Bilisan mo jazzie.. malakas na pag kakasabi saaken ni Caila habang nag mamadaling mag lakad.
Nag hahanap kase kami ngayon na pweding pasukan pag nag Senior high na kami since malapit na kaming mag moving up.
Si Caila kase ehh! Kase sabi niya parang hell University yung papakita niyang school saaken.
Siguro dala naden sa pag babasa ko ng wattpad at libro at minsan pa nga kapg nagustuhan ko talaga yung story sa wattpad binibili ko na libro neto eh para maging collection ko.
Since, malapit na nga kami mag moving up nag hahanap na ko na school na papasukan ko pag nag Senior high na ko at gusto ko yung parang hell University, kahit na alam kong imposibleng makakita ng katulad nun.
Nandito na tayo!. Malakas na sabi niya .. medyo malayos siya saaken mas nauuna kase siyang mag lakad saaken .. siya naman kase nakakaalam netong school na sinasabi niya.
Napatingin ako sa tapat niya .. eto na nga siguro yung sinasabi niya..
Eto yun! Jazzie, diba sabi sayo eh! Parang hell University .. hagdan agad! Excited siyang ng sasalita habang umaakyat.
Oo tama! Hagdan agad walng gate!. Pero parang hell University nga.. ang tahimik sa loob ehh.. maliit lang siya.. siguro kase bago palang tong school at lahat ng students nasa loob ng classroom ni wala manlang nag tangkang lumabas.
Nag libot lang kami.. di naman ganun kalaki kaya.. di naman kami natagalan. May mga pinakita din saaken si Caila .. na uniform namin kung sakaling dun kami mag aaral tas strand na available sa school na to.
Ano jazzie? Tanong saaken ni Caila.. tahimik diba? Parang H.U di sila basta basta nag papalabas ehh. Tapos maganda uniform, libre pa..at free tuition fee din. Pang aanyaya niya saaken.
Bumugtong hininga ako.. Di pa ko sure ehh!!. Hanap pa tayo ng ibang school na pweding pasukan.. matamlay kong sagot sakanya.
Siguro kase nag away kami ng boyfriend ko kaya ganito ako..pag nag aaway kami di na siya nag papakita saaken umaabot yun minsan ng isang buwan na walang paramdam ni text wala, chat wala ren.. pati anino wala. Hayst..
Siguro pagod lang!. Ang dami na den namin pinuntahang school .. puro pagandahan ng uniform, nag karoon ng K to 12 dami na den lumabas na bagong school para pag kakitaan dahil sa ibibigay na voucher ng government saamin.
(PAST FORWARD)
Nakapag moving up din ako sa wakas.
Ang buong akala ko kase... Hindi na, BTW..
Hindi papala ako nag papakilala sainyo..
Ako nga pala si jazzielyn mae luares 18 years old, nalate na ko mag aral kase nag kasakit si papa at ako nag alaga kaya na stop ako.. madaming nag kakagusto saaken iba daw kase yung mukha ko.. syaka. Mama ko kase may side na kastila kaya maputi ako pero di ganun ka puti tama lang, yung buhok ko naman mahaba hanggang bewang kulay Dark brown sa side naman ng papa ko namana, may katamtaman ang laki ng mata ko sa kaliwang bahagi naman neto may nunal sa loob neto , mahahaba naman yung pilik mata ko na naman ko kay mama. At may manipis akong labi na mapula.Jazzie??! Saan kayo mag aaral ni warren? Tanong saaken ni Rose.
Di ko pa alam eh. Sagot ko sakanya at napatingin naman ako kay warren,.. napangiti nalang ako.. he's my boyfriend! Naalala ko bigla noong naging president nila ako , inaasar siya lagi ng kaibigan niya kase crush niya daw ako, noon wala lang saaken yun kase naka focus ako sa layunin ko at busy na ko, at ayukong pumasok muna sa isang relasyon.
~FLASH BACK~
Habang gumagawa ako ng assignment at ang iba naman neto ni re research ko pa sa internet, Since wala kaming wifi at mahina ang signal dito sa bahay mas minabuti ko nalang mag computer shop.
Habang gumagawa naman ako, may nag chat saaken na nakaagaw ng pansin ko... Madami naman talaga nag chat saaken pero yung importante lang yung sinasagot ko.
Press.? Pwedi kabang sumama sa linggo ? Sa church namin, nga papa invite kase sila saamen, kung pwedi lang naman😊😊.
Nag isip naman ako.
Sa ibang bagay nga may time ako tas kay lord wala. Dapat meron din.
Agad naman akong nag chat at sinabing itry ko kung makakapunta ako.
Ayuko kaseng mangako since marami akong ginagawa, president pa ko at dito naman sa bahay ako nag aalaga ng mga kapatid ko.
Nabasa ko naman yung reply niya..naka Indicate naman dun kung saan kaming place mag kikita at kung anong oras kung sakaling matutuloy.
Pag dating naman ng linggo nilalagnat naman ako pero sinubukan ko naman pumunta kahit nahirapan ako.
Nag makapunta ako sa place na sinabi niya agad ko naman siyang nakita.
Pumunta na kami sa church nila at pag tapos nun hinatid niya ko at sinabi niya yung nararamdaman niya saaken.
Pero di ko tinanggap yun.
Pero niligawan niya paden ako.
Hanggang sa naging kami.. noong una wala kming problema , kunting tampuhan lang at away, di naman talaga mawawala yun sa isang relasyon eh. At sa mga panahon na yun.. sinabi ko talaga sa sarili ko na Siya na talaga hanggang dulo...
......
Jazzie?!! Nakakunot na tawag saaken ni Rose.. at ako naman bigla nalang yumuko lang.
Nag away nanaman ba kayo ni warren? Tanong ni Rose saaken.
Hindi ahhh!!. May na aalala lang ako. Sabay ngiti ko sakanya
Pero san ka pala mag aaral ngayon Senior high? Pag ulit ng tanong niya.
San nga ba ako mag aaral?? Tanong ng isip ko.
- author notes -
Sana nagustuhan niyo yung story ko 😊.. san nga ba mag aaral si jazzie? At ano bang manyayare sakanya pag naging senior high siya?.At ano bang nanyare sakanila ng boyfriend niya?. Bat parang may kakaiba?.okay pa ba sila o hindi na?.
YOU ARE READING
i'm inlove with my teacher.
Romance"Meeting you was fate, Becoming your friend was a choice, But falling inlove with you was beyond my control"