PERFECT IMPRESSION
---------
"Ayy, ang ganda nya nman"
"nakakainggit nman sya."
"Sana may ganan din akong muka"
Sabi ng kung sino-sino habang naglalakad ako sa hallway sa campus. Sa kahiyaan ko, ay tumungo ako habang naglalakad, at hindi sila pinakinggan.
---------
"Ang galing nya nman gumawa ng tula"
"tugmang-tugma pati"
"sana magaling din akong gumawa ng tula"
Sabi ng mga audience habang binabasa ko ang aking tula sa harapan ng lahat.
---------
"Ayiee sana all"
"Sagutin mo na yan"
"Ang gwapo nman ni kuya"
"Sana may ganyan din saking mangliligaw"
Sigaw ng crowd ng masaksihan nila ang pagpoprose sakin si Brian as his girlfriend sa gitna ng nagkukumpulang students.
--------
"Ay ang ganda nung kotse oh"
"oo nga"
"sana magkaron din tayo nan"
"nakakainggit sya"
Sabi nanaman ng mga tao, ng dumating na yung sundo ko. Kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at nagtago.
--------
"Whaa. Ang talino nya naman"
"first time in our history na magkaroon ng 99 na average"
"ang galing nya"
Puri ng iba ng ipaskil na sa bulletin board ang mga average at top.
--------
"Alam mo, nakakainggit talaga sya"
"nasakanya na ang lahat"
"Maganda, Magaling, Habulin ng lalaki, Matalino, Mayaman"
"Sana ako nalang sya"
Dinig kong dasal nila. Kaya bahagya akong pumikit at kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi naiintidihan ng sino man ang nakikita nila sakin.
Hindi ko deserve ang puri nila. Ang pagnanais na maging ako. Pag nalaman nila ang kwento ko, ay siguradong kakamuhian nila ako. Dahil lahat nman ng puri sakin ay hindi totoo.
Maganda ako, sabi nila. Pero ang totoo ay nagpa-plastic surgery lang ako.
Magaling akong gumawa ng tula, sabi nila. Pero ang totoo, kinopya ko lang yan sa isang writer na underrated.
Sabi nila habulin daw ako ng mga lalaki. Which is totoo nman pero dahil yun sa mukang hindi nman talaga akin. Pati inutusan ko lng si Brian na ligawan ako sa harap ng maraming tao.
Sabi nila maganda daw ang kotse ko. Pero ang totoo, ninakaw lng yan ni papa. Para may magamit ako.
Sabi nila matalino daw ako. Pero ang totoo sakto lng nman. Kaya ako nagka grade ng ganun kataas dahil dinaya ko ang exam.
Sabi nila gusto nilang maging ako. Pero para sakin, ayaw kong maging ako. Dahil kelangan kopang pekeen ang lahat ng bagay para lng mapansin nila.
They see me with their Perfect Impression. Without knowing the whole story behind all of that.
ALL RIGHTS RESERVES @2020
NONE OF EACH OF MY STORY IS PLAGIARIZED.
UNEDITED.
YOU ARE READING
Lethal Chronicles ✓ [Under Editing]
Storie breviA creative way of keeping your life to be in its finest. Compilation of short stories. Date Started: May, 13, 2020 Date Finished: May, 29, 2020 [COMPLETED] Warning: UNDER EDITING.