Hindi ko alam san ako dadalhin ng mga paa ko, panay ang iyak ko simula nung nalaman ko na may plano pala mag divorce si mama at papa. Parang dinurog ako, hindi ko alam anong
gagawin ko.Akala ko okay ang lahat, nakikita ko silang masaya tapos kahapon ang sweet pa nila kase nakita ko si Mama nag bake sa kusina para raw magustuhan ni Papa yung ginawa niya, seeing my mom happily baking tapos pakanta kanta pa siya habang ginagawa iyon sobrang napapangiti nalang ako.
They look perfectly together, halos iniidolo ko ang relasyon nila to the point na I want to married a man like Papa.
Pero kanina habang kukunin ko sana ang naiwan kong libro sa sala narinig ko nagsisigawan sila.
"Ano ba naman Marco! Hindi nako nagreklamo kung bakit lagi kang late umuuwi, pero utang na loob naman marunong ka sana makiramdam!" sigaw ni Mama kay Papa habang hinahawak niya ang dibdib niya, mukhang pinipigilan niyang umiyak..
"Sinabi ko sayo sabihin na natin ang totoo sa anak mo, pero hindi ka nakikinig! Kung dapat hiniwalayan na kita dati pa, para hindi na tayo mahirapan magpanggap na maayos pa tayo Emilia!"
Teka ano raw? hiwalay? napatakip ako sa bunganga ko habang pinagmamasdan sila, kaya ba sila masyadong masaya kapag nasa harapan ko dahil nagpapanggap lang sila? Pero bakit? Bakit kailangan itago pa sa akin?
Sa sobrang gulat ko napaatras nalang ako at babalik sana sa kwarto ko ng marnig ko na may bumagsak, Nahulog ang vase!
Paglingon ko sakanila sabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko, Nakita nila ako na nanginginig at napaiyak. Sa sobrang taranta ko, wala akong ibang ginawa tumakbo na lamang ako papuntang kusina at pinuntahan ang pintuan kung saan makikita ang labas ng likod ng bahay namin.
Narinig ko pa ang sigaw ni Mama sa pangalan ko pero hindi ako lumingon, kaya heto ako ngayon hindi ko alam kung saan ako itutungo ng mga paa ko.
Nung nakita ko ang park dali dali ako naghanap ng upuan habang hinihingal parin kakatakbo. Umupo ako sa may duyan, at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa mukha ko.
"Ano ba tumigil ka na kakaiyak!" baliw na ata ako, kinakausap ko sarili ko.
Masyado akong nasasaktan. Para akong dinudurog sa nalaman ko. Gusto ko nalang iyakan lahat. Parang pinipiga ang puso ko, Ang sakit.
Hindi niyoko masisi kung bakit ako ganito. Nag sinungaling ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.
Higit sa isang oras nako nakaupo at wala akong balak na bumalik muna sa bahay kahit sobrang giniginaw nako. Tss, sana pala di ganito ang suot ko, naka short ako tapos sando lang aber? Sanay na 'ko na ganito ang suot ko kapag tutulog nako.
Hindi ko naman alam na sa pagkuha ko sana ng libro ay iba ang makukuha ko! Yun ang malaman ko ang totoo. Mabuti na lang at walang ka tao tao dito samin at halos kilala ko na ang lahat ng taga dito samin kung kaya ay hindi na ako natatakot.
"Ang ganda talaga ng mga bituin!" sambit ko sa sarili habang tinitignan ang mga bituin sa langit. Itinaas ko ang mga kamay ko na parang aabutin ko ito. Habang tinitignan ko ito, naalala ko nanaman sina Mama at Papa.
Back when I was a little, We used to bond in our garden every night to watch the moon and the stars. Ang saya namin habang ginagawa iyon lagi pa sinasabi sakin ni Mama ang meaning ng name ko ay
'Yaretzi Kate Amity Toreno' na ang Yaretzi raw an aztec name that means ''you will always be loved" ang Kate naman means 'pure' and the Amity means 'friendly' sobrang haba ng pangalan ko pero sobrang artistic rin ni Mama no? I can't believe that my name has a meaning every word on it.
Heto nanaman ako, naluluha nanaman. Hindi ko talaga alam ano nangyari kina Mama at Papa kung bakit gusto nalang nila mag divorce. They're perfectly fine! I can see that in my two eyes! And I can feel their love! The way they look each other, sobrang halatang mahal nila ang isa't isa pero bakit ganon? Nagpapanggap lang talaga sila? Pero bakit iba yung nakikita ko?
Hindi ko namalayan humihikbi nako dahil sa iyak ko. "Ano ba naman mga luha 'to! Di ba kayo titigil ha?" baliw na nga talaga ako kinakausap ko sarili ko.
"Hey, Are you crying?" Sa sobrang gulat ko sa nagsalita tumayo ako at dali dali pinunasan ang mga mata ko at hinanda ang kamao ko, mahirap na no! baka rapist to, nag aral pa naman ako mag taekwondo!
Pero baliw na ata ako, halos libutin ko ng sariling mata ko ang park pero wala namang tao! Jusko, Lord. Wag po naman sana multo, Pero multo? Nag e-english?
"Hoy pisti ka! Wag kang manakot! Kung sino ka man, S-sino ka?" What the heck self? anong pinagsasabi mo.
"You're funny, you don't need to know me. Ms. Iyakin!"
Iyakin raw? Aba't! Sinusubukan talaga ako neto ha! Di porket ang pogi ng boses mo rurupok nako sayo!!
"Hoy for your information, Mr.Englishero! I'm not iyakin, behind my tears there is always a reason! So stop judging me!" sigaw ko na sagot.
Gulat ako na may bumagsak galing sa puno. Akala ko kung ano na. Bigla ako napatingin sakanya, pero hindi ko makita agad ang mukha niya. Ano ba yan! Paano ba naman, Naka hoodie ito at di lang yon naka cap pa, yung totoo holdaper ba peg mo kuya?
"Tss. You should go home. Its dangerous here. And look at - what you are wearing, really?"
Aba! Ang judger ni Kuya ha! bakit parang ngayon ko lang ito nakita dito samin, Siguro bago siya? Or baka napadaan lang?
"Pake mo ba? Di ko naman sinasadya na ganito ang suot ko nung pumunta ako rito! Atsaka halos kilala ko na ang mga tao dito samin kaya di nako natatakot, at ikaw! Bago ka ba rito?"
"I told you, You don't need to know me."
"Wow! Artista kaba?" Kaya ba ayaw niyang magpakilala? Kaya ba siya naka cap at naka hoodie siya kahit gabi na?
"Ahuh! You're funny ha, Just please go home!" Pinapauwi ako agad neto at bakit? Sakanya ba 'tong park nato ha! Kung maka asta akala mo naman sakanya 'tong lugar nato!
At bakit sobrang naiinis ako? Eh ang bait ko kaya! Sobrang friendly pa, pero bakit sa taong ito ang bilis ko mainis?!? yung totoo?
"Why are you forcing me to go home? Bakit sayo ba 'tong lugar nato ha?" pagalit kong sagot.
"Its dangerous here, kaya kita pinapauwi!"
"Bakit concern kaba ha?" pabiro kong sagot.
Nakita kong inayos niya ang cap niya, at pinasok niya ang kamay niya sa bulsa ng hoodie niya saka tumingin sakin. Di ko man nakikita ang mga buong mukha niya, pero bakit may iba akong naramdaman sa tingin niya? At ang mga mata niya... parang....
Tanging ang buwan lang ang nagpapailaw sa amin. Akala ko sasagutin niya nako pero tumalikod lang ito at dahan dahan naglakad paalis.
Aba't! Napakabastos naman etong kausap! Nabigla ako dahil bigla itong tumigil ng hindi gumagalaw ang katawan niya at saka lumingon sakin at biglang nagsalita.
"Maybe, I was."
-----------------------------------
awie :)))

YOU ARE READING
Above The Stars (EDITING)
RomantiekUnder the starry night, two people is watching the moon and the stars. They accidentally meet and because of that they're finally connected to each other. Followed as these two destined lovers conquer their own fate in life and as they continue to...