XYRA/AMBER
Nakalabas na ako ng laboratory at kasalukuyan akong tumatakbo ngayon habang mabibigat ang paghinga,inilagay ko sa isang tabi si Reni na ngayon ay payapa ng namamahinga,sumasakit ang dibdib ko pero kailangan kong kumilos at kailangan kong kitain sila Gelly,Nikee at Luna dahil wala akong balita kung ano na ang nangyari sa kanila.
"Rest well Reni,maraming salamat sa lahat.Lalaban kami ngayon kahit na anong mangyari,guide us please."nabasag ang boses ko pero agad din akong tumayo at tumalikod,tumakbo ako palayo.
Sobrang dilim na ng paligid at ang kalangitan ay walang mga bituin dahil natatakluban ito ng mga nagkakapalang ulap.
Sobrang lakas din ng ulan,basang basa na ako at giniginaw na lalo na ng umihip ang malamig na hangin.
Ang mga dugo na natuyo sa aking katawan ay umaagos nadin pababa ng dahil sa tubig ulan,napaubo ako habang tumatakbo, siguradong kapag nawala ang epekto ng gamot ay matutuluyan na talaga ako.
Pero atleast ay may nagawa ako bago ako mamatay.
Habang tumatakbo ay nakikita ko ang napakaraming bangkay na nagkalat sa paligid,ang ibang eatudyante ay nagsisitago upang hindi makita ng mga Atrums pero ang iba ay nakikipaglaban.
Kinuha ko ang bat at ihinampas ito sa ulo ng isang Atrum na sumugod sa akin, sinigurado kong ang bawat hampas ko ay malalakas ng sa ganon ay mabasag ang bungo niya at mamatay kaagad, kailangan kong magmadali at hindi dapat ako magsayang ng oras at lakas.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pakikipaglaban,lahat ng estudyante ay busy sa mga paraan nila upang mananatiling buhay.
Habang tumatakbo sa kalagitnaan ng kadiliman at ulan ay namataan ko ang isang babae na umiiyak,habang kandong kandong niya ang isang lalake,nakasiluong sila sa isang malaking puno.
Lumapit ako doon at agad siyang tinawag.
"Gelly!"
Napalingon siya sakin at naawa ako ng makita kong namamaga ang kanyang mga mata at halatang umiiyak kahit na umuulan,nagulat ako ng makita ko ang kandong kandong niyang lalake na wala ng buhay.Si Wayne.
Tumakbo ako sa kanya at agad siyang niyakap,napahagulgol siya ng dahil sa ginawa ko,alam kong mabigat ang nararamdaman niya ngayon at mas lalo itong bibigat kapag nalaman niyang pati ang kaibigan naming si Reni ay wala na.
"Xyra!Buhay ka!N-nakita mo ba sila Nikee?Luna?Si Reni?Hindi ko sila makita."basag ang boses niya at pinipilit niyang magsalita ng maayos kaya humigpit ang yakap ko sa kanya lalo na ng maalala ang kanyang tanong.
Ayaw kong sabihin sa kanya ang katotohanang wala na si Reni dahil alam kong masasaktan ko siya, pero deserve niya itong malaman dahil siya ang unang naging kaibigan ni Reni at isa pa mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya.It's better to tell the truth than comfort her with lies.
BINABASA MO ANG
Bloody University
Mystery / ThrillerMga gangster....mga gangster ang araw araw kong nakakasalamuha na walang ginawa kundi ang araw araw din akong suntukin,tadyakan,sipain,saksakin, at oo dumating rin ang araw ng muntikan nila akong patayin... Ang paaralang ito ay nasa isang liblib na...