CH♡PTER 3

3 2 0
                                    

"S-sino ka!?." Tanong ni Geo sa taong natagpuan nya sa kusina.

Nakatalikod sa kanya ito pero natutuloy nya na isa itong babae base sa nakalugay nitong kulay itim na buhok.

"Sino ka!? At anong ginagawa mo dito!?." Tanong nya muli sa babaeng nakatalikod pa rin sa kanya.

Sino ba tong tao na to? At panu nakapasok to dito e sa pagkakaalam nya ng umalis ang mama nya inglock nya yung pintuan.

Di naman pwedeng sa bintana ito dumaan kase sa ilang buwan nyang nakatira dito ni minsan hindi nya naisipang magbukas ng bintana kaya nasisiguro nyang hindi doon makakadaan itong babae na to.

"T-teka! Magnanakaw ka nuh! Magnanakaw ka!." Akusa nya sa babaeng nakatalikod pa rin sa kanya.

Dahan dahan naman humarap sa kanya ang babae. "Porket nasa loob magnanakaw na agad? Hindi ba pwedeng hindi ko rin alam kung bakit ako nandito?." Isang linya ang kilay na sabi ng babae habang kumakain ng....mansanas?.

"Teka bakit mo kinakain ang mansanas ko! Tresspassing ka na nga magnanakaw ka pa!." Sigaw ulit ni Geo sa babae. "Staka anong sabi mo!? Hindi mo din alam kung bakit ka nandito!? Sira ulo ka ba? Ano yun bigla nalang naglakad yung dalawa mong paa ng hindi mo alam!? Ako ba'y ginagago mo!?." First time! Unang beses lang nakapagsalita si Geo ng ganun kahaba sa taong hindi nya naman kakilala.

Kahit nga kakilala nya never pa syang nakapagsalita ng ganun kahaba except sa mama nya at sa ....babaeng ito.

"Edi wag kang maniwala. Basta ako hindi ko alam kung bakit ako nandito." Kibit balikat na sabi ng babae.

Nakatingin lang sa kanya ang babae habang kumakain ng mansanas. Titig na titig ito sa muka nya na para bang pinagaaralan nito ang bawat anggulo ng muka nya.

"Bat ganyan ka makatingin!?." Medyo naiiritang singhal nya sa babae. Nakakailang kase ang tingin nito sa kanya.

Para namang walang narinig ang babae at patuloy parin ang titig sa muka nya. Hanggang sa matagpuan nalang ni Geo na nakikipagtitigan na sya sa babaeng kaharap nya.

Light brown ang kulay ng mga mata nito at para itong nanghihipnotismo habang nakatitig sya dito.

Ilang sigundo din silang magkatitigan ng sya ang unang nagiwas ng tingin.

Para kaseng may kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng mga mata nila at ang kuryente na yun ay bahagyang tumama sa puso nya para makaramdam ng mabilis na tibok nito.

Ramdam ni Geo na parang may nagkakarerang kabayo sa dibdib nya. Ang bilis bilis kase ng tibok ng puso nya kaya medyo na hirapan syang huminga.

Shit! Parang aatakihin yata ako sa puso nito ah...ano bang ginawa ng babae na to saakin?

Di maiwasang tanong nya sa sarili.

Napahawak naman sya sa dibdib nya ng hindi pa rin ito tumigil sa pagtibok ng mabilis.

"Ayus ka lang?." Tanong ng babae sakanya. Halata sa mukha at tono ng boses nito ang pagaalala sa kanya.

Tinignan nya lang ng masama ang babae at sinabing. "Umalis ka na nga dito."

Lumanlam naman ang muka ng dalagita habang nakatingin pa rin sa kanya.

"H-hindi ko kaya." Ani ng dalaga habang dahan dahang umiiling. "Sinubukan ko na kanina pero kusa ako bumabalik dito."

Hatala sa muka nito na nagsasabi ito ng totoo pero hindi iyon pinansin ni Geo.

"Nantitrip ka ba? O baka naman nagdadrugs ka? Kase sino namang maniniwala sayo na hindi ka makakaalis dito sa apartment ko. Andoon yung pinto oh." Sabay turo nya sa gawi kung nasaan ang pintuan nito apartment." Doon makakalabas at makakaalis ka na dito."

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now