Halos isang oras din ata akong nakatulog. Minulat ko ang mga mata ko at tinitigan ang katabi. Parang anghel ang himbing nang tulog. Inayos ko ang sarili at bumangon. Hindi ko namalayang nakatingin na pala si tita sa posisyon namin.
Bigla naman akong tinablahan ng hiya. At bigla naman napangiti si tita saamin. Parang nang-aasar ang mga tingin niya sa nasaksihan ng mga mata niya.
"Ahm tita, kanina pa po ba kayo gising?" ang nahihiya kong ani dito.
"Ah oo hijo ang cute niyo ngang tingnan, para kayong mag boyfriend" ang mapang asar nitong opinyon.
"Nako tita, magkaibigan lang po kami ni Math. Nothing more, nothing less" ang paliwanag ko naman kay tita.
"Hmm hijo, wala ka ba talagang nararamdaman para sa anak ko?" ang tanong nito saakin "Alam mo, palagi ka niyang kinikwento saakin. Ang sabi niya unang araw palang nang pasok niyo nahooked mo na daw yung atenttion niya. Sabi niya nga saakin pareho pa daw kayo nang kinanta" ang mga paliwanag nito saakin.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Una, ngayon ko lang 'to nalaman. Pangalawa, nabigla ako sa nalaman ko. At pangatlo, alam kong hindi pa ulit ako ready sa commitment kung sakali.
Mabait si Math sa mabait. Pero kasi natatakot na ulit akong magmahal. Masyado kong minahal yung past ko at sa tingin ko sobra akong nasaktan. Sobrang laki ng sugat na iniwan saakin ni Brix at Eric.
"Tita kasi po.." hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang magsalita si tita.
"Hijo, hindi ko 'to sinsabe para mahalin mo din siya gaya nang pagmamahal niya sayo. Sinabe ko lang 'to para maging aware ka sa nararamdaman niya. Palagi ko siyang pinipilit na magtapat na sayo, pero ang lagi niyang sinasabe hindi mo daw siya magugustuhan"
"Tita hindi po mahirap gustohin si Math, pero po kasi tita natatakot po ako..."
"Naiintindihan kita anak, pasensya at dinagdagan ko ang iisipin mo" at bigla nalang niya akong niyakap "Ayosin mo na iyang mukha mo at baka malaman pa ni Mathew na sinabe ko sayo yung secret niya" agad naman akong umayos.
Nagpasiya akong tumayo at pumunta sa cr. Habang naghihilamos ng mukha ay iniisip ko pa rin ang mga sinabe saakin ni tita.
Tinapos ko na ang paghihilamos at lumabas na ng cr. Nakita ko namang gising na si Math. Kita naman sa mukha niya ang galak dahil maayos na ulit si tita. Mukhang hindi nila napapansin ang presisensya ko.
Bigla namang bumukas ang pinto. Si tito at may dalang mga supot na naglalaman ng mga pagkain. At dahil medyo malapit ang entrance door sa pintuan ng cr ay nakita ako ni tito.
"Oh Denver tara na't kumain muna tayo bago ka umuwi, anong oras na rin at baka mahirapan kang nakasakay sa pag-uwi mo"
Inakbayan naman ako ni tito at dinala niya ako sa mag-ina niya.
"Oh stop the drama, take some foods!" ang nakaagaw sa atensyon ng mag-ina.
"Dad, what did you bought po?" ang masiglang tanong ni Math sa kaniyang daddy.
"Hmm, I bought your favorite baby boy 2 bucket of Chicken Joy for my baby boy!" ang sabi nito sa kaniyang anak habang ginugulo ang buhok.
Tahimik lamang akong nanood sa kanila. Ang swerte talaga ni Math sa mga magulang niya.
"Dad, nakakahiya po kay Den binata na po ako at hindi na po ako baby" ang pagmamaktol nitong sabi sa kaniyang ama habang nakanguso.
Aaminin ko ang cute niya sa part na iyon.
"Nakooo, kay Denver ka pa talaga nahiya huh?" ang pang-aasar naman ng mama niya.
"Maaaaa!" ang lalong nakanguso nitong asik sa kaniyang mama.
Kung hindi ko lang alam ang tunay na nararamdaman ni Math para saakin ay wala akong ibang iisipin sa kga kinikilos niya ngayon. Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakikitawa lang ako sa kanila.
Bigla namang tumunog ang sikmura ni Math at napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Opss sorry gutom na po talaga ako!" at nag pout naman siya. Ang cute mo namang nilalang hays. Pero...
"Tara na dito dali baka lumamig pa 'tong favorite ng baby boy ko!" ang mapang-asar yaya ni tito.
Naunang naupo si Math dahil nga gutom na daw siya. Natawa nalang ako. Sumunod naman ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Favorite ko rin to. Pareho pala kami ni Math.
"Oh ibibigay ko sayo yung favorite part ko sa manok!" aniya ni Math sabay ngiti saakin.
Math bakit ka ganiyan? Hays nahihirapan na ako. Pareho pa talaga tayo ng favorite? Hayss
"Ay hindi ko tatanggihan yan Math at favorite ko rin 'yan"
"Edi kumain na tayo dali at gutom na talaga ako"
Nang mag-umpisang sumubo si Math ay hindi na siya nagsalita. Mukhang gutom na nga talaga siya. Hindi ko na rin pinansin at baka maabala ko pa siya.
Dalawang manok palang ang nakakain ko nung tumingin naman ako kay Math mukhang nakakarami na siya. Mukhang gutom na gutom nga ang mokong.
Wala pang trenta minutos ay natapos na rin kami sa pagkain. Tumingin ako sa relos na suot ko at tiningnan ang oras. Mag-aalas diyes na pala. Baka lalo ako nitong mahirapan makauwi.
"Math, anong oras na rin. Hmm uuwi na muna ako at magkita nalang tayo sa school bukas." ang pagpapaalam ko rito.
"Tara ihahatid na kita sa sakayan" ang pagpepresinta naman nito. Hindi naman ako tumutol.
Tumayo ako at lumapit kina tito't tita "Tito, tita mauuna na po ako at baka mahirapan po akong makasakay."
"Mag-iingat ka jiho sa daan pauwi huh" ang sabi saakin ni tito. Nginitian ko naman siya.
Lumapit ako kay tita at niyakap ito at sabay nagsalita "Tita magpagaling po kayo huh? Mag-iingat po kayo palagi"
"Oo naman jiho, mag-iingat ka rin. At yung pinag-usapan natin. Saatin lang yun. Kung hindi mo gusto ang anak ko mas mabuting sabihin mo na agad para hindi siya umaasa ayaw ko lang talagang malungkot ang anak ko" para namang nangongonsensya si tita hays.
"Tara na Den, tama na drama" ang pang-agaw naman ng momentum ni Math saamin.
Sumunod naman ako sa kaniya na kanina pang nag-aabang sa pintuan. Naglalakad na kami palabas ng Hospital. Wala pang sampung minuto ay nakalabas na kami.
Ngayon ay naghihintay kami ng sasakyan ko pauwi. Habang naghihintay ay tinitigan ko ang mukha ni Math. Bakas sa mukha nito ang saya at lungkot. Siguro masaya siya at medyo okay na ang kaniyang mama at malungkot dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa mama niya sa susunod pa na araw.
Hinawakan ko naman ang dalawa nitong balikat at iniharap siya sa mukha ko na ikinagulat naman niya. Mukhang nahihiya.
"Math, magiging maayos din ang lahat. Babalik sa dati ang lahat. Tiwala lang." sabay ngiti ko sa kaniya
"Thank you Den. At thank you din hindi mo ako iniwan mula kanina. Ang dami ko ng utang sayo. Hayaan mo babaw...." hindi ko na siya pinatapos at bigla ko siyang niyakap.
"Wag mo nang isipin ang mga yun. Masaya naman ako sa ginagawa ko" ang bulong ko dito habang nakayakap sa kaniya.
"Yung kanina nga pala sa Library" ang nahihiya nitong ani
Sakto namang pagbitaw ko ay siya namang pagdating ng jeep. Woah salamat at hindi namin napag-usapan ang tungkol doon
"Pano una na ako?" hindi ko na natinig ang sinabe at sumakay na ako.
Halos trenta minutos din akong bumiyahe, at nandito na ako sa dorm ko.
Pabagsak ko namang inihiga ang aking sarili habang iniisip ang mga pinag-usapan namin ni tita kanina.
Naguguluhan na ako. Ano bang dapat kong gawin?
Tama. Iiwas na muna ako. Para hindi lumala ang nararamdaman ni Mathew saakin.
Tama ba? Tama ba 'tong mga desiyong gagawin ko? Ang hirap. Malapit rin ang loob ko kay Math.
Bahala na..
To be continued...
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (BXB)
RomansaIf chaos is a work of art, then my heart is a masterpiece.