CH♡PTER 15

0 0 0
                                    

"What the!?." Agad syang natulos sa kinatatayuan ng makita ang loob ng kusina.

Nganga! Yan talaga ang nararapat na salita para kay Geo. Dahil sa totoo lang hindi sapat ang salitang WOW sa nadatnan nya sa loob ng kusina.

Hindi nya alam kung paano ito nangyari pero ang halos buong kusina ay napuno ng mga maliliit na ilaw.

Meron ding mga kandila na nakapalibot sa bawat gilid nito.

Meron ding mga bulaklak na kahit halatang plastic lang ay nakapagdagdag naman ito ng ganda sa paligid.

Napaka gandaaaaa.

Kung titignan mo ito ay tila hindi ito isang kusina. Para kang nasan isang maliit na bahay na puno ng mga alitaptap ang loob.

Napangiti naman si Geo ng makita ang laman ng lamesa. May nakahain kase dito pero hindi nya matukoy kung ano dahil may takip takip ang pinggang pinaglalagyan ng pagkain na iyon.

"Surprise...!?." Rinig nya. Tinig iyon ng isang taong nasa likuran nya.

Hindi nya mapigilang mapailing habang mas lumalawak ang mga ngiti sa labi.

At ng harapin nya ang taong nasa likod nya ay mas lalo syang namangha sa nakita.

Hindi sya makapaniwalang si Apple ang nasa harapan nya.

Ayos na ayos kase ito. (Well without make up ha wag echos). Nakasuot ito ng yellow floral dress na bagay na bagay sa kulay at katawan ng dalaga. Nakaayos din ang buhok nito.

Kung titignan parang isang dyosa ang nasa harapan nya ngayon. Isang dyosa na talaga namang naguumapaw sa ganda.

"You look...beautiful." namamanghang papuri nya rito.

Hindi nya naman naiwasang mapahigikgik ng medyo mamula ang muka nito.

"S-salamat." Iwas tinging sabi ni Apple.

Napangiti naman sya doon.
"Uhm...you made all of this?." Tanong nya rito.

Tumango naman ito.

"A-alam mo ba kung anong meron n-ngayon?."  Aaminin nya nakaramdam sya ng kakaibang kaba ng tanungin nya ito.

Tumango naman itong muli. "Oo, it's your birthday."

At ang kaninang kabang sumibol ay bigla na lamang natabunan ng labis na kasiyahan.

"Alam mo?. You know it. Pero paano? Hindi ko naman sinabi sayo diba" tanong nya.

"Eh kase nung dumating yung mama mo nung nakaraan masyadong malakas ang pagkakasabi nya ng ' Advance Happy Birthday, Son'. Kaya ayun nalaman ko na baka malapit na ang birthday mo, kaya nung naiwan ako sa kwarto mo m-medyo nagtingin tingin ako sa gamit mo at doon ko nakita ang kalendaryo, base sa petsa na may bilog ngayon ang kaarawan mo." Nakayukong paliwanag nito. "S-staka pala, Geo. Sorry kung medyo p-pinakialaman ko yung mga gamit mo...hehe. Peace lang tayo ha wag kang magagalit."

Napailing nalang sya ng magpeace sign pa ang dalaga.

"No. Ofcourse hindi ako magagalit sayo. At sa totoo lang pinasaya mo ako." Tama ba? Tama bang gamitin ang salitang masaya para sa nararamdaman nya ngayon? Kase sa tingin nya mas hihigit pa ang nararamdaman nya kesa sa salitang masaya.

"T-talaga! So hindi ka galit saakin?." Nakangiting tanong nito sa kanya.

Napataas naman ang kilay nya. Muka ba akong galit?

"Ikaw talaga." Sabi nya sabay tap ng ulo ni Apple. "Hinding hindi ako magagalit sayo, tandaan mo yan. Kase paano ako magagalit sa taong palaging nagpapasaya ng araw ko." Nakangiting dugtong nya pa.

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now