DALAWA. Dalawang linggo nang hindi pumapaspk si Math matapos ang tagpong iyon. Labis akong nag-aalala, hindi alam kung dahil ba sa nakita niya o may iba pang problema kaya hindi siya pumapasok.
Kasabay nang hindi pagpasok ni Math ay siya ring hindi na paglitaw ni Ian sa campus. Maski si Kyla ay hindi nakikita si Ian.Lalo lamang gumulo ang aking isipan. Masyadong okupado dahil sa kung ano anong pumapasok sa isip ko. Alam kong hindi pala absent si Math na kahit nasa Hospital ang mama niya ay hindi niya nagagawang lumiban sa klase.
Kaya ganto nalang ang pagtataka ko kung paanong dalawang linggo na siyang hindi pumapasok.
'Damn I miss your smell Math hays' ang tanging bulong sa aking sarili
Ang mga araw na walang saysay para saakin ay mas dumoble nang hindi pumapasok si Math. Parang may kirot.
'I know you hate me that much, but please let me explain my side' magpakita ka lang saakin Math hindi na ako magdadalawang isip na sumugal, I'm going to take the risk again..
Habang tulala at patuloy lang ako sa pag-iisip
"Dennnn!!" umalingawngaw ang pamilyar na boses sa loob ng classroom, si Kyla "Dennn alam ko na kung bakit hindi pumapasok si Math ngayon!" bigla naman akong napabalikwas sa narinig ko
"Oh ano bakit daw?" tutok lamang ang mga mata ko sa mata nito
"Si tita, yung mama ni Math" ang tila hingal na hingal nitong aniya
Hinawakan ko maman siya sa dalawang balikat at inalog alog ito "Ano? Ano nangyari kay tita?" medyo napalakas ang boses ko
"Lumubha daw ang sakit ni tita, sa tingen ko ay kailangan ka ngayon ni Math. Hindi raw kumakain ni maligo ay hindi magawa. Please Den nakikiusap ako sayo, puntahan mo siya ngayon" wag kang mag-alala Kyla kahit hindi mo sabihin yan ay pupuntahan ko talaga siya
"Salamat Kyla, salamat" niyakap ko si Kyla habang nagpapasalamat rito "Mauuna na ako, ikaw na ang magdahilan sa mga prof natin kung bakit wala ako!" inayos ko ang gamit ko at tuluyang lumabas ng classroom
"Go DENVER! Fighting!"
Halos takbuhin ko ang paglabas sa campus. Nang tuluyang makalabas ay naghintay nang masasakyan. Hindi rin nagtagal ang paghihintay ko ay may huminto ng jeep sa haraapan ko. Hindi ko na ininda ang sikip.
Dahil biyernes ngayon ay punuan ang mga sakayan, dahil nagmamadali ako ay sumabit na lamang ako sa jeep upang mas mabilis na makarating sa Hospital.
Bente. Bente minutos ang nilipad ng jeep at tuluyan na akong nasa harapan ng Hospital.
Hindi ko na pinansin kung anong itsura ko. Alam kong gulo gulo ang buhok ko pero wala akong pakialam dito.Agad ko namang tinahak ang kwarto kung saan nage-stay ang mama ni Math. Nang makarating ako ay naabutan ko sa labas ng kwarto si tito Jef ang papa ni Math. Kita sa mga mata niya na nagulat siya dahil siguro ay nandito ako ngayon gayong oras ng klase.
"Oh hijo? Wala ka bang pasok at napadalaw ka?" nag mano na muna ako bago sagutin ang mga katanungan niya
"Ah-eh tito wala po kasing prof maaga kaming pinauwi" ang pagsisinungaling ko rito "Nabalitaan ko po kasi yung kay tita, hmm kumusta po ang tita?"
"Ayon at hindi pa rin gumigising, ang sabi ng Doctor ay bka isang linggo pa bago magising. Hindi na raw kaya ng katawan ng tita mo, masyadong nanghihina" kita ko sa mga mata ni tito na nangingilid ang mga luha nito, kalungkutan ang siyang namumitawi sa kaniya
"Tito, alam kong may awa ang Diyos, magiging maayos din po ang lahat"
"Sana nga hijo, oh siya pumasok ka sa loob at mukhang matutuwa si Math pag nakita ka" abot naman sa mukha nito ang ngiti tila nang-aasar mukhang may alam si tito sa nararamdaman ng anak niya para saakin.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (BXB)
Roman d'amourIf chaos is a work of art, then my heart is a masterpiece.