Verse Two

1 1 0
                                    

Nag drive ako paalis ng restaurant. Kung yung iba, pag papakamatay ang solusyon pwes ako hindi. I wont end my life. Mag dradrive lang ako kahit saan para mawaglit saglit itong sakit pero uuwi rin ako. Its just about courting. Fuck courting.

Tulad ng luha ko, kapag pinunasan ko to mawawala na. Ganun din siguro itong nararamdaman ko. Kailangan ko lang ng oras para makapag isip.

Pero tulad din ng luha, papatak at papatak parin dahil kahit anong pagaalo ay masakit parin.

Hindi ko na alam kung saan ang tungo ko. Malapit na ring lumubog ang araw pero gusto ko pang mag drive. Gusto kong tumakas muna sa ngayon.

Tunog ng tunog ang phone ko. Tumatawag sila Hunter, Thalia at kahit si Vogue ay tumatawag na rin pero wala akong balak sagutin ang mga ito sa ngayon. Gusto kong mapagisa.

Tumawag rin ng makailang beses si Kaizer. Gustong gusto kong sagutin at sabihin ang nararamdaman ko dito pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want to ruin Kaizer's best day. Kahit ako nalang itong nasasaktan huwag lang ito. I want to see him happy. Kahit hanggang doon nalang ako ay magiging masaya na ako roon.

Malakas na busina ang nagpagising sa naninibugho kong damdamin
"PUTANG ANAK NG TOKWA!"

Kamuntikan na akong mabangga sa kotseng nasa harapan ko. Natakot ako kaya imbes na bumaba ay nanatili lang ako sa loob. Baka makuyog ako kapag lumabas ako.

Kung bakit ba naman kasi ganito ang nangyayari sa akin ngayon..

"HOY! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA HUWAG KANG MANDAMAY!" Kabababa lang ng may ari ng kotseng kamuntikan ko ng mabangga ng, ang malakas na sigaw na nito ang narinig ko kahit asa loob parin ako ng sasakyan.

Sa kabila ng pagsipa nito sa gulong ng sasakyan ko ay masasabi kong may itsura ito.

'Pero mas pogi pa rin si Kaizer'

"Anak ng...bakit ba hindi mo muna sya makalimutan kahit ilang oras lang.." napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Lumabas ako ng kotse upang kausapin ng maayos ito.

"I'm sorry sir.." hinging paumanhin ko dito.

Akala ko ay sisinghalan ulit ako nito pero napawi ito ng makita nya ako. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero bigla akong kinabahan sa titig nitong para akong hinuhubaran.

"Oh, its okey Ms. Beautiful..." hinaplos nito ang aking braso na nagpatindig ng balahibo ko. Bahagya akong lumayo dito.

"I will just pay for the damage kung meron." Lumayo na talaga ako dito papuntang sasakyan.

"Just a night with you will be okey.." nakangisi na ito sa akin. Imbes na murahin ito ay pinilit kong ikalma ang sarili ko pero diko mapigilan.

"But I think wala namang damage so I won't pay anything you idiot.."

"Feisty...I like that"

"FUCK YOU! " hindi ko na talaga napigilan...

Magkanda tapilok na ako sa pag lakad ng mabilis papasok sa kotse dahil sa takot.

"Ill make sure well meet again.." rinig kong sabi nito pero dirediretso na ako papasok. Akala ko ay susundan pa ako nito pero sa awa ng Diyos ay hindi na ito sumunod.

Hinintay kong makaalis ito bago ko pinasibat ang kotse ko dahil baka sundan nya ako. Napag pasyahan kong uuwi na ako dahil baka san ako madala ng nararamdaman ko at matuluyan na ako.

Dahil sa nangyari ay nawaglit ang pagiisip ko kay Kaizer. Kaya kahit papaano ay kumalma na ang pagiyak ko pero alam kong pansamantala lang naman iyon. Sa oras na makaharap ko ulit si Kaizer ay titibok na naman itong muli kasabay ng mga sugat na sa kanya ko rin natamo.

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon