Nakasakay na ako sa kotse at babalik na sana sa resto ng tumawag na naman ang kumag.
"Hello.."
"Thankyou, hindi ko alam ang ginawa mo pero papunta na si Eli dito...I owe it to you Urie..."
Bwisit ka. Inaway na nga ako pinagbayad pa ako...saklap.
"Welcome" mark the sarcasm there.
"Pumunta ka na rin...tutugtog din kami.."
"Busy ako, pass muna.."
"Sige na...I need you to be here...pampalakas loob" kikiligin na sana ako pero alam kong sinasabi nya lang ito para mapapayag ako.
"Gagawin mo lang akong PA eh"
Natawa ito sa kabilang linya." Ingat ka sa pag drive..gumamit ka ng waze incase."
Sus! Kunyari nagaalala...pafall!
"Oo na.."
Pinatay na nito ang tawag. I start the engine at tutungo na sa address na binigay nito. Every gig ng mga ito ay nanonood ako. Kaya kahit ayaw ko ay no choice ako. I want to support him no matter what.
Medyo malayo sa metro ang lugar. It took me almost 1 and half hours bago ako nakarating. Madilim na rin sa labas. I just park my car at pumasok na sa loob. I just sign some registration bago nakapasok sa loob ng compound.
The venue is a private resort. Para itong compound. May mga suite rooms at may malaking infinite pool sa right side mukhang sikat ito dahil maraming taong nakakalat. May bar din sa kabilang dulo na tingin ko ay dinarayo ng tao.
Dalawa lang ang dahilan nyan, una dahil sikat ang resort at pangalawa dahil sa The Lyrique kaya dinagsa ito, and I am proud sa nahuli.
"Urielle!" sigaw ng nasa likod ko. Lumingon ako dito ay nakita ko si Hunter na may hawak na drum sticks.
Kumaway ito at lumapit sa akin."Todo support...napaghahalataan"
"Bwisit ka kamo." tinalikuran ko na ito. Tatawa tawang sumunod naman ang loko.
"Dala mo sana banner mo? Para mapansin ka naman.."
Naiinis na lumingon ako dito. Hunter knows Im in love with Kaizer. Kahit hindi ko sabihin at aminin ay alam daw nito. Sa palagay ko ay ganun din naman si Ty at Vogue pero hindi nalang sila nagsasalita. Even Eli knows. Putangina lang..obvious na sa iba pero bulagbulagan parin..
Akmang hahablutin ko na sana ito ng tumakbo na ito palayo.
"Animal ka talagang Hunter ka!" Hinabol ko na rin ito.
After Kaizer ay si Hunter ang pinaka malapit sa akin. We have the same personality kaya siguro naging ease kami sa isat isa. Hunter is so childish tulad ko rin.
Huminto kami kakatakbo ng papasok na kami sa loob ng bar. Nang makapasok ay saka ko lang nalamang resto bar pala ito. May mga sofa sa unang palapag. Punuan din at hindi magkamayaw ang mga staff sa pagkuha ng orders ng mga customer.
Tinignan ko ang ikalawang palapag at sa tingin ko ay mga simpleng table lang ang naroon. Marami ring customer dito."Dun tayo!" hindi kami gaanong magkakarinigan ni Hunter dahil malakas na rin ang tugtog sa loob.
Kaya sinundan ko nalang ito. Narating namin ang table nila. They are in the left side area kung saan panay VIP ang kasama. Thalia is busy with her phone while Vogue is sleeping again. Kaizer is whispering something behind Eli's ear kaya hindi nila kami napansin.
"Selos ka na naman.." bulong ng demonyo sa tabi ko.
Siniko ko ito sa tyan. Napadaing ito na syang dahilan kung bakit napansin kami. Napalitan na pala ng malamyos na kanta ang tugtog.
BINABASA MO ANG
Someone You Loved
DiversosTHE LYRIQUE SERIES BY FLINNYX This is the first book of my new series. The SERIES flow is base on how I understand the LYRIQUE of every SONG that I love. How I imagine the story of evey song screaming at my ears as I play all of them. Try it and yo...