CH♡PTER 18

0 0 0
                                    


SECONDs, minutes, hours and days past. Pero walang Apple ang dumating at bumalik. Walang Apple na nagpakita, ni miskina nagparamdam.

Siguro tama sila, di naman masamang umasa eh, ang masama ay yung umasa ka sa isang bagay o tao na alam mo namang wala ka namang pag asa at unang una, hindi ka naman dapat na umasa.

Dahil sa totoo lang bakit kailangan pa nating umasa kung alam naman nating hindi naman ito para saatin?

At bakit kailangan pa nating paasahin ang sarili natin kung sa una palang alam nating masasaktan lang tayo bandang huli.

Hindi ba pwedeng tanggapin nalang natin ang katotohanan?
Harapin ang realidad?

Wag nating sanayin ang sarili sa salitang 'asa'. Dahil kahit ano mang letra ang idagdag natin sa salita na yan masasaktan at mahihirapan pa rin tayo.

Siguro nga minsan nagkakatotoo ang salita na yun pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

Wag mong bulagin ang sarili mo, wag kang T.A.N.G.A.!.    ( Ako ba yan!?)

Well siguro nga, ayaw man tanggapin ni Geo ang katotohan wala pa rin syang magagawa dahil ito ang nasa realidad. Wala nang Apple ang magpapakita, wala nang Apple ang babalik.

Mahirap para kay Geo na tanggapin na wala ng Apple ang kasama nya, sa buhay nya. Mahirap ipaliwanag ang mga nangyari dahil unang una parang bula na nawala si Apple sa apartment nya. Pangalawa ni isang bakas ng dalaga ay walang naiwan. At ang huli madaming katanungan ang bumabagabag sa kanya.

Isang linggo na ang lumipas mula nang mawala si Apple. At talaga namang malaki ang naging epekto nun sa pamumuhay ni Geo.

Unti unti nanaman kaseng bumabalik ang dati niyang pagkatao, ang dati niyang pamumuhay. At mukang mas lalo pa itong lumala.

Pero ang ipinagtataka nya lang ay ni isang butil ng luha ay walang lumabas sa mga mata nya.

Walang luha pero puno ng sakit at pagdurusa.

Ang buhay nga naman! Di laging pasko ika nga nila, hindi palaging masaya. Pero bakit kailangang maging ganto ang kahinatnan ni Geo? Bakit kailangan nya pang maramdaman ang pakiramdam na may kasama, hindi nagiisa kung aalis at iiwan din naman sya?.

Ok naman sya sa dati nyang pamumuhay eh. Walang kasama, laging nagiisa at walang Apple sa buhay nya.

Para namang isang lobo si Geo habang wala sa sariling naglalakad papunta sa Groceries store.

Kung nagtataka kayo kung bat lobo ang ginamit. Para kaseng syang isang lobo na lumulutang lang, may direksyon pero hindi alam kung saan papatungo.

"Goodmorning Sir!." Magiliw na bati sa kanya ng cashier ng groceries store ng makapasok sya dito.

Pero wala doon ang atensyon ni Geo. Ang buong atensyon nya ay nasa fruit stand. Sa mga mansanas.

Tanga na siguro matatawag si Geo dahil sya mismo ang gumagawa ng paraan para saktan ang sarili.

Unti unti nanaman kaseng bumabalik ang mga alaala nila ni Apple.

Ang mga alaalang mananatili nalang hanggang sa isipan nya.

Wala sa sarili, di alam kung saan tutungo, kung hanggang saan sya dadalhin ng mga paa nya.

Hanggang sa namalayan nya nalang na nasa pintuan na sya ng antique shop na pinuntahan nila dati ni Apple. Ang shop kung saan nya nabili ang collide deep necklace.

Hindi nya alam kung paano dahil naramdaman nya nalang na nasa loob na sya ng shop na to.

"Welcome Sir!." Bati sa kanya ng isang sales lady. " Wait!? Ay Sir! It's you again! Welcome back po Sir."

Napakunot naman ang noo nya habang tinititigan ang sales lady na nasa harapan nya.

"Ikaw yung...."

"Ako po Sir yung sales lady na nagassits sainyo nung pumunta kayo dito." Nakangiti at puno ng galak na pagpapakilala ng kaharap.

Ngunit wala syang balak na makipag usap at makipag kwentuhan dito. Tumango nalang sya dito at pinihit ang sarili palabas sa shop nato.

Ngunit di pa man sya nakakalayo sa shop ay may isang tinig ang nagpahinto sa kanya.

"Iniwan ka na din ba nya?." Isang boses matanda na nanggagaling sa likuran nya.

Kunot noo naman syang napabaling dito. At tumambad sa kanya ang isang may edad na lalaki.

Nasa mid-70 na siguro ang edad nito base sa mga buhok na puti nito.

Binigyan nya lang ito ng nagtatanong na tingin.

"Mukang tama nga ako." Nakangiting sabi muli ng matanda. Ngunit nakangiti man ang mga labi nito kitang kita naman ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Who are you?." Walang paligoy ligoy na tanong ni Geo ng makaupo sila sa loob ng isang resto.

"Tomas Velion. Ang owner ng antique shop na pinanggalingan mo." Pagpapakilala nito.

Nakaramdam naman sya ng kaunting pagkagulat sa nalaman. So ito pala ang may ari ng antique shop na yun.

Pero ang ipinagtataka niya ano ang kailangan nito sa kanya? At ano yung tinutukoy nya kanina? Wait tama bang ANO ang gamitin kung ang dapat ay SINO?.

"And you are?." Tanong ng matanda sa kanya.

"Just call me Geo." Tanging sagot nya. Kabastusan na ngang maitatawag ngunit hindi nya na iyon pinansin pa. "What do you want from me? At ano  yung sinasabi nyu ho saakin kanina na 'iniwan ka na din ba nya?'. Anong ibig sabihin nyu?." Improntong tanong nya.

Wala na syang paki kung mabastusan sakanya ang kaharap dahil ang tanging tumatakbo sa kanya isipan ay ang itinanung nito kanina.

Matagal syang tinitigan nito. Parang pinag aaralan ang bawat anggulo ng kanyan muka. Ng kanya emosyon, at kanyang tunay na nararamdaman.

"Sa palagay ko iho ay wala kang nalalaman tungkol sa kanya."

"What do you mean 'sa kanya?'." Kunot noong tanong nya rito.

Ano bang pinagsasabi nito sakanya? Teka, sino ba ang tinutukoy nya? Si.........Apple ba?. At kung si Apple man, ano ang nalalaman nya tungkol kay Apple?.

Bigla naman syang nabuhay ng kaunting pananabik ng maisip ang tungkol kay Apple. Tama ba ang iniisip  nya na patungkol sa dalaga ang paguusapan nila? Sana nga, dahil umaasa sya na mabigyan na ng sagot ang lahat ng katanungan nya.

"Iho, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. At alam ko rin na madaming katanungan ang bumabagabag sayo. Mga katanungan kung ano nga ba sya? At kung sino nga ba sya. Alam kung naguguluhan ka kung sino nga ba ang tinutukoy ko. " mahabang panimula nito. " Sya ang babaeng kasama mo noon nung unang pasok mo sa shop ko. Sya ang babaeng pinangalanan mo na .......Apple."




To be continued.............

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now