EIGHT POINT TWO

6 1 0
                                        

Ayumi

(Still a flashback......)

"Ayu! Sabay na tayong mag lunch?" nakangiting aya sakin ni Matthew. 

"Mauna ka na sa cafeteria susunod na lang ako. Pinapatawag kasi ako ni Ma'am Veniel." 

"Eh? Samahan na lang kita, hindi naman ako ganon kagutom." sabi nya sakin at um-oo na lang. Panigurado na pag umayaw ako hindi nya rin naman susundin. 

January na ngayon meaning bagong taon na mahigit 3 buwan na simula nung nagtransfer si Matthew dito sa school. Sa loob na 3 buwan na yon mas lalo kaming napapalapit sa isa't isa, halos araw-araw na ata kaming magkasama madalas na rin kaming asarin na dalawa. Malapit na magkaibigan na kami kaso..... hindi ko matanggi na may gusto ako sa kanya. 

Nakarating na kaming dalawa sa faculty room kung saan pinatawag ako ni Ma'am Veniel. Kumatok ako at saka na binuksan ang pintuan, nakita ko naman agad ang table ni Ma'am Veniel at dumeretsyo na sa kanya. Nakita nya sa likod ko si Matthew i mean imposible namang hindi dahil sobrang tangkad nya at hanggang balikat nya lang ako. Inutusan kami ni Ma'am na magpasagot ng long test mamaya after ng lunc break since may meeting sila kasi at exempted na kaming dalawa since kami naman ang magpapa long test, mamaya na lang daw namin kunin yung test papers after lunch. Pagkatapos namin mabigyan pa ng ibang instruction ay umalis na kami para mag lunch. Saktong paglabas ko ay papasok si James Alejandrio Montreal, kaibigan ko mula 9 - Bravo. 

"Oh Yumi anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni James at napatingin sa likod ko at nakita nya si Matthew. 

"Inutusan lang ni Ma'am Veniel ikaw?" sabi ko at gumilid kami para hindi maharangan ang faculty room. 

"Titignan sana si Sir Dela Cruz nandyan ba sa loob?" tanong sakin ni James

"Wala eh baka nag lunch" 

"Sayang at nga pala....." sabi nya sakin at nagtaka naman ako dahil hindi nya tinuloy sasabihin nya at bigla na lang ako hinila at inakbayan, lumapit tuloy ang mukha ko kay James na parang bubulong. "Sino yang kasama mo? Boyfriend mo?" bulong sakin.

"Huh? Si Matthew? Hindi ah! Ano ka ba?" tanggi ko 

"Gagi kanina pa ang sama ng tingin sakin. Kung nakakapatay lang ata tingin baka kanina pa ako naliligo sa dugo ko dito. Atsaka Matthew? Yan ba yung sikat na transferee? Kaibigan mo?" sunod sunod na sabi nya sakin pero pabulong pa rin. "Hmm oo nag transfer dito nung October at oo kaibigan ko atsaka bakit ka naman nya sasamaan ng tingin?" sabi ko.

"Aba malay ko! Simula nung kinausap kita sama na ng tingin eh! baka --" at hindi na naituloy ni James ang sasabihin nya dahil may humila sakin at yumakap sakin sa bewang. Nagulat naman ako dahil si Matthew ang humila sakin. Pakiramdam ko bigla akong nawala sa sarili ko at hindi makapag-isip ng tama. 

"Pasensya na James right? Kailangan na namin umalis ni AYU may gagawin pa kasi kami after lunch so if you excuse us." sabi ni Matthew at naramdaman ko pang humigpit ang yakap nya. 

"A-ahh sige" sabi na lang ni James at binitawan na nya ang yakap nya sa bewang ko kaso bigla naman nya hinwakan ang kamay ko. Napayuko ako dahil ramdam ko ang pagpula ng mukha ko, tenga ko at leeg ko. Nagsimula na kaming maglakad ni Matthew at dahil hawak hawak nya ang kamay ko ang alam ko na lang ay nandito na kami sa rooftop ng school at meron syang dala-dalang pagkain. Dun nya lang binitawan ang kamay ko at syempre dun lang nakahinga ng maluwag. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon