FIVE

15 5 0
                                    

Ayumi

"Good morning Ayu" masayang bati sakin ni Miya na tinugunan ko din, "Good morning" 

"Ang aga mo naman ata dito sa laundry room, may pinalaba ba sayo yung antipatiko at aroganteng Matthew na yon?" may inis na tanong sakin ni Miya

"Shhh ano ka ba? baka may makarinig sayo malagot pa tayong dalawa atsaka trabaho ko naman toh, wala na daw kasi syang maisuot kaya nagpalaba" sabi ko sa kanya habang naglalagay ng damit sa laundry machine. 

"If I know pinagbubuntungan ka na naman non sa nangyari kahapon sa dining room" sabi ni Miya na napatingin ako sa kanya at nakataas pa ang isa nyang kilay, "Paano mo....-" bago ko pa matapos ang tatanungin ko ay sinagot na agad nya ako. 

"I saw it yesterday and heard all of it, I heard that jerk's hurtful remarks and how that stupi- i mean how Lawrence stand up for you" Miya seriously said but I just looked at the laundry machine and never said anything. Alam ko kasi na pag ganto si Miya ay galit talaga sya and she never really likes Matthew in the first place, it even got worse when Matthew started treating me harshly. I heard her deep sigh, "Ayu... I seriously don't know what you see in him i mean yeah he was good to you.... at first and when I first met him I know there's something about him that I can't trust and look at how he's treating you right now. Ayu you're very special to me, all I have is you and I'm really mad at him for treating you like this, you don't deserve this, you deserve better, so please just giv--"

"Stop, I don't want to hear what you're gonna say and I won't give up until whether I win or not in the deal. I know you're really worried for me and I appreciate that but I really want to do this please?" I said almost begging her, she look defeated when she heard my voice. 

"Okay fine. I'll let you do what you want but tell me if you can't take it anymore okay? You can always relay to me." Miya said with softness in her voice, I smiled at her and nodded.

Pagkatapos namin mag-usap ay tinulungan na nya akong maglaba tinanong ko pa sya kung wala ba talaga dapat syang gawin ngayon, "I wouldn't be here in the first place if I have something to do right now do I?" ang sagot nya sakin kaya wala na rin akong nagawa kundi hayaan tsaka madali ko na rin matatapos itong ginagawa ko dahil sa kanya. 

Makalipas lang ng isang oras ay natapos na kaming maglaba, lalabas na lang kami para magsampay ay pwede na din kami makapag pahinga ng saglit paano ba naman kasi mukhang buong wardrobe na ni Matthew yung pinalaba nya, napansin ko din na yung ibang damit ay mukhang malinis pa hindi ko naman akalain na ganoon pala sya nainis sa nangyari kahapon. Palabas na kami ng laundry room para magsampay sa labas ay may biglang kumuha ng basket na buhat ko, nagulat pa ako sa biglang pagkuha nya, si Lawrence lang pala may kasama din syang isang butler na kinuha yung basket na dala ni Miya. Nakita ko pang napataas ng isang kilay si Miya nang makita nya si Lawrence, sumama naman ang mukha ni Lawrence nung nakita nyang nasa likod ko rin si Miya at bago pa sila mag-away ay nagsalita na ako.

"Nagulat naman ako sayo Lawrence akala ko kung sino kumuha ng basket hehe" nakangiting sabi ko kay Lawrence, agad naman nya akong tinignan at tumawa ng kaunti,              " Mukha kasing nahihirapan ka at YANG KASAMA MO sa pagbubuhat nito kaya nagmagandang loob na ako" nakangising sabi sakin o saming dalawa ni Lawrence, inirapan naman sya ni Miya at nginitian na lang yung isang butler na kumuha ng basket nya, hindi naman napigilan ng butler ang pagpula ng pisngi nya. Sobrang ganda rin kasi talaga ni Miya, lahat ng isuot mo sa kanya ay bagay kaya simula nung maging maid sya ay parang tumaas ang standards sa pagiging maid may ibang katulong rin na hindi maiwasang mainggit sa kanya at syempre halata namang sikat sya sa mga butler na bawat pagdaan nya sa kanila ay napapatingin na lang sila, si Miya na ata yung pinakamagandang maid na makikita mo. 

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon