Third person's P.O.V
'You'
Habang pinag mamasdan ko ang batang si maria na lumalaki hindi ko matanggap na sya ang magiging kasangkapan ko sa misyon'g ito.
lumaki sya ng maayos pero kinain ng lungkot at poot ng biglang mag laho ang kanyang ama pero bago ito mawala may iniwan ito'ng mensahe sakanya.
pinili nyang sisihin ang lahat ng nasa paligid nya at ituon na lamang ang atensyon sa pekeng mundo. Ang hindi nya alam ay mag kakaugnay lahat.
At hindi nya makakayanan kapag nalaman nya' ang katotohanang matagal ng nakatago at nag hihintay nalang mabunyag.
Nasa arena ngayon si maria kasama ang kanyang matatalik na kaibigan, habang nanonood ng debate kita mo ang saya at lawak ng ngiti nya.
Ilang saglit pa biglang may nagsisulputan'g tao at may binigay sakanya dahilan para mapalitan ng pagdilim ng mata ang nga ngiti nya.
Agad agad syang tumakbo papalabas na para ba'ng may hinahanap. Binuksan nya ang sulat bigla nalang nag laho ito
Ilang araw ang lumipas mag mula ng araw na nung nangyaring yon sakanila, ilang araw din'g hindi nag pakita si maria, nag aalala na ang lahat ngunit ni isa walang nag tangkang kumilos mistula ba'ng ikakamatay nila iyon.
Maria's P.O.V
Nakabalik ako sa mundo ko mula ng makita ko ang sulat nayon. Sa bawat nag daraang panahon nalilinawagan ako sa nangyayare pero bakit hindi ko iyon matanggap na parabang kasinungalingan lang lahat.
Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko at nag papaunahan sa pag baba
Naalala ko ang masasaya naming alaala ni dad at mom. Yinakap ko ang tuhod ko at humagulgol sa pag iyak, wala nakong magagawa pa. Pero kung hindi sya nag loko nandito parin sana si dad kung hindi sya... Kung sana pinili nya si dad hindi mangyayari lahat ng to.
Napatingin ako sa wrist watch ko ng umilaw muli ito 'Mission success' dahilan para humagulgol nanaman ako. Sa ilang araw na pananatili ko sa ibang mundo nalalaman ko ang totoo sa bawat natutuklasan ko may sakit at lalong pighati sa mga ito.
Nag ayos ako at nag prepara ng mga gagamitin pamasok. 'kailangan kong bumawi kahit na papaano' huminga ako ng malalim at sinimulan ng kumain, wala na si mom at yung stepdad ko kaya mag isa akong kumain. Laking pasalamat ko na wala sila dito maiiwasan nanaman namin ang pag babangayan, maiiwasan ko sya.
'someone'
Kita ko sa nakalagay sa wristwatch ko.
Hindi muna ako babalik sa mundong yon at kailangan kong hanapin ang tao'ng ito sa mundong to.
Nasakalagitnaan ako ng klase, walang pumapasok ni isa sa mga discussion sa utak ko ang tanging naiisip ko lang ang mga alalahanin.
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
* Dismiss *
Makulimlim ang kalangitan at mukhang ilang minuto nalang uulan na
Natatakpan na ng mga ulap ang liwanag ng kalangitan sabay biglang pagbuhos ng malalaking patak ng ulan. Wala akong payong at wala rin akong masisilungan.
Basang basa nako ng ulan. madilim at maulan kaya halos hindi makita ang daan may nalalapit na liwanag akong nakikita pero napaka labo sa aking paningin.
"miss okay kalang?" kabadong tanong sakin ng naka bunggo sakin. Hindi ko magawang tignan sya dahil nanlalabo na ng tuluyan ang aking mga mata "miss?" sabi pa ng lalaking ito habang marahang tinatapik ako. Tuluyan ng bumagsak ang talukap ng aking mga mata, hindi ko alam pero sa tingin ko ayun ang bagay na kailangan ko'ng gawin ngayon hindi ko na kaya at unti unti naring bumibigay ang katawan ko sa pagod.
To be continued. . .