Warren POV
Ohh!! , Warren! Tagay ka muna jan!, Pag aanyaya ng tropa ko saaken.Agad ko naman sinunggaban ang basong may laman na alak na inabot niya saaken at ininom ito.
Nabalitaan ko kaseng namatay ang isang kaibigan ng papa ko kaya agad naman akong pumunta dito at nakilibing.
Pero nagulat na lamang ako nang tawagin ako bigla ng isa ko pang kaibigan.
Andito dito daw kase yung girlfriend ko.
Syempre alam ko na manyayare kaya agad na kong tumayo at lumayo sa mga tropa ko.
Hayst!! Pauuwiin nanaman niya ko at pag babawalan uminom.
Kitang kita ko naman na nakasunod siya saaken.
Lika na! Uwi na tayo. Tipid na sinabi niya saaken.
Kitang kita sa mga mata niya na pagod na siya kakasaway saaken at sa relasyon namin.
Bat ba kase siya nag papakatangga ng ganito. Sambit ko sa isip ko.
Tsk!, Una kana susunod nalang ako! Syaka bawal bang uminom ako, kamamatay lang ng kaibigan ng papa ko.
Pangangatwiran ko sakanya.
Sige na uwi na tayo! Maintindihan naman nila siguro yun ehh!! Isa pa ni hindi ka manlang sumasagot sa texts at tawag ko kahit sa chat.
Pag tatampong sabi niya saaken.
Hindi ko alam bat naging ganito na ko ka cold sakanya simula namatay ang papa ko..
Ilang linggo o buwan bago ako mag paramdam sakanya.. siguro kapag namiss ko lang siya.
Pero siya di paden nag bago.
Agad naman akong nag paalam sa tropa ko at kunuha ang bag ni jazzie sabay dere deretsyong umalis.
Alam ko naman na susundan niya ko kahit na bilisan ko pa lakad ko.
Warrreeenn!! Sigaw niya saaken
Napahinto naman ako.
Antayin mo naman ako . Pag habol niya ng hininga niya.
Tsk! Bilisan mo kase! Diba gusto mo nang umalis?! Inis na sinabi ko.
Nakita ko naman nainis na din siya.
At eto nanaman nag aaway nanaman kami sa daan.
Ginagawa mo ko laging bata! Tsk! Kaya ko naman sarili ko ehh! Kung gusto mong umuwi mag isa! Umuwi ka. Naiinis na sinabi ko sakanya.
Concern lang naman ako sayo ehh! Syaka halos isang linggo di mo ko nakikita, mas inuuna mo pa yung iba saaken! Kahit nga text ko di mo pinapansin eh!
Agad naman akong humarao sakanya at napasigaw!.
Kung concern ka talaga saaken, iwan mo na ko!, Kaya ko sarili ko ... Di yung ginagawa mo kong bata tskkk! Sabay hawak sa ulo ko! Naiinis na kase ako sobra eh!.
Napapahiya na ko sa mga kaibigan ko!.
Grabe ka!! Sigaw na sabi niya na halatang naiiyak na siya!
Iniisip mo lang lagi sarili mo! Sobrang napapagod na ko.. naisip mo ba ko?.. sobrang nakakapagod na yung relasyon naten.. minsan di ko na alam kung tayo pa ba ehh. Sa isang buwan dalawang beses kalang mag pakita... Tapos pag nag kita tayo lagi nalang gulo away .. kapag napagod na talaga ako maiisip mo lahat ng sinasabi ko sayo!!.
Napatingin naman ako sa paligid..
Sobrang dami na ng mga tao nakatingin saamen.
Sobrang inis ko .. hinagis ko nalang yung bag niya na dala ko sa lupa..
Kitang kita sa mata niya ang pag ka gulat.
Para ka namang tanga!! Nag mumukha pa kong mali sayo ehh!!.
Umuwi ka na nga! Babalik nalang ako sa mga kaibigan ko!! Sabay talikod sakanya.
Nang humarap ako nakita kong papalayo na siya kaya di na ko nag abala pang lumapit sakanya.
Jazzie POV
Umuwi ka na nga! Babalik nalang ako sa mga kaibigan ko!!
Yumuko nalang ako at agad kong kinuha yung gamit ko.
Lumakad ako papalayo at pinipigilan kong umiyak.
Kitang kita ko mga taong nakatingin saaken pero hinayaan ko nalang sila.
Nang makalayo na ko umupo ako sa isang tabi at tuluyan nang pumatak ang aking luha.
~Author~
Grabe . Char lang! Btw sana magustuhan niyo yung story ko....
Ano kaya manyayare kay jazzie?
Mag stay pa ba siya sa boyfriend niya?
YOU ARE READING
i'm inlove with my teacher.
Romantizm"Meeting you was fate, Becoming your friend was a choice, But falling inlove with you was beyond my control"