Chapter 39

923 66 4
                                    

XYRA/AMBER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


XYRA/AMBER


Pinunasan ko ang luha sa aking pisnge,tumayo ako at pinagmasdan ang likod ni Raven na papalayo.


Tumalikod na ako at bumuntong hininga bago humakbang,sobrang sakit palang ma reject?


Bakit ka ganito Raven?Akala ko ba mahal mo ako?Tapos ngayon mag iinarte ka ng ganito?Bwiset ka!


Pilit kong pinupunasan ang luha sa mga pisnge ko pero wala ding silbi dahil napapalitan ito ng bago.


Napahinto ako sa pang limang hakbang ng maramdaman kong may mainit na brasong bumalot sa aking likuran.


Napako ako sa aking kinatatayuan at na blangko ng tuluyan ang isipan.


Sobrang daming katanungan ang nabubuo sa aking utak pero iisa lang ang lumabas sa bibig ko.


"R-Raven?"


Napapikit ako ng maramdamang siniksik niya ang kanyang ulo sa aking leeg.


"Marupok ako Xyra."


***

Iilang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang bagay na iyon,patuloy padin akong kinukulit ng apat pero lagi akong umiiwas,minsan magugulat nalang ako tuwing umaga na nasa harapan na sila ng pintuan ko,kahit na anong sabihin ko sa kanilang masasakit na salita,hindi parin nila ako tinatantanan,pero yun ang akala ko...dahil ngayon ay tinantanan na nila ako,napagod din sila.


Mas mabuting ganoon nga ang mangyari at laking pasasalamat ko kay Luna dahil kahit na hindi ko pa siya nakakausap,alam kong hindi niya sinabi kila Jhiro at Kuya Kaz ang tungkol sa sakit ko.


Hindi ko nga alam kung bakit nandito ngayon sila Jhiro,Kuya Kaz at Luna sa loob ng B.U.


Nagising ako dahil sa mabigat na nakadantay sa aking bewang,hinarap ko ito at hindi na ako nagulat ng makita ko ang natutulog na mukha ni Raven.


Simula ng araw na iyon,hindi na siya humiwalay pa sa akin at parang linta na nakadikit at hindi maalis alis,hindi rin to ang unang pagkakataon na pasikreto siyang pumasok ng dorm ko at dito matulog.


Tinitigan ko ang makinis na mukha ni Raven,hindi ko maiwasang mamangha dahil ang fresh at ang gwapo niya pading tignan kahit bagong gising o natutulog.


Marahan kong tinapik ang kanyang pisnge,napaungol siya at hinawakan ang aking kamay.


"Gumising ka na Raven,may pasok pa."saad ko pero parang wala ata siyang narinig dahil nanatili parin siyang nakapikit at hindi gumagalaw.Alam kong gising na siya pero alam ko ding tinatamad siyang bumangon.


Ng malaman kong hindi siya babangon,sinubukan kong alisin ang braso niya sa bewang ko pero ang higpit ng pagkakapit niya dito dahilan kung bakit pati ako ay hindi maka bangon at maka alis sa bisig niya.


Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon