Verse Three

0 0 0
                                    

Mugto ang mga mata ko pagkagising. I cried everything last night. Pero parang hindi naman nabawasan ang sakit.

Pupungapungas akong tumayo sa kama. Diretso ang mga lakad ko papasok sa cr na nasa pagitan ng kwarto ko at isa ang kwarto nito.

Binuksan ko ang cr at nakita ko roon si Kaizer na nag sesepilyo. Diretso lang naman ang pasok ko sa loob. Hindi na rin bago ang magkasama kama sa cr dahil sanay naman na kami sa isat isa. Halos dito na nga sya tumira na okey lang sa akin dahil syempre, mahal ko sya.

"Morning"

"Walang good sa morning no.." singhal ko dito. Tumabi ako sa kanya sa sink at kinuha na rin ang sepilyo ko. I brush my teeth as I glare him infront of the mirror.

"Sama ng gising ah.." he speak as we continue brushing our teeth.

Nag uusap kami habang may bula ang mga bibig at pasak pasak ang tooth brush. This is insane.

"Bwisitkakasiginulomonanamanyungbuhayko.."

Naghugas na ito ng bunganga at ganun rin ako.

"What? Hindi kita naintindihan."

"Sabi ko bwisit ka. Animal." Tinalikuran ko na ito at nag dirediretso na sa kusina. Sinundan naman ako nito.

"Urie, red days mo ba ngayon? Hindi pa naman sabado ah.."

Kahit ang menstrual period ko alam nya. Yan, ganyan kami ka close pero yung feelings ko kahit kailan di nya nahalata. Bwisit.

"Bwisit ka kamo. Kinalat mo yung mga alak mo sa sala. Imbes na matulog na ako, nagpulot pa tuloy ako.."

Timalikuran ko ito. I start preparing for our break fast. Sinalang ko yung palayok at hinintay uminit saka ko na nilagay ang mantika dito.

"Namumugto mata mo, did you cry?" tinitigan nya ang mga mata kong medyo swollen.

"Nope. Napasobra lang yan sa tulog..." imbes na magtanong ay nagpangalumbaba naman ito sa kitchen counter. Naging malungkot ito habang nanunuod sa pagbeat ko ng egg hanggang sa pagkaluto ko dito.

Nagsasangag na ako ng hindi parin nagbabago ang tabas ng mukha nito. He was sad at hindi ako sanay na malungkot ito.

"Anong nangyari?" Sigurado akong may nangyari dito. Bihira lang magpakalasing ang ugok na ito. Bihira rin ang pagiging malungkot nito.
Kaizer is a jolly and sweet person especially sa akin. Kaya nga nahulog ako.

"Tinanggihan nya." Napahilamos ito sa mukha. Kita ko ang matinding lungkot ng mga mata nito.

Sa kabila ng lungkot nito ay ang galak naman sa puso ko. Masama na kung masama pero mahal ko sya at ang kaisipang hindi natuloy ang pagkakaroon ng girlfriend nito ay nagbibigay sa akin ng kaunting pagasa.

I close the stove as I go near him. I hugged him from behind. Tulad ng sabi ko ay sanay na kami sa isat isa at hindi na bago ito. Yet my heart always sunk as I go near him.

"Bakit daw? Baka nagulat lang sya kasi The Lyrique ba naman ang sosorpresa sayo eh talagang maguguluhan ka. " I place my head at the center of his shoulder and face.

"Sa pogi ba naman ni Vogue at Hunter talagang magdadalawang isip ka." natawa pa ako dahil alam kong inis na ito.

At tama nga ako. Tinanggal nya ang kamay ko sa pagpulupot sa bewang nito at humarap sya sa akin.

"You know what? Bwisit ka. Hindi ka nakakatulong. Bestfriend ba talaga kita?" Nakasimangot ito na parang bata.

Bakit ba naimbento ang salitang bestfriend? Bat sa tuwing naririnig ko ito ay tunog walang pagasa. Kakainis. Pero hindi ko ipapakita yun, I cover my irritation with a laugh.

Someone You LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon