CH♡PTER 14

8 0 0
                                    

PARA syang naging tuod sa ginawa nito.

Ang medyo singkit na mata nya ay naging tila mga barya dahil sa sobrang pagkakabilang at pagkakagulat sa ginawa ni Apple.

Hinalikan sya nito sa.....pisngi lang ano ba!...hehe.

"G-goodnight." Mabilis na sabi nito sabay takbong papasok sa kwarto.

Sya. Ayun para nanamang baliw na tanga na ewan. Malalaki ang mata at sobrang lawak ng ngiti!. Nagrereklamo na nga ang dalawa nyang pisngi dahil masyado daw silang naiipit e.

Siguro nga simple lang sa iba ang ginawa nito sakanya. Pero para sakanya malaking bagay na yun! Malaking malaki!.

Walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman nya sa oras na yun, dahil sino bang hindi? Ang taong mahal mo hinalikan ka? Aba! Ket sa pisngi lang yun nakakataba na ng puso yun!

Swerte na yun pag nagkataon!.

Natauhan naman sya ng biglang tumunog ang Cellphone nya.

*Group chat*

MISS TRINIDAD:Class! I will going to send you all a school work tomorrow. And may i remined you all that you will going to pass it until that day, which is also tomorrow. Everyone is require
to do and pass it. No reasons No excuses!. Ang lahat ng di makakapagpasa bukas bagsak saakin!.
Seen. [Saturday, 9:17pm]

Nabuo naman ang kaunting inis sa kanya ng mabasa iyon.

The fuck naman oh! Linggong linggo ganyan ang bubungad sayo!? And worst! Ang gandang regalo nyan pagnagkataon. Sa araw ng kaarawan mo nandoon ka sa study table mo nakaupo at nagaaral! Fuck!.

Inis nyang pinatay ang cellphone nya at padabog na humiga.

Makainis naman kase si Miss Trinidad e. Weekends na weekend mag papagawa ng school works! Tsk! Hindi pa kase mag asawa att para naman medyo bumait bait!.

Pero ang lahat ng inis nya para kay Miss Trinidad ay biglang parang isang bulang pumutok ng maalala nya muli ang paghalik ni Apple sakanya.

Hehe.. :)

Inis man kay Miss Trinidad nakatulog naman si Geo ng nakangiti at masaya..alam nyu kung bakit? Dahil lang naman hindi mawala wala sa isip nya ang paghalik na yun ni Apple.

(Naabno na amp!)

~~~~~~~~

[Sunday, 7:48 am]

Nagising si Geo ng may matamis na ngiti sa mga labi.

Ewan nya kung bakit siguro dala lang to ng maganda nyang pagtulog. O di kaya naman dahil doon sa nangyari kagabi?.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Geo ng maalala muli ang kaganapan kagabi.

Ang sarap mabuhay!

Natuluyan na talaga si Geo. Naabno na at nawala na sa katinuan!.

Agad naman syang napabangon sa pagkakahiga ng makarinig ng malakas na ingay sa loob ng kusina.

Mabilis syang nagtungo doon at ng makarating ay nadatnan nya si Apple na may hawak na.......sandok?.

"Anong ginagawa mo?." Kunot noong tanong nya sa dalaga.

"Nag.....luluto?." Kamot batok namang ani Apple.

Oo nga naman Geo! Obvious naman na nagluluto sya eh! Idiot!.

Napailing nalang sya sa mga naisip nya at ipinalibot ang tingin sa buong kusina.

At mas lalong napakunot ang noo nya ng makita ang kalat kalat na harina sa sahig. Meron ding basag na itlog, tapon na asukal at balat ng mansanas.

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now