ONE SHOT #15

247 7 0
                                    

BROKEN FAMILY VS. COMPLETE FAMILY

"So, let us all welcome Kein Marie and Mica Ella the two representatives of their sides for our debate. Kein standing for Broken Family and Mica standing for Complete family. And let the debate, bagin!" sabi ng host, kaya agad kaming nagbato-batopik ni Mica. At sya ang nauna.

"Alam nman nating lahat na pag may kompleto kang pamilya, ay wala ka nang mahihiling pa. Wala man sayo ang lahat nasayo naman ang bagay na wala ang iba. At yun ang pamilya so pag may pamilya ka, may lakas ka. Dahil nandyan sila" depensya nya. Kaya agad nman ako sumagot.

"Hindi porke kompleto ang pamilya. Magiging malakas kana, minsan nga sila pa ang humihila sayo pababa dahil sa masasakit na salita na binibitiwan nila. Naiisip mo ba na niminsan yang mga isa sa mga miyembro ng kompletong pamilya ay humihiling na sana wala mawala nlang sila kesa magdusa?" tanong ko.

"Hindi maiiwasan ang alitan sa isang pamilya dahil sa pagkaka alam ko wala nmang perpektong pamilya. Walang pamilya na laging masaya. Did you see the same? Family is just like an relationship. Kapag laging saya ang nararamdaman mo at walang away. Hindi ito nag wowork. So minsan, hindi talaga ito maiiwasan" sagot nya.

"Hindi mo ba napapansin yung point ko dto? Pag nag alitan ang isang pamilya at lumala ito it will result Broken Family. And because i stand on it. And i know how it feels, ay minsan kahit gustuhin mo man na mag away para mag work ito ay mapapaisip ka nlang. Like, pano kung lumala yung away? San ang punta nun? Naisip mo ba?" sabi ko

"Kahit may point ka dyan, ay nandyan nman ang aming Mama, Papa and other part of the family to make our bond more stronger. Hindi nila hahayaan na masira ang pamilyang pinaka iingatan nila" mica


"Hindi porke kompleto kayo magiging malakas na kayo at hindi masisira. Do you know na ang ibang broken family ay nagsimula sa complete family? Kung sinasabi mo na nandyan ang nanay at tatay na hindi hahayaan na masira ang pamilya nila. Bakit may mga wasak na pamilya? Bakit may ipinagpalit na anak?" personal na tanong ko. At agad nya nman akong tinaasan ng kilay at sumagot.

"Maybe because, hindi sapat yung pagmamahal sayo. Or maybe because hindi ka talaga mahal. Na yung inaakala mong pamilya iniwan ka at ipinagpalit? Baka dahil bunga ka ng pagkakamali kaya ganun?" tanong nya.

"Yeah right. Ganun nman talaga diba? Pag hindi kayo sapat hahanap ng iba ang isa at pag naka hanap papabayaan ang natira. At pinagpalit sa bago. Did you see the pain in every daughters/sons na iniwan at pinagpalit ng magulang para lang sa bagong pamilya? I guess no, right? Pano mo nga pala malalaman eh lumaki kang nandyan sila" inis na sagot ko.

"Oh Kein, you're right. Maybe hindi ko nga alam dahil yung mga magulang mo lang nman diba ay pinagpalit ka sakin? How its feels darling? Ang iwanan at ipagpalit sa mas better? Masakit ba?" and that hits me. Bakit kailangan personalan? Bakit kailangan ipamuka sakin? And the pass that im trying to forget is now flashing back.

Im Kein Marie Marquez ang batang iniwan at pinagpalit ng sarili kong mga magulang. I feel so alone that time. My father and Mica's father are one. Ako yung unang anak pero ako yung pinagpalit. Mica is my step-sister. At ang pagkakataon nga naman, ginawa pa kaming representative sa mga ganto. At ang ganda pa ng pagkaka represent namin. Ako sa Broken Family sya sa Complete Family. Perfect match.

Ang sakit pala talagang ipagpalit at iwan para lang sa mas better ano? Mahirap palang mag isa. Mahirap makita yung mga pinaka mamahal mo, masaya sa piling ng iba. At ang masakit pa dun, hindi ikaw yun.

"And the winner for the Debate 2020. Is no other than--" putol ng host. Well, hindi nman ako nag aasam na manalo dto. Lalong lalo na pag ganto ang topic. "Im sorry debaters. But none of you win the competition. You two are discualified because your talks are too personal. Thankyou" sabi ng host at bumaba na ng stage. Kaya bumaba nadin kami.

Agad sinalubong ng mga yakap at halik si Mica ng mga magulang ko. I mean magulang nya na pala. Samantalang pagkababa ko, wala man lang saking sumalubong. Okay, truth hurts nga talaga. Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sakanila habang ginagawa nila yun.

"Okay lang yan Mica" sabi ni mama-- nya.

"Were proud of you. Kahit walang nanalo" sabi nman nung dad nya. At hinalikan sa noo si mica. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang nanunuod sakanila. Masakit pala talaga, masakit parin pala talaga. Kahit anong gawing limot ko, pag nnadyan na sila sa harapan ko. Bumabalik at bumabalik talaga ang nakaraan na ayaw ko nang balikan.

Maybe, hindi ko nga kayang limutin. Pero malay mo, kaya ko nang tanggapin. Matagal na din nman akong nakakaramdam na wala na talaga. Na wala na talaga ako sakanila. So maybe its my time to move on. Moving on to my own family, that i tried to be complete. But its too impossible. Maybe kaya nga nilang maging kompleto pero hindi nako yung kasama.

ALL RIGHTS RESERVES @2020

NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.

UNEDITED.

Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now