( Where am i? )
Maria's P. O. V
" Okay class dismiss." wika ng teacher namin dahilan para mag si-takbuhan papalabas ang mga kaklase ko. " you maria" turo sakin ni miss " follow me in the faculty"
Napabuntong hininga nalang ako'ng sumunod sakanya
" maria, this is your last chance para habulin yung grades mo. Hindi ka naman ganyan dati pero bakit nag iba ka bigla." sabi nya dahilan para mapayuko nalang ako "Biglang baba ng grades mo di ko alam kung bakit. Kung minsan ay hindi kapa nakikinig sa mga teachers mo. Di ko alam, di ko na alam kung ano pang sasabihin sa parents mo" yun lang ang sinabi nya sabay layas na palabas.
. . . . .
Pagkauwi ko dumiretso agad ako pahiga sa kama. Tumingala ako sa ceiling hanggang sa makatulog.
Nasa kalagitnaan nako ng pag tulog ng maalala kong mag online at tignan kung ano nang ganap sa sbh, arena at gang.
Yeah.. I'm a roleplayer tulad nyo and arena creatress kaya napapabayaan ko na ang pag aaral ko at aminado ako don. Wala e i found my happiness in rpw, kahit pa hanggang don may peke talaga. iba nga satin nabubuhay nalang sa rpw.
Sabi nila rpw daw ay lugar kung saan ka makakatakas sa reyalidad, though. Di naman talaga takas.
RPW o ROLE PLAY WORLD isa syang platform na nabuo noong 2008? Kung saan malaya kang gawin ang gusto mo pero may nararapat na lugar. Malaya ka ngunit may mga patakaran parin na mahigpit na ipinatutupad at yun ay ang no op related. Para kang ibon na hinayaang lumipad ngunit linagyan ng tali ang mga paa mo para di makalayo. At taong 2016 naman ng makapasok ako grabeng pag hihirap at oras ang naipundar ko doon bago mag karon ng isang sikat na arena, arena na napakatagal narin at napaka tatag syempre.
Pag katapos manermon sa mga admins nag basa basa muna ako ng posts hanggang sa naagaw ng isang attachment ang atensyon ko. Binasa ko ng paulit ulit ito, dahil kahit anong linaw ng nasa post di ko parin maintindihan.
Nagulat nalang ako ng biglang nag bago ang mga nasa paligid ko maging ang soot at itsura ko ay nag bago. " Teka..." bulong ko sa sarili ko biglaang may nakita akong isang straktura na pamilyar na pamilyar sakin ngunit kahit anong pilit ko hindi ko maalala, hindi ko matandaan kung nasan ako pero napapamilyaran ko kung ano ito.
' Hindi... Imposible... Malabong mangyare na mag katotoo lahat ng to..'
Pinuntahan ko yung building na pamilyar sakin hindi ko alam pero may humahatak sakin para puntahan yon.
" Welcome to Dark Imperial Realm miss Creatress" wika ng isang tauhan habang papasok ako, dahilan para maestatwa ako di maari to, sinampal ko ang sarili ko para magising sa reyalidad ngunit kahit anong gawin ko wala paring nag babago " creatress? Are you alright?" tanong ng tauhan. Binigyan ko sya ng nag tatakang tingin at binigyan nya naman ako ng nag tatanong na tingin
Eto... Itong lahat ng to.. Naging totoo pero pano? Ang naaalala ko lang ay may binasa ako papaano nangyari'ng posible lahat ng to?
To be continued. . . .