody Night and then....patay na?"tanong ko sa kanila dahil mukhang nagtataka rin sila.

"Pero karamihan naman ay hindi daw."sambit naman ni Nikee.

Pero kung hindi,saan naman sila pupunta?

"Baka naman may mga pinuntahan lang or what."sambit naman nitong si Luna pero agad ding sumabat si Gelly.

"May pinuntahan?Ang dami naman nilang pupunta at nawala,saan ba ang pupuntahan nilang yun?"taka niyang tanong at napatango naman kami dahil hindi naman normal ang ganito na para bang ang daming estudyante ang nawawala ngayong araw.

Hindi na namin ito pinansin at agad na pumunta sa kanya kanyang classroom at nagpaalam sa isa't isa.

Umupo ako sa tabi ni Nikee at nilingon ko siya ng tinawag niya ako.

"Isn't it weird?"tanong niya sabay nguso sa mga kaklase namin na para bang kumonti at may kumulang,may mga nagtatanungan din sa isa't isa kung nakita ba nila ang kasamahan nila pero ni isa ay walang nasabi kung hindi ang "Ay hindi eh."

May mga nag aalala din na baka lumabas ito nung mga oras na Bloody Night pero hindi nila maiwasang hindi magduda dahil kilala nila ang kanilang mga kasamahan at kaibigan na mga duwag at mas pipiliing magkulong sa loob ng dorm at magtago sa oras ng Bloody Night.

Napaka weird na nga talaga ng mga nangyayari dahil maging dito sa classroom ay may mga naghahanap.

"Ang weird nga,pero wag mo ng alalahanin yan dahil baka makita narin nila ang mga kasamahan nila mamaya,mag review nalang tayo dahil balita ko ay may quiz."sambit ko at sumang ayon naman siya doon.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon