TWO

12 4 0
                                    

Ayumi 

"Were here" sabi ng driver kasabay ng pagpatay nya ng kotse. Parehas na kaming lumabas sa kotse ni Miya at saglit na tinitigan ang mansyon na titirhan namin simula ngayon. I can't help myself but to stare at it amazingly as it's three times bigger than our house. Well it's not like I'm bragging but our family is actually rich so our house is kinda big but were not as rich as Tito France's family (the family who took Ayumi and Miya in). 

"You two must be Ms. Ayumi and Ms. Miya?" sabi ng katulong o maid na kalalabas lang mula sa malaking pinto ng mansyon. The maid looks like she's in her 30's and have this blank face. Tumango naman kaming dalawa ni Miya, binigyan ng katulong na nasa harap namin ng tingin ang dalawang lalaki na nasa tabi nya. "I'm Liza, the head maid of the Ashford household, let the butlers carry your things into your respective rooms and follow me to the headmaster's office" she said calmly to us  and the both of just silently followed Liza. 

.

.

.

.

Habang palapit kami ng palapit sa opisina ni Tito France ay nakakarinig na kami ng boses ng isang lalaki, habang papalapit kami ng papalapit sa pinto ng opisina ay lalo kong nakikilala ang may-ari ng boses na narinig namin.  I know this voice very well.

"I'm opposed to this Pa! You can't just take in that.... that two filthy girls in our house!" he said with full of disgust in his voice. When I heard that I felt a strong pain in my heart and I can't help but to clench my fist.

"Watch your word young man! I'm still the head of this house and you don't have a choice but to accept this"  Tito France said 

Liza knocked to the door and said, "Sir France excuse me but I brought Ms. Miya and Ms. Ayumi now"

"Come in!" tugon ni Tito France. Dahan dahan namang binuksan ni Liza ang pintuan at bumungad samin si Tito France na nasa table nya na nakaupo at nakatayo sa gilid nya ang isang butler at ang masamang mukha ni Matthew. Nginitian ako ni Tito France na para bang sinasabi nya na masaya na nandito na kami ni Miya ngunit kabaligtaran talaga ang nakikita ko sa mukha ni Matthew, hindi ko mapigilan na tignan sya pero sinamaan nya lang ako ng tingin at nilipat na lang ang atensyon sa iba. Syempre nasaktan na naman ako pero ano bang magagawa ko alam ko naman na sa una pa lang na pumayag ako na tumira dito ay talagang kakamuhian nya ako lalo, napangiti na lang ako mapait sa aking naisip.

"Mukhang hindi ka ata masaya na makita ako muli Ayumi" sabi ni Tito na napabaling agad ang atensyon ko sa kanya, nahiya agad ako sa aking kinilos dahil imbis na sya ang pagtuunan ko ng pansin ay ang kanyang anak ang aking nakita. Umiling ako ng maraming beses at sinabing, "Naku hindi ho! masaya din po ako na nakita ko kayo ulit! Hindi ko nga po alam kung paano kayo papasalamatan sa kabaitan nyo samin ni Miya" 

Natawa naman si Tito sa sinabi ko at natawa din ng mahina si Miya, tiningnan ko sya ng masama, nang makita nya ang tingin ko ay tinaas nya ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko. Narinig ko naman ang tila di pagsang-ayon ni Matthew, pagkatingin ko ulit sa kanya ay nakita kong masama ang tinging binigay sakin ng kanyang butler. Binalik ko na lang kagaad kay Tito ang pansin ko.

"Kamusta naman ang pakiramdam nyo hija?" mahinahon ngunit may halong pag-aalala na sabi ni Tito. Nginitian ko sya ng malaki at sumagot, "Ayos naman ho ako tsaka si Miya wala po kayong ipag-alala matagal ko na pong tinanggap ang nangyari atsaka sigurado pong hindi matutuwa si Mama at Papa pag nalaman nilang pinapabayaan namin ang sarili namin. Nangako po kami na magiging okay at maayos lang kami ni Miya atsaka nandito naman po kaming dalawa para alalayan ang isa't-isa hehe" 

Napangiti si Tito sa sinabi ko, "Hmm I'm really glad to hear that hija, you really inherited your mother's strength Ayumi and besides you can rely on to me too. To be honest I'm really shocked when you said that the two of you want to serve my family i mean you can just live here like my own daughters." 

Napailing ako sa sinabi ni Tito, "Tito sapat na samin na hinayaan nyo kaming tumira dito sa bahay nyo, alam ko naman  po na kaya nyo kaming buhayin ni Miya pero ayaw ko pong tumira, kumain ng tatlong beses, at laging umasa sa inyo. Sapat na po samin na tumira dito at sana hayaan nyo kaming magtrabaho dito kapalit ng pagtira namin" 

Napabuntong hininga na lang si Tito na para bang sumusuko at nagsalita, "Kung iyan ang gusto mo ay pagbibigyan kita. Ikaw Miya?". Tumingin ako sa katabi ko na si Miya at nginitian nya muna si Tito bago sumagot, "Malaki po ang utang na loob ko sa mga magulang ni Ayumi at kay Ayumi kundi dahil sa kanila ay baka wala po ako ngayon dito. Gusto ko lang po makasama, protektahan at masigurong masaya si Ayumi kaya kung ano po ang gusto nyang gawin ay gagawin ko." Napatitig ako kay Miya sa sinabi nya, hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman nya simula ng dumating sya sa bahay dati, sa simula pa lang kapatid na ang turing ko sa kanya, ate, at hindi na nya kailangan na tanawin yun bilang isang malaking utang na loob pero hindi na lang ako nagsalita at binalik na lang ang tingin ko kay Tito. 

"Oh sya sige pagbibigyan ko ang gusto nyo. Tutal gusto nyo din agad magtrabaho ay magkaiba ang magtuturo sa inyo ng mga kailangan nyong gawin at malaman. Ayumi si Liza na ang bahalang magturo sayo at ikaw Miya.... hmmmm" sabi ni Tito at nilibot ang tingin sa buong paligid, tumigil ito sa isang tao at yun ay si... "Lawrence ikaw ang magtuturo kay Miya" pagpapatuloy ni Tito na ikinagulat ng lahat dahil si Lawrence ang butler ni Matthew.

"Papa?! Seriously?! Lawrence is the head butler and my personal butler! You can't do that!" tutol ni Matthew

"Sir France, Sir Matthew is right and I already got my hands full. I don't have time to teach.... teach someone like her and besides I'm not a maid Sir I'm a butler." sang ayon ni Lawrence sa sinabi ni Matthew na para bang may halo pang disgusto at hinanakit ang pagsasalita. Nakita ko namang tumaas ng bahagya ang isang kilay ni Miya at sigurado ako na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Lawrence. 

'Uh ohh' nasa isip kong sabi at hahawakan na sana ang balikat ni Miya para pakalmahin sya pero mukhang huli na.

"Ohh is that so Mr. Lawrence Salvador?" nakangiting sabi ni Miya pero alam ko na hindi simpleng ngiti lang yon, mukhang nainis talaga sya sa sinabi ni Lawrence. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Lawrence. "If I quite remember Mr. Salvador your family is serving the Ashford Family from the very start, your family is really trusted by the Ashford's and really known for having the most competent and perfect butlers and maids in the country I mean your family is really famous for giving the most comfortable and perfect service and it is said that the heir of the Salvador family is trained well and can be a butler and a maid at the same time but looks like that wasn't the case and not competent as what i've imagined, seeing the next heir of the Salvador family saying something like that it's really dissapointing you know I really was looking forward to your lessons but it can't be helped you look like your still training though but I must say that it was quite careless for the Ashford family to put you as the head butler if you can't even do some teaching." nakangising sabi ni Miya at talagang nakatingin pa na parang naawa at nang-aasar kay Lawrence. 

Nakita ko sa gilid ng mata ko na para bang nagulat sila Tito at Matthew sa sinabi ni Miya at syempre bakas sa mukha ni Lawrence ang naghahalong galit at inis tipong nagsisilabasan na ang ugat nya sa leeg at ulo. Wala akong nagawa kundi ang mapahawak sa ulo ko dahil mukhang hindi talaga magkakasundo ang dalawang toh. 


.............

yan na po ang chapter 2 hehehehe 

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon